AFTER 2 YEAR
SETH POV
“MATAGAL KA PABA MATAPOS?”
Ang akala koba sandali lang sya mag aayos at matatapos na sya, pero nakakala-hating oras na sya hinde pa sya lumalabas sa kuwarto.
“TAPOS NA BA YONG GATAS, yong mga gamit ni baby angelo?”
Sinulyapan ko ang maliit na bag na nilalaman ng mga gamit ng bata.
Chineck ko ulit kung may nakalimutan ba ako at hinde ko nalagay.
patay nanaman ako sa asawa ko pag may makalimutan ako.Nung nakaraang buwan nga sinigaw sigawan nya ako sa harap ni tita dahil nakalimutan ko magdala ng extra pampers ni baby angelo.
Isang taon na kami kasal at may baby angelo narin kami. kung gaano sya ka amazon dati double na ata ngayong mag asawa na kami.
Pero kahit na ganyan sya mahal na mahal ko sya, sumubra panga nung sabihin nyang magkaka baby na kami.
May sarili narin kaming bahay na regalo sa amin ng mga magulang ni blythe.
May maayos na akong trabaho at sa kompanya nila ako pumapasok.
Si rhys ang nagpapatakbo nito kaya hinde naman ako nahihirapan kahit papaano.Si blythe naman magtatapos narin sya this year.
Pansamantala syang natigil nung pinagbubuntis pa nya bàby namin dahil baka makaapekto pa daw sa bata sabi ng mama nya kaya hinde sya naka graduate agad.Maayos naman buhay namin. subrang saya ko kahit sa murang edad ko lalo na si blythe nakakaya nman namin ang mga pagsubok na dumarating.
Subrang bilis nyang nag matured. yong dating baby ang tawag ko dahil sa kilos at ugali nya, pero ngayon kahit nahihirapan sya gampanan ang pagiging mabuting asawa at ina kinakaya nya.
Subrang proud ako sa asawa ko. At mahal na mahal ko sya.
“babe! bakit ito lang nilagay mong damit ni baby angelo, baka matagalan tayo doon kina mommy.”
Sabi ko na ngaba at may masasabi nanaman sya sa inimpake ko.
“doon naba tayo titira sa bahay nila?”mali ata nasabi ko, tumaas nanaman kasi ang magkabilaan nyang kilay.
“makikilibing tayo babe hinde tayo lilipat ng bahay.”“oh sya, dalhin mo si baby angelo ako na sa gamit nya.”wika niya sabay dampot sa maliit na baby bag.
“kung makakabangon sa kabaong ang bestfriend mo sisitain ka sa suot mo.”
Makikipag libing kami pero ang iksi ng suot niya.
Paano kaya pag dinala niya si baby angelo tataas pa lalo ang suot niya.Subrang ganda niya sa suot niya pero ayokong nagpapaganda pa sya lalo, tyak pag may nakakita sa kanya na lalaki at hinde sya kilala iisipin talaga nila wala syang asawa.
Pagkasakay namin ng cotse hinde na ako nagulat ng humagolgol nanaman ito ng iyak.
nitong mga nag daang araw wala na syang ginawa kundi umiyak pag gabi.
Naalala niya ang kaibigan niya at hinde daw nya matanggap na wala na ito.Gusto ko pagaanin ang loob niya pero sariwa pa sa kanya ang sakit ng pagkawala ng kaibigan.
Kahit naman ako masakit din pero wala tayong magagawa doon.
Kapalaran nya ang mawala sa murang edad nya.May mga napagsamahan din naman kami kahit maikling panahon lang iyon.
Dumating kami sa bahay ng parents ni blythe at ready nadin sila.
Dumaan kami doon para iwanan sa yaya nila si baby angelo.
Sabay sabay na kaming umalis pagka bilin ni blythe kay baby.Marami na ang dumating at ilang minuto na lang daw ay magsisimula na ang libing.
Nakita ko si donny kasama niya ang mga magulang niya. Ganon din si rhys at kaori.
Subrang haba ng trafic ng pauwe na kami sa bahay.
Tulog ang mag ina ko habang nasa beyahe kami. umuulan din kasi kaya mahaba haba nag trapiko.Nasa bakasyon si papa at tita sa probinsya.
Naisipan nila doon magbakasyon habang nagpapagaling pa si papa.
Matanda si papa kaya nakakaramdam na daw ng panghihina sa katawan. Iwan ko sa kanya iyon ang sabi niya.Si tita naman ang tumutulong kay blythe sa pag aalaga kay baby angelo pero madalas si tita talaga ang parang nanay ni angelo.
Busy si blythe sa school dahil nga gagraduate na sya.
Ako naman busy din sa opisina lalo at tinaas ni rhys ang posisyon ko sa kompanya nila.
Hinde gaano kataas pero nagpapasalamat parin ako dahil doon.Sa magandang takbo ng buhay naming mag asawa ngayon, wala na akong mahihiling pa.
Mag susumikap ako para sa anak ko, para paglaki niya ipagmalaki niya ako.
Ako ang magiging unang halimbawa nya paglaki niya.Subra subra na ang naitulong ng pamilya ni blythe sa amin kaya ayaw ko iasa pati sa kanila ang anak ko.
Baby palang si angelo pero ang dami ng pangarap ng mommy ni blythe para sa kanya.
Nakakatuwa nga eh.Si papa at tita naman maginhawa na ang buhay nila at lumago narin ang negosyo nila kaya buhay ng pamilya ko ang gusto ko naman isipin.
YOU ARE READING
Loving you |completed
Подростковая литератураLOVING YOU was the best decision in my life. "Love is virus and I am Infected"