SE5

293 7 3
                                    

“Mukhang uulan nang malakas, tsk nakalimutan kong magdala ng payong inis kong singhal bago ako lumabas ng club room

Naglalakad ako sa lobby palabas nang nagmamadali dahil ayokong maulanan at wala akong dalang payong

'sa dinami-rami ng pwedeng maiwan bakit yung umbrella pa? aishh'

Naglakad-takbo na ako para makauwi bago pa umulan, nang biglang bumuhos ito

Sa sobrang pagpa-panic ay hindi na ako makapag isip nang maayos, luminga ako nang luminga para makakita ng pwedeng silungan nang may biglang tumabi sakin

“L-loki” pagtawag ko sa katabi kong nakatitig sa malayo habang pinapayungan kaming dalawa

“next time wag mong kakalimutan yung payong mo para di ka mahirapan.” walang emosyong sabi niya

“o-oo, sa susunod” sabi ko at bigla siyang naglakad kaya napasunod ako sa kanya para masakop ako ng payong na hawak niya

Nakarating na kami sa dorm. Kung siya ay tahimik na kumikilos, ako naman ay hindi mapakali

*sneez*

Napatingin sakin si loki at tinanguan ko lang siya para sabihing ayos lang ako, pero di nagpaawat ang ilong ko at sinabayan na ng ubo.

“you get sick easily, you’ll really get cold because you’re also not wearing a sweater” panenermon niya sa akin ngunit di ko na ito kinibo dahil pakiramdam ko ay di ko kayang magsalita

Nakarating na kami sa dorm, dali-dali naman akong pumasok sa kwarto at kumuha ng mga gamit bago pumasok sa cr para maligo at mag ayos.

Nang matapos ay agad akong sumampa sa kama ko at sinubukang mamahinga dahil sobrang bigat na rin ng ulo ko

Wala pang limang minuto nang biglang may kumatok sa pintuan ko.

“Lori can i come in?” tanong ni loki

“m-mmm p-pasok *cough*

Pumasok siya sa kwarto ko na may dalang isang tray na sa tingin ko ay pagkain

“i prepared porridge and your medicine, eat it bago lumamig sabi niya at inilapag sa desk na maliit

dO-ob

'ano nanamang nakain nito?'

These past few days, napansin kong may kakaiba kay loki, pero ayoko namang mag isip ng kung ano-ano

“s-salamat, di mo naman k-kailangang gawin ‘to, okay lang ako—”

“shhh, eat it” sabi niya at ibinigay sa akin ang pagkain na nasa bed table

Aabutin ko na sana nang makaramdam ako ng pagkirot sa braso at balikat ko

“l-loki, di ko magalaw yung braso at balikat ko, m-masakit” sabi ko

“hmm, paano sumakit iyan eh naulanan ka lang naman?” tanong niya

Hindi na ako sumagot, pinilit ko na lang na ikilos ang braso ko pero hindi ko talaga kaya

“hindi na lang ako kakain” walang ganang sabi ko at dahan-dahang bumalik sa pagkakahiga

tch, umupo ka” parang naiinis na asik niya at para naman akong aso na sumunod

'mahirap na, baka maging si goku ‘to pag di ako sumunod’

Tumayo siya at lumabas ng kwarto, pagbalik niya ay may dala siyang isang mahabang kulay itim

“a-ano yan?” takang tanong ko sa kanya

“open your mouth” utos niya

“e-eh—”

*mmmp*

At tuluyan na niyang naipasok sa bibig ko ang...

“straw, it’s a straw” sabi niya ,inalis ko yon sa bibig ko

“s-straw? bakit straw?” tanong ko

“sabi mo di mo kayang kumain using your hands, so kumuha ako ng straw para doon ka makakain parang inosente niyang pagpapaliwanag. Naibagsak ko naman ang ulo ko sa unan na para bang masisiraan ng bait

'ang tali-talino mo po, napaka laki ng tulong salamat!'

“get up, hindi ka pwedeng humiga nang di kumakain” masungit niyang sabi at di ko siya pinansin

Ilang segundo kaming natahimik, ako naman ay nakatingin sa labas ng bintana nang may maramdaman akong paglubog ng hinihigaan ko

dO_Ob

Hinawakan niya ako sa bandang underarm at parang bata na iniupo

OO! SI LOKI NA ANG NAG UPO SA AKIN!

“tsh, you’re annoying” sabi niya at umupo sa harapan ko at kinuha ang spoon at isang mangkok ng porridge

“open your mouth” saad niya

“a-ahhh” at sinubo niya sa akin ang kutsara

KUTSARA LANG!

“HAHAHAHAHA” pagtawa niya na siyang pinag init ng ulo ko, sisipain ko na sana siya nang bigla akong mapadaing sa sakit ng binti at hita

“hindi mo ko kayang gantihan, baldado ka pa ngayon HAHAHAH” pang aasar niya pa

Hindi na ako nakakibo at pinanood na lang siya sa kanyang pagtawa

Bihirang tumawa si loki, masyado kasing seryoso palagi at kahit pa sobrang nakakatawa ang isang bagay ay di mo siya makikitaan ng kahit anong senyales na natatawa siya.

Doon ko lang napansin na bagay pala kay loki ang tumawa at ngumiti

‘ang gwapo niya...’

Bigla siyang sumeryoso at kinuha na ang kutsarang may porridge, isinubo niya sa akin yon

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa maubos ang porridge, oras na para sa gamot

“drink it, tapos matulog ka na. o-order na lang ako ng dinner later” sabi niya habang nilalapit sa bibig ko ang gamot

“a-ayoko sa gamot” sabi ko

“what? but you need to drink this”

“ayoko loki” pagpupumilit ko

Napatikhim siya at parang nag iisip. Pagdilat niya ay nakatingin na ito sa akin. Tinapon niya ang gamot na kinuha niya sa garbage can

'yan sige, tapon mo na lahat'

Pagkatapon niya ay tumalikod siya sa akin at sa tingin ko ay kumuha siya ng gamot

Pagharap niya ay umakto siyang parang magulang na nang uuto ng anak para mapainom lang ng gamot

“go lori, drink this para gumaling ka na” sabi niya pagtapos niyang paliparin kunwari ang gamot na parang eroplano

“pffft ano ako? bata?” natatawang sabi ko

“yes, bata ka muna ngayon kaya inumin mo na ito” sabi niya

mukhang malapit na siyang mainis sa akin kaya pumikit ako nang mariin at sinubo ang gamot at dali-dali niyang pinainom sa akin ang gamot

“good girl” sabi niya pa, ako naman ay parang gustong sumuka

Kinuha niya na ang tray at lumabas ng kwarto, ako naman ay umayos na ng higa para matulog.

Project Loki Where stories live. Discover now