SE7

241 4 8
                                    

Lorelei's POV

Naglalakad ako papunta sa school dahil pinapapunta ako ng prof namin at may ipinapaabot.

Noong nandoon na ako sa lobby, tumunog ang aking phone kaya kinuha ko ito bago ako mag log in doon sa pag pasok.

Loki

where are you? pupunta ka ba?

sent 3:00pm

nag reply ako pagkabasa ko nito at sinabi sa kanya na nasa school ako at pupunta sa paroroonan ko

Loki

can i join you? i mean, if it's okay with you.

sent 3:05pm

Hindi ko alam ang isasagot ko. Mayroon sa parte ko na gusto siyang kasama ngunit meron sa parte ko na nangangamba

To: Loki

okay, hintayin mo ko.

sent!

Pagkatapos ay agad akong nag log in sa lobby at pumasok sa faculty. Mabuti na lang at nandoon pa si prof kaya kinuha niya na ang ipinapaabot niya sa akin at umalis din ako

Naglalakad na ako papunta kay loki. Nang makarating doon ay nag stay ako ng ilang minuto sa labas

'ako yung babae pero ako pinaghihintay, naka dress pa ko at pinagtitinginan dito'

At lumabas siya sa gate, naka hoodie na pula at itim, naka jogging pants at sapatos. Hindi ko na siya kinausap at nagsimula na akong maglakad, ganon din siya sa likuran ko.

Na-conscious ako dahil ang dress ko ay backless, kailangan kong takpan ng buhok ko kaya't niladlad ko ang buhok ko at pinauna siyang maglakad

Magko-commute lang kami, kinakausap niya ako ngunit matipid lang ang nagiging sagot ko

'dahil sa pagtatalo namin kanina'

nakarating kami sa tapat ng isang drugstore at hinintay ang iba naming kasama. At nandoon na nga yung iba kaya't nilapitan namin

Inaya nila kami sa isang grocery store para bumili ng drinks namin, at tahimik naman kaming sumunod

Nang palabas na, nakatingin ako sa dalawa pa naming kasama na parang nabibigatan sa dala nitong drinks. Tumingin ako kay loki at tumingin din sa akin na parang nagtatanong kung ano ang gagawin o kung ano ang aking nais na sabihin

Tumingin ako sa kanya at sa dala ng mga kasama namin. Mukha namang nakuha niya kaya't maingat siyang lumapit sa dalawang may dala at kinuha ang mga drinks

Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin ang isa naming kasama. Oras na para pumunta sa bahay ng kaibigan namin

Sumakay kami sa sasakyan papunta sa bahay no'n. Hindi ko katabi si loki, iba ang aking katabi

Nang makarating sa bahay, agad kaming nag kwentuhan na magkakaibigan.

Dumating ang pagkain, ang pizza at drinks at agad naming inubos

Dumating ang ina ng kaibigan namin at inaya kaming kumuha ng pagkain sa lamesa. Agad naman kaming pumunta, at kumuha

Carbonara, pizza, drinks, cake, puto at marami pang iba.

Umupo kami ulit sa loob ng room ng kaibigan namin at nagsimulang kumain

"Lorelei, ang ganda mo" pagpuri ng katabi kong babae na siyang ikinahiya ko

"yeah, she's really pretty" ika ng kaibigan naming lalake

"shy type lang kasi talaga yan, ayaw nagpapakita ng mukha sa madla. Alam niyo naman, pandemic moments"

ang pasaway na loki ay bumubulong sa akin dahil katabi ko siya. Gusto niya na makita ang mukha ko ulit

dahil ilang buwan niya itong hindi nakita nang buo dahil sa pagsusuot ko ng face mask

Natapos kaming kumain, nag aya na maglaro ang isa naming kasama

"truth or dare oh, game" agad kaming pumabilog at nagsimula na ang laro
at sa kasamaang palad...

"Lorelei, it's your turn"

"ay! ako ang mag dare hihi"

"wala pa nga, di pa nakakapili kung truth ba or dare

"sige na, dare na" ika ko

biglang nagngitian sakin ang tatlo na parang mga killer clown. Agad akong kinabahan sa kung ano ang lalabas sa bibig ng mga ito

"eye to eye with loki, 10 seconds" agad akong tumanggi, ngunit ang mga ito ay mapilit. si loki naman ay nakatingin na sa akin, tiningnan ko rin siya at nagulat ako sa reaksyon ng mukha niya

namula at umiwas ng tingin

Wala akong nagawa at inalis ko ang facemask ko, tumitig ako kay loki at ganon din siya

Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha. Ang sampung segundo na matagal para sa akin kanina ay parang gusto kong patagalin pa nang magsimula ang pagbibilang.

Nang matapos ay pareho kaming namumula at napakamot. Siya sa batok, ako naman ay sa aking noo

Nagtuloy-tuloy ang laro, at sa amin nanaman napunta ang taya.

"put your head on loki's shoulder" sabi ng isa

tumingin ako kay loki, nagulat ako nang bigla siyang lumapit sakin upang maisandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat. Ipinatong ko iyon

Ilang segundo nilang binilang iyon. Ngunit mayroon sa aking part na ayaw na itong alisin.

Nagpasya akong huwag nang alisin. Wala na akong pakialam kung ano ang sasabihin ni loki

Ilang oras pa at pauwi na rin kami. May isa kaming kasama na malayo pa ang uuwian. Kami ang natatakot para sa kanya dahil sa kaniyang kasuotan.

Sasabay na sana sa pag uwi ang isa naming kasama. At sa katunayan, ang mangyayari ay...

kaming dalawa ni loki ang maiiwan sa kwarto.

Palabas na sana sila, nanahimik na ako at si loki naman ay lumayo na.

Ramdam ko ang katahimikan sa kwarto nang makalabas ang iba naming kasama. Tahimik akong nakatingin sa kisame at nakahiga samantalang siya ay ramdam kong nakatingin sa akin.

Biglang bumukas ang pinto at sinabing sumabay na kami sa pag uwi. Agad akong nagpagpag ng sarili at tumayo, nag ayos at sabay-sabay na kaming umalis sa bahay na yaon.

Kailangan ulit naming mag commute ni loki, kaso nga lang ay wala nang taxi.

"okay lang ba sayo na mag tricycle tayo?" tanong ko

"no problem" ika niya

dumating ang isang tricycle sa harap namin, pinasakay kong una si loki at sumunod ako

ang eksena ay nagsiksikan kami sa loob ng tricycle. Ramdam ko ang mainit niyang balat sa akin.
Binasag niya ang katahimikan

"ilang segundo lang ang usapang ipapatong mo ang ulo mo sa akin, pero di mo na inalis" ika niya

tiningnan ko siya "ang dami mo namang dama-" at sa kasamaang palad ay nakatingin pala siya sa akin, at muntik magtama ang aming mukha

Sa sobrang pagkabigla ay pinahinto ko ang tricycle at bumaba doon. Sinundan naman ako ni loki

naglakad ako nang mabilis, hindi ko siya pinapansin. Buti na lang ay malapit na kami sa aming village. Hindi ko siya nilingon kahit isang beses

Hanggang sa makauwi ako sa bahay. Wala ako sa wisyo at hindi namansin ng kahit na sino

Nag vibrate ang phone ko at kinuha ko yaon. At di ako nagkakamali dahil si loki iyon

sinagot ko ito at hindi ako kumibo dahil nabibigla pa rin sa pangyayari kanina, kaalinsabay ng inis

"sorry lorelei..."

---

XD

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Project Loki Where stories live. Discover now