2WEEKS PASSED.
Ganun pa din. Bully dito, insulto don. Shet. Ayoko na talaga. Nasa library ako ngayon. Nagbabasa ng kung ano ano.
Bigla ko namang napansin na nasa harap ko na pala si Charlee.
"Bakit ka nandito?" mahinhin kong tanong.
"Tinitignan ka." sabi niya. Ha?
"Ah." tipid kong sagot. Ayoko naman kasing makisalamuha sa mga tao.
"Yun lang?" tanong niya.
ANONG GUSTO NIYANG SABIHIN KO? T___T
Hindi ko nalang siya pinansin.
"Hindi mo manlang ba tatanungin kung bakit lagi kitang pinagtatanggol?" oo gusto kong tanungin. :<
'Hndi. Pero salamat ah!" sambit ko.
"Wala yo—" bigla naman kaming may nakitang nagflash. Flash ng camera.
May nagpicture samen. O__O Ayan na naman sila.
Nilapitan ni Charlee yung babaeng nagpicture. "Delete it or die." sabi niya sa nakakatakot na tono ng bosses.
"Ahh. Uhmm... " sabi naman nung babae. Isa yung babae sa mga alipores ni Elex. "WHAT?! Delete it!" sigaw naman ni Charlee. Mukang ayaw nung babae pero halata mong takot siya. Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Charlee. Kinuha niya yung camera tapos inapak apakan at sinira niya yon. Yung babae naman, tumakbo nalang paalis.
"Hayaan mo na sila, hndi ka na nasanay." sabi ko kay Charlee. Sa totoo lang, crush ko siya matagal na. Kaso di ko pwedeng ipahalata o sabihin manlang kasi sasabihin lang ni wala naman akong karapatan magka-crush. Lalo na kay Charlee pa. Since 1st grade crush ko na siya. Siya kasi yung laging nagliligtas sakin. Siya lang.
"Tama na! Hindi ka ba nasasaktan na ginaganyan ka nila?! Inaapi? Binubully? Iniinsulto!? Pwes kung hindi, ako nasasaktan para sayo! Alam mo maganda ka naman e, pakiramdam ko nga mabait at masaya kang kasama. Bakit hindi mo patunayan sa kanila yon?! Hinahayaan mo maging kawawa ka sa paningin nila. Why don't you stop them from insulting you and prove them they're wrong! Stop being humble. Sa sobrang pagiging mabait mo natatapakan ka na nila! Dinudurog nila pagkatao mo!" natahimik nalang ako sa mga sinabi ni Charlee. "Ah-ahmmm, pasensya na ha. Nadala lang" dagdag niya pa.
"Mas lalo kasing lalala pag lumaban ako." sabi ko naman pero hindi ko siya tinitignan.
"Edi wag kang lumaban pero baguhin mo sarili mo. You know what? I'm not saying I want to change you. Pwede namang hindi kung ayaw mo, pero ayun lang yung magiging way para tigilan ka nila. Hindi ka naman maghihiganti, ipapakita mo lang sakanila kung gano sila kamali." ngumiti naman siya. Tapos umalis na.
Napaisip ako. Siguro nga ito na yung panahon na yun. Sa lahat ng sinabi ni Charlee natauhan ako. Na-motivate ako. Narealize ko na kailangan ko talaga tong gawin. Tutal uwian na, dumiretso na ako sa bahay. Friday ngayon. Walang pasok ng 2days. I need to prove them wrong. Let's just see.
——————————————-
Kyaaah! Ayan na si Ms. Nerd! Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
The Come Back of Ms. Nerd
Short StoryWhat would you feel if all students of your school is bullying you? Insulting you? hurting you? Well, para sakin, sobrang hirap. Hindi ko kayang mabuhay ng ganto all my highschool life. Simula pa lang nang unang pasok ko dito sa University of Leslin...