Tanong

17 14 2
                                    


We spend nights talking about our journey. She may look perfect but deep within she is also struggling and in pain. 

"Ang hirap pag hindi kayang controlin ang isang bagay no, Ash" kita sa mga salita niya ang bigat at hirap.Nakasakay na kami ng sasakyan para makauwi na siya.

" Minsan may mga bagay talaga tayong hindi ma co- control Zira, tulad ng panghuhusga ng iba. Pero alam mo kung ano ang ma co- control natin?" 

"Ano?"

" It's how we respond. You can walk away and shut the world or face it and prove yourself. 

" But if we walk away, aren't we surrendering?"

 " That's why you should know how to define your battles Zira, Not all battles are worth fighting for. Sometimes surrendering means victory." I see a glimpse of her smile lingers on her lips. 

 " You're right, Ash. But words can easily be spoken than followed. But hypothetically Ash, If you need to win battles for your love once, but you can't physically and emotionally, will you raise defeat? Or run yourself empty just for them?" She said this while looking through me.Napaisip ako sa sinabi niya, it's ironic that she ask those hypothetically but turns out it is my reality right now. 

 Binalot kami ng katahimikan at tanging tunog lang ng aircon ang maririnig mo sa loob ng sasakyan. I don't actually know how to response. Luckily we already arrived at her home. Mga dalawang kanto lang ang layo sa amin. Malaki at maganda ang structure ng bahay nila. You can see from the outside that no one's home. I wonder if she lives alone or the house is just too big for her family. 

 " See you around, Zira. Thank you for tonight. I appreciate it fully." Sinabi ko habang inaalis ang seatbelt niya.

 "Wala yun Ash, thank you din for listening. And I still wait for your answer okay?" She gave me a wink while slowly opening the door 

"Drive safe Ash, see you around" I wait until she finally enters their home before living. Nakakamangha pa din ang bahay nila, kakaiba ang design, sakto din ang colors na neutral para mas lalaong ma define ang structure neto. You can see a chandelier from the outside. Glass walls kaya mas lalong nakakamangha.

After a minute nagdesisyon na akong umalis. Pinaandar ko agad ang sasakyan at sinuyod na ang bahay namin pauwi. Pagpasok ko sa bahay, madilim at tahimik eto senyales na tulog na sila. Kalmado ang bahay pero ramdam ko pa din ang lungkot sa bawat sulok neto. Agad akong pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit.Tumatakbo pa din sa isip ang mga sinabi ni Zira, may kirot na biglang gumapang sa ulo ko, sobrang sakit. 

Napapikit ako at napaupo sa kama. Sinasalo ng mga kamay ko ang sakit pero gumuguhit ito sa buong katawan ko. Nakakapanghina kaya napapilipit ako sa kama. Umabot ako ng unan para yakapin at ikalma ang sarili. Napadasal ako sa sorbrang sakit, may kumawala ding mga luha sa mga mata ko pero hindi ko ito pinansin dahil parang may sumasaksak sa ulo ko. 

 Mga ilang minuto din ang lumipas at kirot na lamang ang natira. I look up on my rooms ceiling, I'm still enduring the pain and it makes me question what causes it to pain that much. But a lot of thoughts enters me. Here I am again feeling the pain alone. And I dont have any choice but to feel it and waits for it to stops ticking. 

 This is the first time it happens, I guess it's just a random migraine. Rest could possible help. As soon as I didn't feel any pain, I go out of my room and grab a class of water. Madilim pa din sa bahay kaya binuksan ko ang ilaw sa kusina. While i am filling up my glass, Napansin ko na may gumalaw. Agad akong lumingon at may naaninag ako na anino sa hagdanan. Napatitig ako sa anino ng dahan dahan nitong kainin ng liwanag at Si Justine lang pala. 

"Oh bat nagising ka?" Sabi ko sabay inom ng tubig 

"Hindi ako makatulog kuya" agad naman siyang umupo sa harap ko. 

"Sus baka iniisip mo lang crush mo kaya di ka makatulog" Kumuha ako ng chips sa pantry at nilagay yun sa gitna namin. Mahilig kami ni justine sa junk foods, eto ang bonding namin. Naaalala ko nung mga bata pa kami, tumatakas pa kami para kumain. Anemic si Justine kaya pinagbabawalan kami kumain pero dahil nga matitigas ulo namin nagtatakas kami ng chichirya at sa ilalim kami ng kama kumakain. 

 "Nako kuya, wala pa yan sa isip ko no tska mas matikas pa sa akin mga babae sa school" sabi niya habang ngumunguya 

"Baka naman kasi pa lambot lambot ka kaya mas natitikasan ka nila" mahinang tawa ang ginawa ko habang bakas sa muka niya ang asar 

 "Kaya pala tikas na tikas ka kanina sa harap ni ate Zira ha" 

 "Sus normal ko yun no" presko kong sagot

"Nako kuya gusto mo siya no! Kitang kita ko na special siya sayo" 

 "Anong special eh dalawang beses pa lang kaming nagkita loko kaba?" Sabi ko sabay kuha ng juice sa ref. 

 "Kung ganun bakit ka namumula ngayon hahahah" patuloy niyang pang aasar 

 " Pano ako mamumula eh moreno ako, ano yun parang nagbabagang uling lang ha!" 

 "Hindi parang pritong tocino" sabi niya sabay tawa ng malakas. 

"Okay kana? Happy?" Binawi ko ang chips sa kaniya bilang bawi 

"Joke lang kuya, napaka pogi mo kaya" balik niya habang dahan dahang inaabot yung chips at juice sa akin

 "Pero seriously kuya, iba ang kinang ng mata mo kanina, sana kung may mamahalin ka man si ate Zira na lang" 

 "Kung may mamahalin man ako ikaw na lang, kulang ka sa aruga at pagmamahal eh ahhah" pabirong sabi ko 

 "Di nga kuya, sarili mo naman ang unahin mo. Puro na lang kami, alam mo kuya may mga bagay tayong hindi ma co-control, pero sana hindi masama ang kasiyahan mo sa mga iyon. The best ka kayang kuya, matapang ka at never pa kitang nakitang umiyak, oo nakita na kitang masaya pero iba ang ngiting buo at ngiting may pinapatunayan kuya. Ramdam namin nila Mama yun kuya. Sana kung pipili ka man, sarili mo naman muna" derederetsyo niyang sabi habang hawak ang baso. 

" Salamat tine!" Salamat lang ang tanging salitang lumabas sa bibig ko dahil halo halong emosyon na naman ang nabuo sa loob ko, at alam kong saya ang isa doon. 

"Sige kuya akyat na ako," patayong sabi niya at dahan dahan nang umakyat.  Binalik ko ang chips na di naman namin naubos, at yung juice binalik ko sa ref. Pinatay ko ang ilaw at agad na pumasok sa kwarto. Dumiretsyo ako agad sa CR para mag toothbrush, tumatakbo pa din sa isip ko ang mga sinabi ni justine at parang nasagot nun ang tanong ni Zira kanina. 

 "But hypothetically Ash, If you need to win battles for your love once, but you can't physically and emotionally, will you raise defeat? Or run yourself empty just for them?"

Even though Justine said to put myself first, I will always run myself empty for them. Why? Because I get to used in being empty for them in years already, And I know that I endured it easily, and I can't let them fight alone while here i am putting myself first. Handa akong maubos, maiangat ko lang kayo. At mas pipiliin kong maubos dahil araw araw ko kayong pipilin at ipaglalaban. 

Tsaka na ang sarili ko.

Broken AshesWhere stories live. Discover now