I

696 10 47
                                    

If the middle and the end of these fourteen years echo the beginning

The first sunshine of April dawned bright and beautiful. Scattered clouds in the sky formed figures like cotton candy.

At last, a flower bloomed following the snowfall.

Ang buhay ay hindi tulad ng nobela. Hindi matutumbasan ng kahit anong kathang-isip ang totoong mundo na kinokorona ang kasamaan.

Paano ko nga ba ikukuwento ang buhay ko mula pagkabata? Maikukumpara ba sa panaginip o bangungot?

Iniisip ko ang aking minamahal na tahanan.

Araw-araw, gabi-gabi, hindi kailanman nasusukat ng oras ang pagmamahal na inialay ng pamilya ko sa akin.

Tumakbo ako papalapit sa aking magulang, sinalubong ko ng malambing na yakap si Mama at matamis kong hinalikan sa pisngi si Papa. Masayang naghahabulan kaming magkakapatid sa damuhan.

Society said my family was a portrait of unblemished happiness, free from any hint of sorrow or darkness.

How can they assert this certainty without ever stepping into our manor house?

In this mad world, solace could exist, and dancing became my reason for living—though an ephemera. These solitary words define my life. Even amid the darkest moments, I still continue in dancing round and round.

Mag-uumpisa na ang prologo ng aking buhay.

I would stand against the world and dance to tell a story.

Idinilat ko ang aking mga mata.

Natagpuan ko ang sarili na nakaupo sa isang lumang silyang kahoy sa ilalim ng isang puno habang hawak ang aking laruang kuneho na si Joffrey. Sinisilungan ako ng punong cherry blossom at nagbigay ng kaunting lilim upang bantayan ang aking sarili laban sa nagniningning na sikat ng araw.

Bahagyang tumayo ako mula sa pagkakaupo. Iniwan ko ang silya sa ilalim ng puno nang sinimulan kong lakarin ang daan patungo sa simbahan upang magdasal. Sa simbahan kung saan ikinasal ang magulang ko. Ginagabayan ako ng huni ng mga ibon habang naglalakad na sinasabayan ang pagdagundong ng kampana.

Nabulabog ang mga paru-paro at lumayo sa paglakad ko habang umuulan ng mga talutot ng cherry blossom sa paligid. Nagmukhang nasa French Garden ako dahil napapaligiran ng bermudang damo at makukulay na bulaklak. Ang mga swan ay lumalangoy sa malapit na lawa at makikita ang bakas ng buwan sa kulay lilang kalangitan ng umaga.

Tumigil ako sa harapan ng napakagandang simbahan na pagmamay-ari ng aking pamilya.

As I came to a stop in front of our family-owned church, I embraced my toy rabbit, captivated by the peculiar European-inspired holy beauty of the structure.

Marahang hinawakan ko ang hawakan ng malaking pintuan at bahagyang tinulak. Lumangitngit ang pinto sa pagbukas at umalingawngaw ang tunog sa loob ng simbahan.

Pumasok ako sa maliwanag na silid. Bahagyang nasinagan ng malamlam na ilaw ang aking mukha.

Sinalubong ako ng makukulay na stained glass na inilalarawan ang kalbaryo ng Kristo patungo sa pagpako sa krus. The morning sun revealed dust particles caught in the beams streaming through each colorful window. Nagliliparan ang mga maliliit na ibon sa kisame at naririnig ang pagaspas ng kanilang pakpak. May mga rebulto ng iba't ibang anghel ang nakatayo sa bawat sulok.

Selah Alira Wears Despair Like A Rosary [ R-18 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon