VI

130 4 0
                                    

Isang humahangos na musika ng violin ang nagpagising ng diwa ni Alicia. Mahinang umungol ito, dahan-dahang bumukas ang talukap ng mata at natagpuan ang sariling nakahiga sa higanteng kama.

   Animo'y isang prinsesa si Alicia dahil nakasuot ito ng puting gown at may suot pang koronang bulaklak. Habang nakahiga, napapaligiran siya ng mga talutot ng rosas sa higaan.

   Mula sa nanlalabong paningin ay unti-unting naaninag ni Alicia ang misteryosong dalaga na nakasuot ng itim na bestida at nagpapatugtog ng violin. Kasabay ng bumabayong saliw ng instrumento ay dumausdos ang kaba sa puso ni Alicia nang natagpuan niya ang kaniyang sarili na nakadikit ang magkabilang palad na ginapusan ng tali. Natiyempuhan niyang nakaposas siya.

   Sinimulan ni Alicia libutin ang paningin at hindi pamilyar sa kaniya ang lugar.

   Napakaganda ng silid na nakikita. Mukhang sinaunang silid sa Europa dahil makaluma ang disenyo. May naka-display na mga libro na hindi pamilyar sa mata ni Alicia dahil iba't iba ang lengguwahe at may mga nakasabit na painting na obra ng tanyag na mga pintor tulad nina Da Vinci, Van Gogh at Edvard Munch. Maaliwalas ang kabuoan ng silid dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa bintana, presko ang hangin na dumuduyan sa mga kurtina na mistulang mga espiritu.

   Sinubukan ni Alicia na bumangon ngunit nabigo dahil hindi niya magalaw ang mga binti. Paralisado ang kalahating bahagi ng katawan at nahihirapan siyang gumalaw. "W-why am I binded with ropes?" nagtangka siya na magsalita ng mahina, hindi siya pinansin ng babaeng nagpapatugtog ng violin. Nanatiling nakapako na mistulang manika sa pagkahiga si Alicia.

   Natutuliro ang mga mata ng dalaga habang nakahiga at walang kurap na nakatitig sa kisame. Limang beses na kumurap ang kayumangging mata upang masigurado na buhay siya o nasa kabilang buhay ngunit abot-langit na nabigo nang mabatid na nakapako pa rin siya sa mundo ng reyalidad at hindi lumusong sa lugar ng purgatoryo. Naguguluhan ito kung bakit nandito siya sa isang kakaibang silid. At kung sino ang misteryosong dalaga na nagpapatugtog ng violin.

    Mula sa pinakapusod ng kaniyang puso, napagtanto ni Alicia na naligtas siya mula sa kamatayan.

   Samantala, nakatalikod ang misteryosong dalaga kay Alicia at nakaharap sa malaking bintanang salamin habang hinaharana ng rumaragasang saliw ng violin ang papalubog na haring araw.

   Nagkakarera ang paghagod ng misteryosong dalaga sa violin, animo'y dumadanak ng dugo ang ritmo at pumailanlang ang marahas na musika sa buong silid. Hindi pinansin ng dalaga ang panauhin na si Alicia bagkus patuloy pa rin ito sa paghagod ng violin. Nakakahumaling sa mata ang banayad na pagsayaw ng katawan at matulin ang paggalaw ng kamay at mga daliri. Nakakalinlang ang anyo nito na mistulang babaeng demonyo na sumasayaw sa kaluluwa ng hangal.

   Hinaharana ng violin ang kamatayan sa kakaibang musika na gigising ang diwa ng kadiliman. Ang bawat paghagod ng bow sa kuwerdas ng violin ay nakakahipnotismo na kahit sinumang tao ay hindi mahihiyang luluhod para sa misteryosong dalaga.

   Ang misteryosong dalaga ay parang isang mangkukulam ma minamanipula ang itim na kapangyarihan. Ang saliw ng violin na kaniyang nililok ay nagtataglay ng malagim na sumpa. Ang makahulugang tempo ng instrumento ay bumabayo sa dagat-dagatang apoy sapat na upang isumpa ang mga taong nahulog sa bagsik ng mga lablab.

   Sa bawat paghagod sa violin ay lumalakas ang kabog ng dibdib ni Alicia habang nakahiga. Masiyadong tutok sa pagtutugtog ang misteryosong dalaga dahil hindi man lang mag-abalang tapunan ng tingin ang kaniyang bisita na si Alicia — o biktima.

   May nabubuong pawis sa noo ni Alicia. Hindi nakatulong ang maingay na saliw ng violin dahil sumasabay pa ang kabog sa dibdib. Nahihirapang huminga ang dalaga sa mga naririnig na ingay ng violin dahil iyon lang ang bumabasag sa nakakabinging katahimikan. May pagkakataong titigil ang pagtibok ng kaniyang puso at nanunuot sa kaniyang buto ang bawat paghagod ng bow sa kuwerdas.

Selah Alira Wears Despair Like A Rosary [ R-18 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon