Chapter 1

132 8 0
                                    


Sa isang tabing Restaurant madalas ako tumatambay upang tumugtog ng aking instrumento na Saxophone. Madalas ala syete nang gabi ako nag uumpisa, kung saan madaming tao na ang dumadaan. Gabi-gabi suot suot ko ang brown leather jacket ko dahil malamig na kapag gabi at itiniterno ko ito sa isang plain white shirt. Suot suot ko rin ang itim na pantalon na ipinares ko sa aking itim na boots. Maraming tao ang na eenganyo sa aking mga tugtugin dahil bihira nga naman ang tumutugtog ng saxophone—at sa tabi pa ng isang restaurant.

Maraming tao ang naghuhulog ng pera tuwing tumutugtog ako—ang akala siguro nila ginagawa kong hanapbuhay ang pag tugtog ng saxophone, pero ang totoo, nagpa-practice ako para sa isang music competition. Sa tuwing tumutugtog ako ng saxophone, nalilimutan ko ang mga bagay na bumabagabag sa isip ko. Isa pa,  wala naman akong magawa sa bahay kaya pampalipas oras ko narin ito. Pero, okay narin sakin dahil pera yun. Natatawa ako sa aking naiisip, pero sino ba naman ako upang tumanggi, eh pera yon? Maraming bagay ang pwede ko paggamitan non, maari ko ring maibili ng pagkain.

Mga bandang 9pm nagpapahinga na ako at ang mga pera na nakokolekta ko ay ipinambibili ko ng pagkain. Pag maraming pera ang nakolekta ko nililibre ko si manong Ester; yung guard sa restaurant, mabait siya at siya lang rin madalas ang nakakausap ko dito.

Pagsapit naman ng 12:30 am, nagliligpit na ako ng gamit, nagpaplano na sana akong um-attend para dun sa party ng ka-batch mate ko nung highschool. —May nakapukaw ng atensiyon ko kaya napatigil ako sa pagliligpit, may nakita akong isang babae na nagmamadaling dumaan sa harapan ko. Napalingon ako sa pinaghulugan ng kaniyang wallet. Hindi niya ito napansin, kaya naman pinulot ko yung wallet niya, at nagbalak akong sundan siya.

Tumingin ako kay manong Ester at, "aalis na po muna ako," paalam ko kay manong Ester.

Tumango naman siya at binigyan ako ng hand signal. "Ay siya sige iho mag iingat ka ha," naka ngiting sagot ni manong Ester.

Habang naglalakad ako papunta sa direksiyon ng babae, naabutan ko siya sa isang bus terminal. Napansin ko na suot niya ang isang itim na long-sleeve na ipinares niya sa kulay brown na pantalon. May bitbit siyang small back pack na hindi ko maalala kung anong tawag at anong brand ngunit bumagay ito sa kaniya at sa kaniyang porma.

Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha ng magkaroon ako ng pagkakataong makita ito ng buo o harap harapan. Hindi ko na ikakaila na napahanga ako sa angking niyang ganda; simple lamang siyang tingnan, tisay siya, at ka-level ng kaniyang ganda ang mga artista na napapanood ko sa telebisyon. Nagpa-cute naman sa kaniya ang pisngi niyang maypagka-pink dahil na rin sa pagkataranta at pagmamadali, hindi na siguro naayos ang paglagay ng blush on. Hind rin kahabaan ang kaniyang buhok at kung ie-estimate ko ang height niya mukha siyang 5'3, dahil ka-height niya yung kaibigan ko.

"Ms. yung wallet mo," saad ko sa kanya. Agad naman niya akong tiningnan halatang nagulat ito.

"Nako! Nahulog ko pala kakamadali," saad niya. "Maraming salamat!"

Hindi ko alam, pero pakiramdam ko gusto ko siyang tulungan dahil naramdaman ko sa tono ng kanyang salita na nasa sitwasyon siya ng isang suliranin; kabado, natataranta, natatakot, hindi ko maintindihan. mukhang kailangan niya talaga ng tulong. Hindi na ako nagdalawang isip pa, kaya naman tinanong ko siya.

Napalunok muna ako ng ilang beses bago ko siya tanungin. "Okay ka lang ba?"

Hindi ba ang awkward? Madalas kapag sa ganitong sitwasyon, matapos niya akong pasalamatan eh mag hihiwalay na kami ng landas— ngunit heto ako hindi ko alam pero mukhang kailangan niya talaga ng tulong.

"Oo, okay lang ako," seryosong sagot niya.

"Pwede ko ba malaman pangalan mo?" may gumuhit sa aking labi ng itanong ko ito sa kaniya

Behind TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon