Hindi ko alam kung tama ba narinig ko sa sinabe niya sakin.
"Ikakasal?" tanong ko kay Von.
"Oo, hindi ka nagkamali ng dinig Violet, tama ka ikakasal na siya."
Hindi ko alam ang sasabihin ko sa narinig ko sa kanya, as in sobrang speechless talaga ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganitong seryoso.
"Sorry Von," saad ko sa kanya
"Sorry dahil? Pinabalik mo ako sa party para makausap siya? Okay lang. At least ngayon alam ko na ang totoo. Thank you violet. "
"Maari ko bang malaman kung ano ang buong pangyayari?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo, habang niyakap niya ako kanina, umiyak siya. Humingi siya ng tawad sa ginawa niyang pag iwan sakin— kasabay na rin dun yung sinabi niyang ikakasal na siya kay King at ang nakakatawa pa—iniimbita niya ako sa kasal nila."
"Ayoko sabihin to, pero tingin mo totoo sinasabi niya? I mean parang ang bata pa nila para ikasal," sagot ko sa kanya.
"Buntis siya."
"Ano?" gulat na tanong ko sa kanya.
"Oo Violet, buntis siya kaya ikakasal na siya."
Ramdam ko ang matinding lungkot sa mga bawat salita na binibitawan niya ngayon; kasabay ng umiigting na pagka serysoso niya. Speechless ako nung sinabi niya yun. Parang ayoko maniwala sa sinabi niya pero halatang halata sa kaniya na nasaktan siya.
"Alam mo nung narinig ko yun, parang ayoko maniwala. Pero diba nga, sabi mo kanina harapin natin lahat ng challenges. Huwag takasan. salamat para don Violet. At ang nakakatawa pa nito, sabi niya —masaya siya sa akin na naka pasok ako sa jazz competition at laging siyang proud sakin. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako." saad ni Von.
Kitang kita ko sa mga mata niya ang bakas nang pagka lungkot. Halos hindi ko rin alam kung paanong paraan ko mapapagaan ang nararamdaman niya.
"Ngayong alam mo na ang totoo, at andami ng nangyari ngayong gabi, anong gagawin natin? Anong sunod?" Tanging tanong na naisip ko sa kanya.
"Let's go for a walk," naka ngiting sagot niya sa akin.
Napa ngiti lang ako sa sagot niya. Hinawakan niya ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Sa ngayon Hindi ko alam kung san kami pupunta, basta susundan ko lang siya kung saan niya ako dalhin. Buong buhay ko ngayon lang nangyari sakin to; hindi ko alam kung bakit sobrang gaan niya kasama. Pakiramdam ko matagal na naming kilala ang isat isa, kahit ilang oras pa lang kami nagkakasama. I feel like I can do everything when I'm with him.
BINABASA MO ANG
Behind Time
RomanceA girl misses the bus from Agape city to Phillia city and a street musician spends the night trying to help her make it back home. throughout the night they learn a lot about one another and eventually find a romance.