Chapter 10

28 1 0
                                    

Dress

"I see," mapait na ngumiti sa akin si Isaiah ng mapansin niya na wala akong balak magsalita.

"Isaiah..." sinubukan kong lumapit pa ng kaonti sakaniya pero lumayo lang din siya.

"'Wag na. Alam ko naman magiging sagot mo, don't worry hindi mo kailangan ibalik ang nararamdaman ko sayo feel free to live your life just like before. I'll handle myself," sabi nito at tumalikod na sa akin para umalis.

Bumagsak ang balikat ko at hindi alam ang gagawin. Hanggang ngayon ay hindi ko parin mapasok sa isip ko ang biglang pag-amin sa akin ni Isaiah.

Totoo ba 'yon? Hindi ba may gusto siyang iba? Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko habang naglalakad ako pauwi ng bahay.

Hindi ko alam kung nagbibiro lang 'yon sa akin dahil lagi naman niyang ginagawang biro ang lahat. Lagi niya rin akong pinagt-tripan kaya mahirap magktiwala sa sinabi niya, saka ngayon lang may umamin ng ganon sa akin.

"Oh, Ash uuwi ka pa lang? Hindi ba kanina kapa umuwi?" Tanong ni Laine  na pauwi na rin. Naabutan niya pa ako dahil sa pag-habol ko kay Isaiah sa daan.

"Ahh, oo..." sagot ko naman.

"Okay ka lang? Bakit ang tamlay mo? Pawis na pawis ka."

Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang pawis ko sa noo at leeg, "Hinabol ko kasi Isaiah," rason ko dahil 'yon naman ang totoo.

"Ha? Bakit? Nasaan siya?" Tumingin pa siya sa paligid para hanapin ang Isaiah na hinabol ko.

"Wala umuwi na.

"Akala ko ba hinabol mo?"

"Umuwi na, galit ata."

"Galit? Nag-away ba kayo?" Nalukot ang mukha ni Laine.

"Hindi, bigla nalang nagalit! Nakita niya kasi ako may kausap na lalaki tapos kung ano-ano na pinagsasabi niya sa akin sabi niya kaya pala hindi ko siya pinapapunta dito kasi may pinalit na ako sakaniya!" Tuloy-tuloy kong kwento sa kaibigan ko. Ramdam ko ang pag-init ng ulo ko at pag-usok ng ilong at tenga ko dahil sa inis na nararamdaman.

"Sino ba naman kasi 'yung kasama mo, nagpaliwanag kaba?"

"Syempre! Sabi niya wala raw siyang pake, mag-sama raw kami ng kausap ko tapos nag-walk out na! Tapos-" Nahinto ako dahil nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sakaniya ang pag-amin sa akin ni Isaiah. Eh, hindi naman kasi ako sigurado roon.

"Tapos?"

"Wala."

"Kawawa naman pala si Isaiah-"

"So kinakampihan mo siya?"

"Hindi naman! Nag-selos siguro! Ikaw naman kasi bakit hindi mo pinapapunta rito baka nami-miss ka lang kaya niya gusto pumunta rito." Sambit niya habang bnubuksan na ang gate ng bahay.

Nakauwi na pala kami.

"Syempre! Para matuto siyang magtipid- Ano 'yan?" Naputol ang pagrereklamo ko nang makia ko ang isang paper bag na nasa sahig sa harapan ng gate nina Laine.

"Ang alin?" Ibinaling ni Laine ang mga mata niya sa tinuturo kong paper bag.

"Sayo ba 'yan?"

"Hindi, ano ba 'yan?" Yumuko siya para kunin an paper bag. Binuksan niya'yon at tiningnan ang laman nito sa loob.

"Dress?" 

Nagtinginan kami dahil sa matinding pagkalito kaya naman hinalughog pa namin ang laman at nakita namin doon ang isang pares ng sandals ko!

Set One's Heart on a WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon