Chapter 11

22 1 0
                                    

Notification

"Ma, hindi po ba darating si Isaiah?" Bagot kong tanong kay Mama habang nanood ng telebisyon sa loob ng sala namin. Nagpapahinga ako ngayon dahil hindi maganda ang pakiramdam ko at dumadagdag pa si Isaiah.

"Hindi ko alam anak, hindi ba kayo nag-uusap?"

Suminghap ako, humiga sa sofa at pumikit.

Wala ba talaga siyang balak na kausapin ako? Nakakainis! Akala ko ba gusto niya ako? E, bakit hindi siya nagpaparamdam ngayon?

Ilang Linggo na kami hindi nag-uusap at nakaya niyang tiisin 'yon! Dati ay hindi niya magawang hindi ako bisitahin dito sa amin ngayon ni isang hibla ng buhok niya ay hindi ko na mahagilap!

Minu-minuto ko rin sinusulyapan ang phone ko umaasang makikita ko ang pangalan niya sa notifications ko.

"Na-mimiss ko na siya-" Napatayo ako bigla sa biglang pagbukas ng bibig ko dahilan kaya lalong sumakit ang ulo ko.

Nahuli ko ang sarili ko sa pag-sabi ng mga salitang 'yon. Sinabi ko ba na na-mimiss ko siya?!

Inuntog ko ng ilang beses ang ulo ko dahil hindi ko kinakaya ang mga naiisip at sinasabi ko.

"Sige. Lakasan mo pa pag-untog mo sa ulo mo, akala ko ba masakit ulo mo ha?" Tanong ni Papa sabay bigay sa akin ang isang doseng gamot para sa sakit ng ulo.

"Pa, kapag ba ininom ko lahat 'to, mamatay ba ako?" Curious kong tanong sakaniya dahilan kung bakit siya natigil sa paglalakad at tumingin sa akin.

"Bakit hindi mo subukan?" walang pag-aalinlangang sagot ni sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako malulungkot sa sinabi niya. Ganito talaga minsan ang bonding naming dalawa ni Papa. Kung kay Mama ko nakuha ang anager issue sa Papa ko naman nakuha ang dark humor ko.

"Pa!" Sigaw ko nang naglakad na siya palayo sa akin.

"Bakit?"

"Hindi pupunta si Isaiah?"

"Aba'y ewan ko. Hindi ba kayo nagkita? Pumunta siya noong isang araw nang-hihiram ng sandals mo aalis daw kayo."

Napa-isip ako. 'Yun din ang araw kung kailan pumunta si Isaiah sa akin. Binuksan ko ang isang tableta ng gamot saka ako uminom ng tubig upang malunok ko 'yon.

"Siguro gusto ka na no'ng bata na 'yon. Hindi pa ba umaamin 'yon-"

"Pa!" Ano ba 'yan! Anong gusto? E, bigla ngang nawala na parang bula.

"Bakit? Gusto mo na ba si Isaiah? Dalaga kana anak kung ganon!" May halong pang-aasar sa tono ni Papa.

"H-Hindi ko siya gusto!" Yumuko ako at biglang nakaramdam ng hiya sa mga sinabi ni Papa sa akin. Ako? Gusto si Isaiah? Asa!


"Wow! Busy girl ah?"

"Ano ba Laine!" Naiirita kong iniyugyog ang aking balikat para mapaalis si Laine na ngayon ay nakayakap mula sa aking likuran.

"Ang sungit beh. Hindi ka pa kinakausap ano?" Humiwalay siya sa akin at umupo sa sofa na nasa likuran ko. Nakaupo kasi ako sa lapag at ginagawa kong mesa ang coffee table na nasa harap nito para gumawa ng assignments.

"Sino?" Walang ideya ko kuno na tanong, pero alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

"Duh, si Isaiah" Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam ko ang maarte niyang pag-irap sa akin.

"Bakit kailangan ba araw-araw kami nag-uusap?" Tanong ko habang nagsusulat sa notebook ko.

"Bakit, hindi ba lagi naman kayo nag-uusap noon?" Pambabara niya sa akin. Naramdaman ko ang paggalaw niya mula sa likuran ko.

Set One's Heart on a WinterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon