Panaginip 2

123 6 4
                                    

"I like you," he said seriously.

Teka, hello? Sigurado ba siya sa sinasabi niya? Anong ilike you? Ang lakas naman kaagad ng epekto ko sa kanya.Tapos kapag titigan mo siya napakaseryoso ng kanyang mukha. Anong nangyayari sakanya? Lagot.

"Huh?" Saka tumaas 'yong isang kilay ko.

Tumawa siguro muna siya ng mga five seconds bago ulit siya nagsalita. Tignan niyo itong gwapong nilalang na ito, abnormal din pala eh. Lalo tuloy gumulo 'yong isip ko at lalo tuloy tumaas ang isa kong kilay.

"I mean, I like you to be my friend," saka siya humakbang palapit sa akin na nakangiti. Okay, ito na ba 'yong Ryan na kanina ko lang nakilala? Ganito ba talaga siya?

"Ah, hahaha," saka ako tumawa ng awkward.

"Pwede ba?" Saka siya napakamot ng kanyang ulo.

"Oo naman, sure," saka ulit ako ngumiti but this time ngiting totoo na ang ipinakita ko.

"YES!" Sigaw niya saka niya ako niyakap.

Dahil sa pagbiglaang pagyakap niya sa akin ay na-out of balance ako at ang labas niyan ay parang senaryo na mapapanood mo sa mga teleserye at mga nababasa sa libro na napahiga ako sa sahig at siya naman ay nakapatong sa akin. OO NA! CLICHE NA KUNG CLICHE!

Tinitigan ko siya, oh well pagkakataon na ito. Dapat hindi sinasayang. His eyes, it's so beautiful. He's like Superman in disguise. His nose, it's so perfect and lastly his lips. It is red as a rose, that I can kiss all day. I never feel this feeling before. Parang naging abnormal ang puso ko at bigla na lang tumibok ng sobrang bilis. May heart attack ba ako? Mr.Heart can you stop beating that loud beat? Kailangan ko na bang pumunta sa isang specialist sa puso at patignan ito? Para akong nasa fairytale. O baka bunga lang ito ng sobra kong pagbabasa sa mga fairytales? I don't know but this feeling is definitely killing me.

Nang matauhan siguro siya ay tumayo na ito sa pagkakadagan sa akin. Buti nalang at walang tao kundi lagot ako nito.Mapapahiya ako ng sobra-sobra.

"Sorry Bea, my fault," paghingi niya ng paumanhin sa akin.

"It's okay. Uuwi na ako Ryan. Bye," saka ako nagwave at tumakbo na pauwi. Nakakahiya talaga, buti na lang din ay sarado 'yong tindahan ni Aling Melba. Buti na lang talaga ay sarado siya kung hindi siguradong itsitsismis niya ako sa mga chismosa na naglipa dito sa lugar namin.

Tumakbo na ako papunta sa Dracula's House at andito na ako sa tapat ng pintuan. Papasok na sana ako ngunit may isang dambulahang nilalang ang nakaharang.

"Bakit ngayon ka lang?" Pagtatanong niya saka tumaas ang isa niyang kilay with matching palaki ng butas ng ilong effect.

"Kasi, wala ako dito kanina. Hello? May-sira ka yata sa ulo eh," bulong ko sa aking sarili.

"May sinasabi ka?" Seryoso na niyang saad. Teka, parang may kakilala akong artista na kamukha niya. Ah, 'yong baboy na nagcocommercial ng feeds. Sabi ko na nga ba at kalokalike niya iyon. Tama ang hula ko. Now I know.

"Ah, ako ba?" Sarcastic kong sagot.

"Heh! Tumahimik ka na! Linisan mo na lang ang kalat namin!" Saka niya ako hinila papunta sa kusina

"Oh iyan! Linisan mo!" Saka siya nagwalk-out na parang baboy. At ako naman ay naiwan na nakanganga. As in, nganga talaga na anumang oras ay malalaglag na ang laway ko

But wait, WHAT? Seryoso ba siya? Ipapalinis niya ito sa akin? Mas nganga ako! Tumingin ako sa may pinaglulutuan, nakakalat 'yong mga sandok at mga kawali. Tumingin ako sa hapag kainan! HANGDUMI HUWWAAAHH!! NOW IM DOOMED! Malay ko ba kasing mamalasin and the same time suswertehin ako ngayong araw? Gosh! This is a total mess.

*****

"Lalalala," mahina kong paghuhum habang nagpupunas ng tuwalya sa aking basang mahabang buhok. Grabe 'yong mga nilinisan ko kanina. Dalawang sako daw ba ang napuno? Kaya ito naligo na ako, amoy pawis na ako eh.

Gabi na din pala, lumapit ako sa maliit na study table na meron ako sa kwarto at tinignan ang oras sa maliit na alarm clock ko. Pfffttt, 7 palang pala ng gabi. Maaga pa pala eh, makapaglakwatsa nga muna kina Beauty.

Dahan-dahan muna akong naglakad palabas ng aking kwarto at agad dumiretso sa may kusina. Doon ako sa backdoor dadaan, mahirap na dumaan sa may salas. Nandoon ang mga panget na palaka.

Nang makalabas na ako ng bahay ay agad akong tumakbo papunta sa bahay nila Beauty. Grabe, baka nakahalata ang bruha. Baka ipahabol niya ako sa mga palaka niyang anak.

At tentenenen andito na ako sa bahay nila. Sa totoo lang malapit lang naman itong bahay nila Beauty sa bahay ko este bahay ng Dracula. Kaya huwag na kayong magtaka kung 4 minutes ay nandito na ako sa bahay nila okay?

"Tao po," saka ako kumatok sa pintuan nila Beauty. Sa tingin ko nakaapat na beses na akong nagsalita ng "tao po" saka lang may lumabas na tao. At ito ang mama ni Beauty.

"Good evening tita. Kamusta na po? Nandyan po ba si Beauty sa loob?" Magalang kong pagtatanong.

"Oh Bea, ikaw pala, mabuti naman ako. Nandoon siya sa kwarto niya. Puntahan mo na lang," tugon sa akin ni Tita Margarette.

"Sige po, thank you tita," at agad akong tumaas sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwarto ni Beauty. Papasok na sana ako sa kanyang kwarto ng may marinig akong sigaw na nagmumula sa loob.

"I WANNA DIE WITH YOU! DON'T LET ME GO! PLEASE!" Iyan 'yong una kong narinig na sigaw mula sa kwarto niya at kasunod niyon ay may narinig akong iyak mula sa kanya. Hala nasisiraan na ang babae.

Kumatok ako sa kanyang pintuan ngunit mas lumakas ang kanyang panaghoy habang sinasabi ang mga katagang ito.

"KUNG SIYA ANG PIPILIIN MO AT HINDI AKO! MAS MABUTING MAWALA NA AKO!"

Pagkatapos niya iyon sabihin ay wala na akong narinig mula sa kanya. Naghintay ako ng mahigit limang minuto upang hintayin kung magsasalita pa siyang muli ngunit wala na talagang kasunod na kahit mahinang hikbi at mahinang boses mula sa kanya. Sinubukan ko ulit siyang katukin ngunit wala man lang akong nakuhang response na kahit galaw man lang niya.

Sa oras na ito ay kinakabahan na ako. Hindi normal ang nangyayari ngayon kay Beauty. Baka may nangyari ng masama sa kanya sa loob. Naiiyak na ako, baka ginogood time niya lang ako. But, alam kong hindi mga ganitong good time ang ginagawa niya. Hindi dapat ako pangunahan ng takot ngayon.

Tumakbo ako sa kanilang kusina at agad hinanap si Tita Margarette. At buti na lamang andito siya. Thank you Lord.

"TITA! TITA!" Malakas kong sigaw kahit malayo pa ako sa kanya. Nakita kong nagulat siya at napatingin sa akin.

"Oh, bakit Bea? Parang naiiyak ka na ah," saka niya ako nginitian ng pagkatamis-tamis. Pero, hindi ngiti ngayon ang aking kailangan. Ang kailangan ko ngayon ay masiguradong mabuti lamang ang kalagayan ni Beauty.

"Tita si Beauty ano? Uh-eh," nauutal kong sani. Paano ko ba dapat sabihin ito ng ayos sa kanya?

"Ano si Beauty? Tao siya diba?" Parang sarkastiko pang sabi ni Tita.

"Opo, alam kong tao siya. Pero---" agad na pinutol ni Tita ang aking sinasabi at siya naman ulit ang nagsalita.

"Nag-away kayo? Ayaw ka niyang pahiramin ng make-up? What?"

"TITA HINDI EH!" Nagpapanic kong tugon. Baka as of this moment, bumubula na iyong bunganga niya or worst nakalunok siya ng holen at pinakaworst sa worst ay baka naglaslas na siya at patay na.

Uh! Freaking brain! Stop thinking on such silly things. Don't think that too much. Just stay calm Bea, okay? Pero the hell! Hindi ko mapigilan mag-isip ng kung ano-ano.

"Oh Bea? Ano ba talaga ang nangyayari?" Parang hindi maipaliwanag na tugon ni Tita sa akin.

"Si Be-beauty po kasi, ayaw niyang buksan 'yong pintuan niya kahit ilang beses na akong kumakatok. Atsaka parang may kaaway po siya, pinakinggan ko po siya sa akala ko pong pagdradrama niya at nang matapos na siya ay muli akong kumatok ngunit nagkaroon ng mahabang katahimikan. At iyon po, kaya ako bumaba dito ay para kunin po 'yong duplicate key ng kwarto niya po. Pinilit ko pong buksan 'yong pintuan niya ngunit nakasarado ito. Tita, puntahan na po natin siya."

Tumingin ng napakatagal si Tita na parang nag-iisip. Ano 'to, NGANGA???

Love Is On Panaginip #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon