˚☐˚•| KWATRO-(Earthquake Drill)

39 29 3
                                    

4| EARTHQUAKE DRILL

Zea's POV

Habang nasa labas ako may nakita akong isang pigura ng lalaking papalapit dito sa building namin. Isiningkit ko ang mata ko para matanaw kung sino ’yun.

Si Kuya! Shutang—!

Agad akong naghanap ng pagtataguan at unang nakita ng mata ko ‘yung maalikabok na hagdanan kaya naisip kong umakyat sa third floor ng building para magtago kay kuya. For sure hahanapin niya ako doon sa classroom.

Malas naman ng araw na ‘to! Kung kailan gusto mong iwasan saka lalapit!

Habang nagtatago ako kay kuya rito sa third floor napatingin tingin din ako sa tatalong classroom na nadito, isa lang ‘yung bukas. Nakakapagtaka nga e para maayos pa naman kaso medyo maalikabok. Pumasok ako sa silid na ‘yun dahil sa curiosity ko.

"Anong ginagawa mo rito?!"

"AY MULTONG KABAYO!" halos atakihin na ako sa puso nang may magsalita mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko dahil sa takot na multo iyong nagsalita...‘Yung mahabang bangs na kaklase lang pala namin. "Ikaw lang pala."

"Anong ginagawa mo rito?" muli niyang tanong ng walang kagana-gana.

"Ah...Ano kasi...naglilibot ako tapos nakita ko ‘to kaya pumasok na ako...hehe," pagpapalusot ko sa kaniya. ‘Di ko malaman galit ba siya o ano.

Pagkasagot ko ng tanong niya naglakad na lang siya at nilagpasan lang ako na parang hangin. Babalik na sana ako sa classroom kaso naalala kong baka andoon pa si kuya kaya muli akong lumingon doon sa babaeng mahaba ang bangs.

"Ah...andoon pa ba ‘yung lalakeng-"

"Wala na umalis na," mabilis niyang sagot kahit "di ko pa tapos ang sinasabi ko.

Paano niya nalaman tinutukoy ko?

Di bali na.

Bumaba na ako sa classroom at nagpagpag ng damit ko.

Yayks! Puro alikabok!

"Oh! Zea andiyan ka pala, may naghahanap sa ‘yo kanina," bungad sa akin ni Aliene na nagsusuklay pa ng buhok.

Paktay! Si kuya!

"Ah...ganun ba?" sagot ko na kunwari ay walang alam.

Sinagot naman ako ni Aliene ng ngiti, mukhang ’di naman siya nakahalata.

Na-upo na ako't inisip ba't kaya nagpunta si kuya rito? Imposibleng dahil sa akin ‘no, ni tuldok nga ayaw niyang marinig sa ‘kin. Sumagi rin sa isip ko ‘yung mahabang bangs kanina na babae, anong ginagawa niya roon sa taas?

Hays! Pati ba naman ‘yan problema ko pa!

Nang dumating si ma'am agad naman nagsi upuan ang mga kaklase ko at nag-umpisa na rin magtawag si ma'am para sa attendance namin.  “Wala pa rin si Ericka?” aniya matapos mag tawag.

“Wala pa po, ilang araw na ngang ‘di ‘yun nagpapakita e,” sagot naman ni Shin.

Sino naman si Ericka?!

“O siya! Kopyahin niyo na itong susulatin ko,” muling wika ng teacher namin at nagsulat sa blackboard.

Habang nagsusulat ako napalingon ako sa gawing bintana kung saan nakaupo sina si Jea at Alien kaya naman patago akong lumipat saglit doon at kunwari’y magsusulat pero yung totoo makikichika lang ako.

Veiled Enigma: A Capture Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon