23

128 6 2
                                    

Althea's pov

Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko kayang sagutin , kung si Batchi naman ang tatanungin ko babarahin lang ako nun o pagagalitan ...

" Heyy "

" Oh Jayden ikaw pala " i said

" Bakit nag iisa ka ? " He asked andito kasi ako sa balcony ng second floor

" Ah wala nag i-iisip lang "

" Like what ? " He asked at naupo

" Madami bro " i said

" Pwede ko ba malaman ? " He asked again

Napayuko na lang ako at di na umimik pa kahit alam kong nag hihintay siya ng sagot  ..

" Kesa mag mukmok bakit di lang tayo uminom " biglang dating ni Batchi na may dalang alak at baso

" Aba ready ahh " Jayden

" Syempre naman ,iinom lang kasi sana ko ng tubig kaso nakita ko kayong dalawa jan mukhang malalim ang pinag uusapan kaya imbis na tubig alak na lang dinala ko "

" Althea ? ( Tumingin siya sakin ) ano game ? " Jayden

" S-Sige umpisahan na natin yan " i said mukha naman kasing bawal akong tumanggi HAHAHAHA

" can we join ? " Solenn

Biglang dating ni Sally, Aj at Solenn na may dalang junkfoods

" Mag momovie marathon sana kami kaso mas masaya makipag inuman " Sally said

Biglang hinanap ng mga mata ko si Jade ngunit di ko siya makita kaya napabuntong hininga na lamang ako ayoko na mag tanong sa kanila ...

" Hindi ka pwedeng uminom ! Pano pag nalasing si Althea sino mag aasikaso sa kanya ? " Jayden said

" Ako hindi naman kami malalasing ,tsaka malakas uminom yan pero never pa yan nalasing  " sagot naman ni Solenn

" Yun naman pala eh edi umpisahan na " Sally said at naupo na sila

" Aj go back to your room ,di kapa pwede  "  i said

" Always naman " she said at nag walk out

Nag umpisa na kami uminom nag kwentuhan asaran napatigil ako sa pag tawa ng mag tanong si Jayden ..

" Where's Jade Sally ? " He asked

" Kasama si Andrea , actually kasama naman nila ako kanina kaso bigla akong nakaramdam ng gutom kaya umuwe ako di na ko nakabalik dun kasi nag yaya si Aj ng movie kaso nakita namin si Batchi umakyat may dalang alak " paliwanag niya

" Kasama nanaman pala niya yun " Solenn said

" Hayaan mo na Sol di naman kasi masamang makipag kaibigan sa trabahador tsaka mabait naman yun si Andrea hayaan mo na " Jayden

" Ano na lang sasabihin ni tito Albert kapag nalaman niyang hinayaan ko makipag kaibigan ang  anak niya sa trabahador natin ? " She said

" Dad is not like what you said ! Wala siyang pake kung sino maging kaibigan namin as long as masaya kami sa ginagawa namin hahayaan niya lang kami , pero kapag alam niyang mali dun siya mangengealam dun lang siya sisingit , at walang mali sa pakikipag kaibigan ni Jade kay Andrea " i said

" Fine ako nanaman ang mali "

"Wala naman kaming sinasabi na mali ka , Sol Wala ka naman kasi karapatan ganunin si Andrea kasi tao din yun tsaka nasasaktan yun " Batchi said

" Enough wag na halukayain yung bagay na nangyare na! Uminom na lang tayo " Sally said sabay lagok sa alak

Mag BestFriend nga sila ayaw pag uusapan ang bagay na nangyare na lalo na kung di naman maganda

Maling Pag-ibig ?? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon