27

133 8 0
                                    

Jade's pov

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko pag mulat ng mga mata ko puting kisame ang bumungad sakin sinubukan kong ilibot ang mata ko sa paligid and i saw David na nasa right side ng hinihigaan ko natutulog ...

Dahan dahan akong bumangon ngunit nagising ko parin siya .

" Hey! Wag kana muna bumangon " David said at inalalayan ako pahiga

" Nasaan sila ? " Tanong ko

" Baka umuwe , pag dating ko kasi dito wala na sila , tsaka kadarating ko lang talaga kaya hindi pa ganun kalalim ang tulog ko kaya nagising ako agad nung gumalaw ka , how are your feeling? May masakit ba sayo ? "

" I-im okay - "

" Wait tatawagin ko lang si Doc sasabihin ko gising kana " he said tatayo na sana siya pero hinawakan ko siya sa braso

" Im okay ,wala naman masakit sakin eh "

" N-nagugutom kaba ? May dala akong soup dito kumain ka muna habang mainit init pa " tumayo siya kinuha yung soup na sinasabi niya

" Why are you doing this ? " I asked

" We're still friends naman diba ? Hayaan mo sana akong alagaan ka kahit ngayon lang Jade "

" Na guiguilty kasi ako kapag naaalala ko yung pananakit ko sayo tapos ganito ! ( Napabuntong hiniga ako ) ganyan kapa din kabait sakin "

" Gusto mo bang kamuhian kita ? Kagalitan ? Di na kausapin ? Ganun ba Jade ? "

" It's not like that ,nasasaktan ako sa ginagawa mo , alam kong nasasaktan ka dahil sa ginawa ko sayo pero mas nasasaktan ako "

" You don't need to hurt yourself Jade , im fine i understand you and i will always understand you Jade " seryoso niyang sabi

" David - "

" Sssshhh stop kumain kana susubuan kita " he said naupo siya sa kama ko at hinipan ang soup at sinibuan ako

Nasa ganun kaming posisyon ng dumating si Andrea nanlaki ang mata nito at bakas sa kanya ang pag ka gulat napatayo naman agad si David

" A-andrea ? " David

" It's okay , pakainin mo lang siya " Andrea

" Nahihirapan kasi siyang kumain kaya sinubuan ko siya ,di mo siya kailangan pag isipan ng masama " todo paliwanag ni David

" I trust her " Andrea

Napangiti naman ako sa sinabi niya .

" Jade ? ( Tumingin siya sakin ) mauuna na ko may kailangan pa kasi akong asikasuhin " Paalam nito sakin at lumabas na ng kwarto ko

" How are you feeling ? " Andrea asked me

" Okay na ko "

Nag uusap kaming dalawa ng biglang pumasok ang isang doctor .

" Ohh gising kana pala ija may iba kapa bang nararamdaman ? "

" I think I'm in love with the girl next to you Doc " i said at tumingin kay Andrea napansin kong namula ang pisnge nito dahilan natawa si Doc

" Ms. Guevara your so funny but bukod dun wala kana bang nararamdaman? "

" Wala na doc " i said

" kung ganun reresetahan na lang kita ng gamot tapos ipakuha mo na lang sa kasama mo understood ? Pwede ka ng makauwe , i'll call your sister para masundo kana  "

" Yes doc " i said

Umalis na si doc habang si Andrea nanatiling nakatayo at nakayuko ..

" Are you okay ? " I asked

Maling Pag-ibig ?? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon