Traviesa Heights Academy - Jan 2020
- Ty -
May mga oras talaga sa buhay na mapapatanong ka na lang talaga kung bakit?....
bakit?
Bakit ko ba ito naging kaibigan?
Ito ang nasa isip ni Ty habang nakatingin sa mga paa ni Jared. Paa na nakahandusay at nakalabas mula sa ilalim ng kotse.
Paa, na gusto niyang tadyakan.
God knows they look suspicious enough. Tatlong binatilyo na mag-iisang oras ng nasa parking grounds ng academy. Isang palingha-lingha, isang chill lang, at isang aakalain mong bagong sagasa ang nakahandusay sa may gulong ng sasakyan.
How did Jared manage to look so lifeless?
Ty always knew he made a questionable decision in his life when he became friends with Jared San Sebastian.
Sa kasakukayan, nasa ilalim ang loko ng bagong sasakyan ni Kyle. Matapos kasi nitong paikot-ikutan, haplos-haplusin, pagbububuksan ang bintana at pintuan, itaas baba ang roof at buksan ang lahat ng compartment ay nagpatuloy ito sa pambusisi sa kotse.
Binuksan nito ang hood, matagal na tiningnan ang makina bago napaso ng may mahawakang mainit na bakal.
A normal person would have stop at that point but this is Jared.
Pagkatapos isara ang hood bigla naman itong dumapa para silipin naman ang ilalim.
Namalayan nalang nila ni Kyle na umalog ng marahan ang sasakyan dahil pinilit ni Jared na maipasok ang buo nitong katawan sa masikip na siwang ng ilalim nito.
Jared obviosly did not need to go that far, but he did.
"Wow, pati ang ilalim ang astig" Dinig na dinig pa nilang sinabi ni Jared kahit na medyo kulob ang tunog ng boses nito.
"Bilisan mo na dyan Jared, kailangan na nating maglakad maya-maya lang mapupuno na na ang elevators."
They are wasting time. All because Jared is so enthusiastic, easy to impress, and could not get over Kyle's new ride.
"Sandali nalang, 5 minutes"
Ty had never been a patient man, siya yung tipo ng taong di bale ng umikot sa pinangalingan kaysa sa mag-antay sa traffic.
Yung nanlalampas kapag masyadong mabagal ang mga taong naglalakad sa unahan, kaya hindi nagkapagtataka kung bakit unti-unting sumasakit ang sintido niya habang tumatagal silang nakatayo sa parking grounds ng Traviesa Heights Academy.
It is suppose to be a lovely morning. It IS a lovely morning.
Alas sais y medya palang kaya malamig pa ang simoy ng hangin.
Sa paligid ay nag susunod-sunod palang ang pasok ng mga sasakyan ng mga nagsisi datingang studyante.
Meron pa ring mga hatid sundo ng driver pero nakita niyang mas madami na din ang may bitbit na sasakyan ngayon.
Ngayon ang unang araw ng balik eskwela kaya habang tumatagal ay dumadami ang mga nagkukumpulang excited na studyante.
The feeling is quite infectious, kahit siya ay excited na din sana. Ito na ang huling taon niya dito sa Academy at pagkatapos nito ay mag ko-kolehiyo na siya.
"Lupet mo talaga Kyle!! paano ka kaagad nakakuha nito? Katatapos lang ng launching nito sa Milan. Bakit meron ka na agad?" Hindi pa rin makapaniwala at may halong ingit na sinabi ni Jared.
"Hindi din ako sigurado. Papa arranged everything" sagot ni Kyle. Kyle is his bestfriend. Nakasandal ito sa may pintuan ng sasakyan habang parehas nilang literal na inaantay si Jared na magpakita.
YOU ARE READING
Campus Black Sheep - Schyler Lee Ty
RomanceLee Schyler Ty has been raised not to attract attention to himself. The great great grandson of a dirt poor Cantonese immigrant, who gain richness by making illegal firearms. In an academy for the rich and powerful, he will never be considered an eq...