Dear Diary,
Ika-isanlibo apat na raan at animnapu't pitong araw. Mahigit sa apat na taon na ang lumipas mula ng mangyari sa akin ang isang trahedya. Ngayong araw na ito ay nagpasya ako na magsimula ng isang diary. Bakit? Una sa lahat ay maghapon at magdamag lang ako sa loob ng bahay ko at hindi lumalabas. Ilang araw na akong ganito. Ah, mali. Ilang buwan na akong ganito. Bakit naman?
Sige sisimulan ko sa umpisa. Isa akong guwapong vampire. Hindi sa ipinagyayabang ko pero wala akong ibang choice kundi ang magtapat na ako nga ang pinakaguwapong bampira sa lahat ng species at lahi ng mga bampira. Lahat ay naaakit sa taglay kong kaguwapuhan.
Mga mortal? Nagkakandarapa. Wolves? Naglalaway. Mga diwata? Oo naman! Mga kapwa ko bampira? Lalong-lalo na! Witch? They have hots for me. Kaya nga isang witch ang nakilala ko. Si Winona. She's absofuckinglutely beautiful and sexy. We hooked up. Hindi lang isang beses. Well, isang beses lang ang plano ko. Pero naulit. Hanggang sa naulit pa ulit. Next thing I know, humaling na humaling na siya sa taglay kong karisma.
Pero hindi kami pareho ng damdamin. I like her. I think she's cool. Pero hindi ko na gusto pa na makipag-hang out sa kanya. At... alam mo na. I want to end things with her. And so I did.
Wrong move. Sa buong apat na raang taon na nabuhay ako ay iyon ang pinakamaling desisyon ko. Kung maibabalik ko lang ang panahon ay talagang babaguhin kong pilit ang desisyon ko ng araw na iyon.
Now going back to my break-up with Winona. Paano nga ba ang nangyari? Babalikan ko sa isip ko sa abo't ng akong makakaya.
"Winona, darling, I really like you and I think you're wonderful. Pero sa tingin ko ay hindi tayo para sa isa't-isa. I'm sorry. But I want us to be friends," hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.
Pinisil rin nito ang kamay ko pero hindi sa paraang naiisip ko. Masyadong mahigpit. Hindi dapat ako nasasaktan dahil sa taglay kong lakas. Pero pucha, ang sakit! Gusto ko ng tanggalin ang kamay ko pero hindi ko magawa.
Aray ko talaga, ayoko na!
Pero kahit anong gawin ko ay may lakas na nagdidikit sa mga palad namin. Nang tingnan ko ang mukha ni Winona ay madilim iyon at puno ng galit. Uh-oh. Mukhang may delubyong parating. Mukhang bad timing. Kaya naman naisip ko na kumambiyo.
"But on second thought, Winona, I think we should still stick together. Don't you think?" dahil sa sinabi niyang iyon ay bahagyang lumuwag ang kapit niya sa kamay ko. Whoah.
Lumambot din ang ekspresyon niya. "Eachann, I love you. And I thought you love me, too. Iniisip ko pa nga na balang-araw ay yayayain mo ako na magpakasal."
Sukat sa sinabi niyang iyon ay natawa talaga ako. Hindi ko mapigilan. Tumawa ako ng tumawa hanggang sa para na akong malalagutan ng hininga. But that's impossible. Walang malalagot.
"Anong nakakatawa, Eachann?"
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "You. Hindi kita pakakasalan pagdating ng panahon. But don't misunderstand. Wala akong pakakasalan na kahit sino. I will be free to like anyone forever and ever. See? May forever. Forever happy. At ako iyon!" muli na naman siyang nagtawa.
"Paano mo nagagawang tumawa pagkatapos mong sabihin ang lahat ng 'yan? Wala kang kwentang bampira ka!" gigil na bulyaw ni Winona.
Ipinagkibit-balikat lamang iyon ni Eachann. "That was quite ungrateful. Pinasaya naman kita sa ilang linggo ng relasyon natin kaya dapat na magpasalamat ka."
Namula ng husto ang mukha ni Winona. "Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa'kin!" sigaw nito.
For me that was just an empty threat. Kaya nga nagpatuloy pa rin ako sa usual activities ko. I met another woman or women. May nakilala akong isa pang witch. Si Samadrita. Can't help it. Witches are so damn hot. We've had this really hot encounter. Dahil sa naging experience ko kay Winona ay ipinangako ko sa sarili na magiging one night stand na lang ang affair ko sa witch community.
Pero maling-mali ako sa ginawa kong pakikipag-hook up kay Samadrita. Anak siya ng leader ng mga witch. They cast their fucking spell on me and bam! Ganito na ako ngayon.
Bumangon ako at lumapit sa malaking salamin. Pinagmasdan ko ng maigi ang sarili ko. I look like... oh, wait. Magpapakilala muna ako. I'm Eachann Allegreto. Yes, am an Italian. Magbibigay ako ng kaunting description tungkol sa sarili ko.
I'm six feet and two inches tall. Yeah, that tall. I have muscles and abs and yes, ang katawang pinapangarap ng mga lalaki na ma-achieve ay nasa akin. Mas nakuha ko ang Italian features ng aking ama kaysa sa Filipino features ng aking ina. My eyes are green. Yes, you would think of the most precious emerald with just one look into my eyes. And I'm not exaggerating.
My face and body was perfectly sculpted. Before. Well, hanggang ngayon naman. I am the most handsome man during the... day. Kapag gabi?
Ang repleksiyong nakikita niya ngayon sa salamin ay isang napakagandang babae. Nope, hindi siya isang witch na naka-one night stand ko ng nagdaang gabi. Ang nasa repleksiyon ay mismong ako.
Balingkinitan ang pangangatawan, mala-honey ang kutis, nakapa-feminine ng facial features. And most all, I've got boobs and vagina.
Paano nangyari?
Babalik ako sa kwento ko kanina. About sa pangalawang witch na nakilala ko. Si Samadrita. She fucking cursed me. She did. Well, not immediately. Pagkatapos kasi niya ay ilang witch pang muli ang nakilala ko. It turns out na sinusubukan nila kung may redeeming qualities or quality ba ako. Marami! I'm a damn good lover!
But those she-devils think I'm hopeless. Kaya naman isinumpa ako ng mga witch na iyon. Or their leader to be precise. She Samara, ang ina ni Samadrita. Isinumpa niya ako na magiging babae hangga't may kadiliman. At sa pagsikat ng araw ay babalik ako sa tunay kong katauhan. Damn. Gabi pa talaga ako nagiging babae.
Ngayon, hindi lamang mga babae ang nagkakandarapa sa kaguwapuhan ko. Pati male species ay nababaliw na rin sa akin. But I'm heterosexual. Babae pa rin ang gusto ko.
But I can't be with another woman kung hindi ko rin lang siya mamahalin ng totoo ay ganoon din siya sa akin. Kung may babae pa akong paluluhin ay madadagdagan ang oras ng pagiging babae ko. That's according to Samara. Kaya kung magpapatuloy ako sa dati kong gawain, paliit ng paliit na ang oras na malalaan sa pagiging lalaki ko. Hanggang sa maging babae na lang talaga ako habambuhay.
Sa katunayan nga, less than ten hours na lang ako kung maging lalaki. Why? I have to get fucking laid! At para maiwasan na ang makakita pa ng babae, nandito na lang ako sa condo unit ko twenty-four hours a day. Minsan lumalabas ako kapag hindi ko na talaga kaya at kailangan ko ng uminom ng dugo.
Hep, hep. Huwag ka munang judgemental. Hindi ako umiinom ng dugo ng tao. Well, uminom ako dati. Pero nagbago na ako ngayon. Kumbaga sa tao, vegetarian na ako. Dugo na lang ng hayop ang iniinom ko.
Apat na taon na mula ng isumpa ako. Marami na akong napuntahan. Humingi na rin ako ng tulong sa mga kaibigan kong bampira. But our pact can't do anything about it. Gayundin ang mga diwata, wolves, o kahit na sino. Pati nga espiritista nilapitan ko na rin.
Pero wala talaga.
Isa na lang daw ang solusyon sabi ni Mason, ang vampire buddy ko, my sidekick, my wingman. Mason has a bright idea. I have to fall in love.
Fall in love? FALL IN LOVE?
To make a woman fall in love with me was the easiest of all. Pero ang ako mismo ang ma-in love ang pinakaimposible.
But I have to try. Para maalis na ang lintik na sumpang ito. At para magkaroon naman ako ng ibang kausap maliban sa diary na ginagawa ko.
Ang tanong: saan naman kaya ako makakahanap ng babae na sobrang ganda, sobrang talino at... sobra sa lahat ng magagandang katangian?
BINABASA MO ANG
Ang Diary ng Isinumpang Vampire
WampirySi Eachann (pronounced as Eyk-in) ay isang vampire na isinumpa dahil sa dami ng puso ng mga babae na kanyang sinugatan. Subabaybayan ang kanyang makabuluhang kwento tungkol sa sumpang inabot niya sa kamay ng mga bad hot witch.