Chapter Seven

2 0 0
                                    

It's August! Ang bilis ng mga araw, this month ang activity ng school naming ay "Theater Play Viewing" at balita ko sa Trinoma daw kami manonood ng play, ngayon pa lang namin malalaman kung ano yung title ng papanoorin namin.

"hello! Kamusta naman ang klase ko? I'm sure you've heard about the Play Viewing. Sa Trinoma tayo, August 19" Our adviser announced.

Jerald raised his hand "Ma'am anong pong papanoorin?"

Tumawa si Ma'am Crispi. Anong problema nito? Wala namang nakakatawa sa tinanong ni Jerald. Minsan talaga iniisip ko kung baliw ba tong adviser namin e.

"Babalik kayo sa pagkabata, Jack and the Beanstalk" ma'am Crispi said smiling.

What the hell? Ilang beses ko na bang napanuod at nabasa ang story na yan? Ano ba naman akala ko pa man din mga Romeo and Juliet ang papanoorin yun pala.... UGH!

"pero don't worry guys kasi may twist yung story, its not the usual story that you guys know. AND! Kung sino ang magtangkang hindi sumama kawawa sa upcoming quiz natin, I'll give a quiz a day after nung Play Viewing para masigurado kong nanood kayo" then ma'am proceeded to the lesson.

After ten billion years break time na sa wakas, paglabas ko ng room I headed straight to the canteen, syempre hinila ko din si Liah I hate eating alone. I was in the middle of my "beast mode" when someone sit beside me it was Jonas.

"hinay ka lang hindi tatakbo yang pagkain mo" he said then laughed

"alam mo kumain ka na lang din, kaya ang liit mo e. ano bang kailangan mo?" I said.

"nothing much, tatanong ko lang kung kasama ka sa Play Viewing?" tapos kinuha niya yung plastic spoon na hindi naman ginamit ni Liah at kumuha sa food ko.

"buraot! Malamang sasama ako, may quiz kaya tayo tungkol dun" then I continued eating

"okay." Then off he go

I looked at Liah "problema nun?"  ngumuso siya sa may bintana ng canteen, I followed the direction and saw Jacob, nakadungaw siya sa bintana ng A at nasa labas si Jonas, mukhang ang saya nila kasi parehas silang ngiting aso. Then it dawned on me

"You mean?"  I told Liah, eyes wide open

"Uh huh, inutusan ni Jacob si Jonas" then she continued eating her burger.

Oh My Goodness. Kinilig ako sa gesture niya, pero medyo sablay din kasi mas okay na siya mismo nagtanong. Mag tithree weeks ng manliligaw ko yang si Jacob, so far okay naman.

**************

Jacob:

Tell me pag nasa loob ka na ng bus, kung san ka banda nakaupo, kung pang ilang row, kung right or left.

I smiled. Oh Jacob Castillo. Play Viewing todaaaaay! August 19 at kasalukuyan kaming nag aantay, finifill up na kasi yung mga bus at syempre dahil third year kami medyo mamaya pa kami tatawagin kasi first year pa lang yung pinapapunta sa mga bus.

"Sinong nagtext?" si Jean yan

"si Jacob parang tatay kung magtext, teka nga second year na yung pinapapunta dun?" then I pointed to those second year students

"yep, better get ready. Tayo na yung sunod"

Pagpasok namin sa bus umupo ako sa nakita kong vacant seat, katabi ko si Liah at gusto niya siya sa may bintana. When we settled down naalala kong itetext ko nga pala si Jacob.

Me:

Bus no. 6 7th row left katabi ko si Liah

Narinig kong bumukas yung door nung bus 'Could it be?' I thought. Agad akong tumingin kung sino yung pumasok.

"Okay, is everybody settled? We'll leave in five minutes, pray muna tayo, bow down your heads and close your eyes" si Ma'am Crispi yung pumasok chineck kung kumpleto na kami.

Pagkatapos mag pray sumandal na ko sa seat ko at pumikit, I plugged in my earphones. Agad naman akong nag assume na pupuntahan ako ni Jake dito, asa naman ako noh. For all I know bawal ng bumaba ng bus once na nasa loob ka na dahil after mag check ng attendance ang adviser, aalis na yung bus.

Napadilat ako nung halos mahubaran na ko sa pag gising sakin ni Liah.

"Liah ano ba? Hindi naman ako tulog kung maka yugyog ka jan" I told her, naka earphones pa din ako kaya di ko marinig yung sinasabe niya, para siyang natatarantana ewan.

Hinigit niya yung earphone ko "mind looking at the window?" she told me. I did and saw Jake outside, he smiled then waved his phone.

"here," then Liah gave me her phone "he's been calling you but you're not answering sabi niya" Liah told me.

"yeah?" I said the moment I put the phone on my ear

Jacob's smile grew wider "I'm just checking up on you"

"I'm not a kid Jake" then I stuck my tongue at him

He chuckled "very funny, I gotta go, baka maiwan pa ko ng bus namin, I told Sir Rey na I have to check on someone, saglit lang daw dapat. Okay? Bye!" then he dropped the call and went back to their bus.

"wohoo! Siguro kung sec A. ang kasama natin dito sa bus, kayo magkatabi," Liah nudged me on the side "kaso malas A at D ang pinagsama"

Natawa naman ako sa hitsura niya "Okay lang, alam mo naman ang rule dito diba? May point naman kasi yung mga adviser ng 3rd year kapag pinagsama yung C at D baka hindi makarating ng buhay sa Trinoma si Ma'am Lamuin at sir Jay, mamatay pa sila ng maaga dahil sa kunsumisyon" then we both laughed.

Sa wakas paalis na kami, minsan talaga Filipino Time pa din ang pinapairal e, sabi kanina after 5 mins aalis na, juice ko! Inabot kami ng 15 mins. 8:30 am to be exact. I fished for my phone in my bag itetext ko si Dad na we're on our way na. When I open my phone I saw 3 missed calls -1 from dad, 1 from Mirh and 1 from Jake. Oh-kay that's odd bakit tatawag si Mirh?

Me to Dad:

Sorry to miss your call, phone's in my bag. We're on our way! Yippee : )

Pagkatapos masend nung text ko kay dad. Si Mirh naman.

Me to Mirh:

What's up?

Hindi ko na tinext si Jake, alam kong kanina pa yun, malamang yun yung sinasabe ni Liah. My phone beeped it was from Mirh.

Mirh:

It's a good thing si Liah daw yung katabi mo sabi ni Jake, maiinis daw siya kung si Jerald o si Mac. Don't worry ako yung katabi niya dito sa bus. And PS na expire na daw load niya.

Napailing na lang ako, these guys are unbelievable. Sobrang kukulit! My phone beeped again.

Mirh:

I love you! Hindi sinabi ni Mirh, kulang text niya sayo kanina. See you later *winks* –Jakepogi

The One That Got AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon