HYRA'S P.O.V.
Nandito ako ngayon sa sala.
Kasama si C-Jay.
Oo, one week na simula nung pangyayaring yun.
Bakit ko kasama si C-Jay?
Lagi niya kasi akong binabantayan.
Bakit?
Si Lance kasi, punta ng punta dito sa bahay.
Minsan nga gabi pa siya pumupunta tapos lasing.
Hindi naman sa ayoko siyang kausapin.
Pero, I just need space.
Tsaka, natatakot kasi ako.
Paano kung gawin niya ulit yung ginawa niya sakin nun?
Nakakatakot pa naman siyang magalit.
"Hyra, nakikinig ka ba sakin?" tanong ni C-Jay
Bakit? May sinasabi ba siya?
"Kanina pa ko salita ng salita, di ka naman nakikinig. Haha." sabi niya
Urggghhhh!
Lumulutang utak ko eh.
"Bakit? Ano ba yun?" tanong ko
"Phone mo, kanina pa nagri-ring" sabi niya
Tinignan ko naman phone ko.
Nakalapag kasi sa mesa.
Si, Lance. Tumatawag.
"Subukan mo kaya siyang kausapin?" sabi ni C-Jay.
Tinignan ko siya.
"Go" sabi niya
I sighed then grabbed my phone and answer the call.
[Hyra, please talk to me] sabi ni Lance
"Ano pa bang dapat nating pag-usapan?" tanong ko
Chill Hyra.
Peste kang luha wag kang traydor.
Wag ka munang papatak.
[Please, hear me out] sabi niya
"Gago ka ba? O gago ka lang talaga? Hinintay kitang magpaliwanag nung nahuli ko kayo ng kapatid ko, pero nagsalita ka ba? Hindi diba? Tapos ngayon gusto mo makinig ako sa explanation mo?" sabi ko
[Please Hyra. Makinig ka naman sakin]
"Para saan pa?" tanong ko
[Please] sabi niya
Halata namang sincere siya.
Tumingin ako kay C-Jay.
"Pagbigyan mo na. Sasamahan kita" sabi ni C-Jay
"Fine" sagot ko
[Thank you] sagot niya..
"Isesend ko na lang kung saan" sabi ko
Tapos pinatay ko na yung tawag.
"Pakinggan mo din yung side niya." sabi ni C-Jay
"Nasasaktan ka, pero bakit tinutulungan mo pa din siya?" tanong ko sa kanya.
"Because I know he's the reason of your happiness" sagot niya.
Noon siguro, oo.
Sa totoo lang yung pagmamahal ko kay Lance, napalitan na ng galit.
BINABASA MO ANG
Give up or Hold on? (Completed)
Teen FictionSince then, Hyra Denisse has yearned for love and support, and now only one man has succeeded in making her finally feel it: Lance. Nevertheless how about if love is excruciatingly devastating? How about if her heart remains consistently beating for...