Chapter 1

234 2 1
                                    

CHAPTER 1

"Phoebe! Buksan mo yung car mo, Phoebe! Please!"

Sigaw ni Saab sa labas ng car ko habang hinahampas yung window. Shit. Ngayon palang ako makakatulog eh!

"Hooo! Badtrip! Hinabol ako ng aso!"

Sabi ni Saab habang sobrang hinihingal siya.

"HAHAHAHA! What happened? Bakit ka hinabol?"

"Sabi ko kasi isang waiter dun na binilan ko ako, Phoebe name ko kasi nga dun sa ginamit na atm Phoebe name. Eh galit pala sayo yun! Kinuha mo daw yung id nung isang boy na nagttrabaho don. Tapos yung isang boy naman sa restaurant na yun nilabas yung dog at pinahabol ako! Badtrip talaga! Alam mo bang naka-order na ko! Nakabayad na ko! Nakakainis talaga!"

"Omg! Yung id nung boy? Kaya ko lang naman kinuha yun kasi ang rude niya sakin nung umorder ako dun! Tapos nainis ako kinuha ko yung id niya hinablot ko tapos bigla akong tumakbo! Ni hindi niya ko nakita, basta nung oorder lang ako sinabi kong Phoebe name ko. Hahaha! Pero wala akong pakealam sakanya!"

"Eh baka naman kasi rude ka din sakanila!" Saab

"Eh ano naman kung rude ako sakanila! Customer ako! Nagbabayad ako! Kaya ko silang bayaran kahit magkano kaya hindi nila ko pwedeng bastusin ng ganun ganun na lang noh!"

"Ibalik mo na nga yang id niya!"

Ibalik ko? Ayoko nga. Ang gwapo naman nito eh. Hihi.

Ang gwapo ni "Franco Del Rosario" Hindi ko isosoli yung id niya. Hahaha

"Ayoko nga! Anyways, bumili na lang tayo sa iba!" Sabi ko kay Saab.

"Hindi ka man lang ba naawa sa tao, malay mo hindi siya makapagwork or kailanganin niya yung id niya."

"Mukha naman siyang mayaman eh! Ewan ko, basta ayokong isoli!"

"Osya, tara na sa kahit anong madaanan natin diyang kainan! Gabi na gutom na ko!"

"Saab, dun tayo. Sa isang malapit na bar."

"Kaen muna tayo please?"

"May pagkain diyan girl! Atsaka kaya ka tumataba! Hindi mo kaya ng walang pagkain! Hayy!"

"Oo na! Ikaw na sexy! Ako na mataba =_="

"Hindi naman ako sexy noh! Sakto lang!"

Uhm. I'm Phoebe Alcantara! 18 years old. 2nd year college MassCom student at Far Eastern University. 5'5 height ko, sakto lang katawan ko. Di mataba di rin payat. Di rin ako maputi at di rin maitim, sakto lang din. Hahaha

Top 1 ako palagi, kahit nung high school. President pa nga ako =_= Ang hirap maging president ikaw ang aasahan ng lahat. Kaya ngayong college kahit ninonominate ako ng classmates ko, AYOKO NA TALAGA! Ngayon pang college puro tamad lahat ng tao. Iilan lang yung makikita mong nag-aaral talaga ng mabuti at masipag. Kami naman nila Saab, at nung iba kong friends dun kami kabilang sa grupo ng mga tamad. Yung palaging nagcucutting. Tapos pumapasok lang kapag may exam. Ganun kami! Pero hindi kami bumabagsak! :) Kasi nababawi ng exam namin, kami lang pala ni Saab. Kami lang yung may utak dito! Hahaha peace.

Ashley, Aaliyah, Beatrice, and Bree. Ang galing nung names namin noh, si Ashley and Aaliyah parehas na A. Si Beatrice at Bree, B. kami naman ni Saab ang naiiba. Hihi. They are also my best friends. We are crazy since 1st year college. Pero wala kayo samin ni Saab. Since grade school bestfriends na kami!

Mahilig kaming magparty pag gabi. Palagi kaming nasa bar. Hindi kami talaga magkakahiwalay.

May boyfriend si Aaliyah, Beatrice and Saab. Pero kami nila Bree and Ashley wala. Hindi pa kami maka-move on sa mga ex namin! Hahahah kidding

Love and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon