Guild

10 0 0
                                    















Binuklat ko ang librong Desír. Isang kwentong patungkol sa isang kingdom na malaya at tahimik na puno ng mga magagandang bagay. Hinigop ko ang sopas ng tahimik at ninamnam ang mapayapang himig ng ibon at magandang tanawin sa labas ng bintana. Hindi ko akalain na nakarating ako sa lugar na ito na ninanais ko simula pagkabata. Sa layo ng pinanggalingan ko akala ko'y ako ay mabibigo. Marami pa akong gustong puntahan sa maganda at mapayapang lugar na ito.


*knock *knock



Tinigil ko ang pag inom ng mainit na sopas at tumingin sa pinto. "Pasok ka Penny " binalik ko ang tingin sa babasahing papel.



Pumasok ang may pagka morenang babae na may athletic na pangangatawan. Umupo ito sa kabilang lamesa at nagpangalumbaba.. Nag angat ako ng tingin rito. Maiksi ang buhok na kulay red at ang mga mata nitong parang pusa ay malungkot at problemadong nakatingin saakin.




"Bakit ganyan kang makatingin? Nakakadiri" turan ko sakanya. Maluha luha naman ito sa sinabi ko.



"Ilyse! Wala na tayo sapat na rasyon sa susunod na buwan!" Nilapag nito ang mga maraming papel sa lamesa. "Tignan mo! Puro mababa lang ang mga lumalapit sa guild natin para humingi ng tulong hindi sapat ang mga kinikita natin para mapanatili ang guild"




Ang Guild Ross ay pamana kay Penny ng ama nitong si Eddie Ross na pumanaw na. Tanging si Penny at ang mama nitong si Essie ang namamahala sa lugar. Matagal nang nakatayo ang Guild at mula pa sa pinagsalin salin na henerasyon kaya may kalumaan narin ang lugar. May tulugan ang mga kasaping miyembro pero tanging lima lang kame kasama na sa bilang si tita Essie dahil ang ibang kasapi ay lumipat na dahil sa di sapat na bayad sa bawat misyong natatapos. Nakatayo ang Guild sa Kingdom Senhsucht kung saan obligado kaming magbayad ng buwis bawat buwan. Kung tutuusin sikat ang Guild Ross pero noong namatay si Tito Eddie nawala narin ang tiwala ng ibat ibang tao.

Dalawang buwan palang ako sa guild. Naalala ko ang mukha ni Penny noong unang pagkikita namin katulad sa ekspesyon niya ngayon. Wala akong sapat na pera para sa simpleng matutuluyan sa bayan pero nakita ko ang nakapaskil sa harap ng Guild Ross patungkol sa paghahanap ng guild members na walang bayad kundi matutuluyan at sapat na pagkain. Bigla itong hinawakan ang mga kamay ko at kumikinang ang mga matang hinila ako sa lugar nila.


Pinakain at inanyayahan akong sumali sa Guild nila. Binigyan ako ng matutuluyan. Sinabi ko hindi ako masyadong magaling sa pakikipaglaban at sapat lang ang aking kakayahan. Tinanong ko kung may pagsusulit ba sila para sa bagong miyembro. Espesyal daw ako dahil hindi ko na kailangan pero ang totoo mukhang ako lang ata ang may interes na lumapit sa Guild nila. Napabuntong hininga ako pag naalala ko ang kawawa niyang mukha, nakakadiri at nakakatawa.



Doon ko nakilala si tita Essie sa masarap na luto, Si Pedro ang batang kapatid ni Penny at ang isa pang miyembro na si Nerry ang ampon ng mga Ross.

"Wala naman pinagkaiba 'yan bago ako pumunta rito. Hindi ko naman hahayaan mawala itong Guild" Ayaw ko aminin na napalapit ako sakanila kahit na sa maikling panahon ko palang rito.

"Kaya nga lagi nakaka ahon yung guild. Dahil sa mga mahihirap na misyon na tinatanggap mo at syempre kasama mo ako" Masayang turan ni Penny "Pero nakakainis ka parin dahil hindi mo sinabi sakin na sobrang lakas mo tsk"


Tinignan ko siya na may pag disgusto "Hindi mo tinignan ang kakayahan ko bago ako sumali at pangkaraniwan lang ito" Niyakap ko ang suot kong makapal na damit. Malapit na pala ang pagdiriwang ng pagkakatayo ng Kingdom Senh sa buwan na malamig ang panahon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Married to Princess Dominique(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon