CHAPTER ONE

196 1 0
                                    


 

NAGULAT si Yvann nang pagbukas niya ng pinto ng kanyang opisina ay agad siyang sinunggaban ng halik ng isang babae. Nang makabawi sa pagkabigla ay agad niya iyong tinugon. Isinandal niya sa hamba ng pinto ang babae at tinugon nang buong alab ang halik na ipinagkakaloob nito sa kanya. Tumigil lang sila pareho nang makapusan sila ng hininga. Nakangiti ang babae habang pinaglalandas ang hintuturo sa kanyang dibdib. Ngiting-ngiti naman siya habang patuloy ito sa ginagawa.

"I'm pregnant," deklara ng babae habang patuloy na pinaglalandas ang hintuturo sa dibdib niya.

Napatuwid siya ng tayo pagkatapos marinig ang deklarasyon nito. Nawala din ang ngiti sa kanyang mga labi. "What did you say?"

"I'm pregnant." ulit ng babae, na mababakas din sa mukha ang saya nang ibalita iyon.

Lumayo si Yvann sa babae at umupo sa swivel chair. "Really? Congratulations. By the way, who's the father of your child?" tanong niya pagkatapos makaupo. Napangiwi siya nang pinukol siya ng matalim na tingin ng babae. Lalo siyang napangiwi nang magsalita ito nang marahas.

"Damn you, Yvann! You're the father of my child!" Kung lason lang ang tinging ipinupukol sa kanya ng babae, baka bumula na ang bibig niya.

Napatuwid siya ng upo. "Ako," aniya na itinuro pa ang sarili. "As in ako? How does it happen?"

Lalong tumalim ang tingin ng babae sa kanya. Kulang na lang ay ihagis siya nito sa labas ng bintana. "For pete sake! We made love once!"

We made love? Hindi alam ni Yvann kung matatawa ba o matatawa talaga sa sinabi nito. Hindi angkop ang salitang 'we made love' sa sinabi nito. Mas tama sigurong, 'we had sex' ang sinabi nito.

"Yes, we had sex... once." Binigyang diin pa niya ang salitang 'sex' at 'once' para maintindihan nito kung ano ang pinagkaiba ng sex at love. At para maintindihan din nito kung ano ang pinagkaiba ng once at twice. "And it just happened last night."

Jane Solomon was one of his flings. Nakilala niya ito kagabi sa isang bar malapit sa DLP Building nang magkayayaan silang magkakaibigan na mag-barhopping. It one night stand after all! Jane flirt him that time so he flirted back—and they ended up in bed. She was wild. She was also extreme in bed and extreme hot headed! Dahil kulang na lang ay umusok ang ilong nito sa galit nang mga oras na iyon.

Well, wala namang pinagsisihan sa nangyari si Yvann because they both enjoy it. At si Jane naman ang unang nagbigay ng motibo. Tao lang naman siya, at isang marupok na lalaki sa bagay na iyon para tumanggi.

Yes, he admitted the fact that he was a certified gorgeous, handsome—acoording to the women around him—playboy. And they said that, he was a lady-killer too. And that was true. Hindi naman niya masisisi ang mga babae kung mahumaling sa kagwapuhan niya. At hindi rin niya masisisi ang sarili dahil sabi nga niya, isa lang siyang marupok na lalaki para tumangi sa grasya.

Binansagan siyang playboy ng mga taong nakakakilala sa kanya dahil papalit-palit daw siya ng babae. Buwan-buwan yata ay may bago siyang laruan—este, babae. Hindi na mabilang sa daliri ang mga babaeng dumaan sa buhay niya. Women come and go with his life. Wala siyang sineseryoso sa mga ito. Wala sa isip niya ang salitang commitment at kasal. Allergic din nga siya sa salitang love. Basta hindi pa siya handang magpatali sa isang relasyon dahil hindi pa siya handa. Hindi pa siya handang putulin ang pagiging binata dahil nag-e-enjoy pa siya sa kasalukuyan. And Jane Solomon was one of his obstacles in his enjoyment in life. Isa ito sa mga gustong masilo o mas tamang sabihing pikutin siya. Pero hindi siya magpapadala sa babae. Hindi siya ipinanganak kahapon para mapikot lang.

"Last night or not, it doesn't matter. You're still the father of my child. Kaya kailangan mo akong panagutan. Kailangan mo akong pakasalan," pagde-demand nito sa kanya.

Love Guro: Teach Me To Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon