CHAPTER TWO

66 1 0
                                    

 


 

"AND I'M in love. And I'm terrified. For the first time.And the last time. In my only life," pagkanta ni Collen pagpasok na pagpasok sa apartment na tinutuluyan. "Nagka-crush at first sight yata ako," bulalas niya nang umupo sa sofa katabi si Solenn.

"Ano'ng nahitit mo at nagkakaganyan ka?" tanong nito na hindi naman siya binalingan. Abala kasi ito sa panghahalungkat sa mga pinamili niya na basta na lang inilapag sa mesa.

"Iyong mabangong amoy ng lalaking sumagip sa 'kin no'ng muntik na akong humalik sa malamig na sahig sa mall. For goodness sake, hanggang ngayon kinikilig pa ako! Para siyang hero sa nababasa kong nobela. He's my love and my hero. At sa kauna-unahang pagkakataon, tumibok ang puso ko nang gano'n sa isang lalaki. Kulang na lang ay huminto sa pagtibok 'tong puso. Haay..." aniya, saka sumandal sa sofa. Inaalala niya ang mga pangyayari kanina nang nasa fast food sila ni Yvann nang paunlakan niya ang paanyaya nito.

She was proud at that time. Pagpasok na pagpasok pa lang kasi nila sa kainan, halos lahat ng babae ay napatingin sa kanila, lalo na kay Yvann. Makikita sa mga mata ng mga babae ang inggit habang nasa tabi niya ang pinakagwapo na yatang lalaki sa fast-food chain na iyon. Napaka-gentleman at sweet din ni Yvann dahil lagi siyang inaalalayan. Lalo na noong punasan nito ang gilid ng labi niya nang kumalat ang ketchup nang sumubo siya ng French fries.

That time when she was with Yvann, parang ang gaan-gaan ng lahat. Pati pakiramdam niya, magaan. They introduced their self to each other. Kahit maikling panahon lang sila nagkakilala, parang close na close na sila. Napasimangot pa si Collen nang tumunog ang cell phone ni Yvann. Nang mabasa ang mensahe roon ay sinabi ng lalaki na hinihintay na raw ito ng pinsan nito. May usapan kasi ito at ang pinsan nito na magkikita. Kaya kahit nabitin si Collen sa pakikipag-usap ay hinayaan na niyang umalis si Yvann. Pero okay lang naman dahil nakuha niya ang number nito. Pwede naman niyang i-text o tawagan na lang.

Nasa balintataw pa rin ni Collen ang gwapong lalaki. Ang gwapong mukha ni Yvann, ang mga matang tila nang-aakit bagaman mukhang inosente. Ang ngiting nagpapalambot sa kanyang mga tuhod. Ang buhok nitong kay sarap haplusin, ang mabangong amoy na kay sarap amoy-amuyin. Ang labing nitong kay sarap halikan. At ang matitipunong dibdib at magandang katawan ng lalaki na kay sarap pansamantalahan—este, yakapin. Nakangiting binalingan niya ang kaibigan, na hawak na ang horror book na pinapabili.

"Do you think this is crush at first sight or love at first sight?" nakangiti niyang tanong sa kaibigan.

"What did you say?" Solenn asked with her brow lift.

Biglang sumagi uli sa isip ni Collen ang gwapong mukha ni Yvann. Ang ngiti nitong kakaiba. "I think I'm in love."

Lalo yatang tumaas ang kilay ng kaibigan sa dineklara niya. "With whom?"

"The guy I met a while ago," nakangiting sagot niya. Wala siyang nakuhang sagot mula rito bagkus nakatitig lang sa kanya. "Hindi mo ba tatanungin kung ano ang hitsura niya?"

"Okay. What's he like?"

"Well..." Sadya niyang ibinitin ang sasabihin. "Yvann is tall, fair complexion, gorgeous handsome, kind, sweet, gentleman, and, oh! He is oozing with masculinity," pagde-describe niya sa lalaki habang sapo-sapo ng mga kamay ang magkabilang pisngi. "And you know what? Baka himatayin ka kapag nakita mo siya.But, oh, no, no. Pipilitin mong huwag himatayin dahil hindi mo pa siya..." Umisod siya nang kaunti palapit sa kaibigan. "Natitikman," pagpapatuloy niya saka tumili na tila kinikiliti.

"Drawing."

"Anong drawing?" kunot-noong tanong niya sa kaibigan.

"Isa siyang drawing. Because in real life, walang nag-e-exist na gano'n. You know? No bodies perfect."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Guro: Teach Me To Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon