Chapter 2

11 1 0
                                    

Nandito kami ni Lily sa SumoSam. Dito daw gustong kumain ng mga alaga niya sa tyan. Umorder na kami ng kakainin namin at ako basta may fried tempura okay na ako.

"Lauren, umamin ka nga. May connection parin ba kayo ni Mr. Romero." tanong ni Lily na seryosong tumingin sa mga mata ko habang nagtatanong.

"Sis, to be honest with you. Yup a couple of months ago naging friends kami ulit. Nag chachat lang kami. No video calls or, voice messages. Ayoko na ma attach ulit sakanya. Why so formal sis? Jacob is his name." pabirong sabi ko

"Sis. Bakit mo ba sinasaktan sarili mo?" makikita mo sa mata niya ang pag-aalala.

"Lily. Sis, listen to me. Hindi ko sinasaktan ang sarili ko. Nakipag kaibigan siya sakin, nakakahiya naman kung tatanggihan ko diba? "

"Lauren, pano kung mangyari yung noon?"

"Hindi na ako papayag na mangyari yun, Lily. Trust me. Alam niyang may boyfriend na ako at alam natin na may girlfriend na siya. Kaya hindi na mangyayari yun." sagot ko habang pinapatatag ko ang loob niya na hindi na mangyayari ang nangyari noon.

Hindi ko namalayan na dumating ang order namin. Tahimik kaming kumain ni Lily. Nang maubos namin ang inorder namin na pagkain. Naisipan namin na bumalik sa office marami pa kaming dapat tapusin.

"Lily, bakit hindi mo sinabi sakin na number niya yun?" tanong ko habang papunta kami sa parking lot

"Wow, unregistered number nga eh. Makikilala ko ba yun?" malikot na pagkakasabi niya

Napa face palm nalang ako.

"Oo nga pala. Sorry, hindi ko kasi nilalagyan ng pangalan yung number niya." paumanhin ko

~~~~~

Exactly 2 pm nakarating kami sa office. Marami pa kaming tatapusin ni Lily na kailangan sa shop namin, maya maya pupunta kami sa isa pa naming branch. Itetext ko na lang si Luke para doon niya na lang ako sunduin. I was about to get my phone sa side table ng biglang nag vibrate nag appear yung wallpaper ko at napangisi ako. Picture namin ni Luke with baby Nathan. Unregistered number.... kay Jacob. Dali- dali kong binuksan yung message.

From: 0912*******

" Baby, can we meet tomorrow?We need your help. If it is okay with you?"

Srsly, baby talaga. Naiinis na ako kanina tumawag siya baby ang tawag niya. Hindi ba siya nahihiya? May girlfriend na siya sa pagkakaalam ko nga ikakasal na sila. Bahala na nga.

To: 0921*******

"Okay. 6pm, where? Please, don't call me baby again. Baby your face."

-Lauren

Fr: 0912******* (Jacob)

" At your main shop, I miss you :*"

Hindi na ako nag abalang replayan siya. I miss you niya mukha niya . Matawagan na nga lang yung lalaking yun. I miss him. Si Luke hindi si Jacob.

"hey, whe—-"

"Miss me? 2 pm palang diba ang usapan susunduin kita ng 5pm. Am I right?"

"I know, just asking kung asan ka?"

"I'm here with my cousins from Australia. Guess what."

"What?"

"Nathan is also here."

"Really? I miss baby Nathan. Ikaw nagsundo sa kanila sa airport kanina ?"

"Yup. So, see you later. I told you I have something to tell you."

"Okay fine. Take care" *end call*

Maraming nagtatanong bakit wala kaming tawagan ni Luke. Hindi ko trip na may tawagan kami. Sometimes they are asking me if I truly love him. Yes. Others said Luke is only my option, a rebound. I don't care what other people say because it's not true.

~~~~~~~~~~~~~~~~

4:30 PM

"Lauren, hindi na kita masasabayan . Nasa parking lot na kasi si Mark. Bye take care sis " Lily said and give me a hug . Si Mark ang 5 years na niyang boyfriend. Para sakin matagal na yun sa iba saglit pa lang. Inayos ko na ang gamit ko nag retouch ng onti at lumabas na alam kong wala pang 5 pm . Ayoko lang na maghintay si Luke sakin kaya nauna na ako sa parking kung saan sa tabi ng kotse ko siya lagi nagpapark. Bukas ko na lang kukunin yung sasakyan ko may mga security naman na magbabantay neto. While I was standing bigla nalang ako nakarinig ng taong naglalakad lilingon pa lang sana ako tinakpan na ang mata ko. Hindi naman ako kinabahan kasi...

"Luke." I seriously said then lumingon na ako " Hi baby Nathan" I said and give him a kiss in his chubby cheeks.

"Buti pa si Nathan may kiss." naaasar na sabi ni Luke

"Pahiram nga kay Nathan. Namiss ko tong batang to" at pinupugan ko ng halik si Nathan.

"Ah ganon, sige pakasalan mo na yung bata" after that nag walkout si Luke.

"Joke lang, sige ka nanakawin ko si Luke" pabirong sabi ko habang buhat si Nathan 

"Wag lagot ako sa nanay niyan. Alam kong magaan ang loob sayo ni Nathan kasi ikaw nag-alaga sakanya 6 months ago. Yung kiss ko kasi" sabay pout habang nakakunot ang noo niya.

"Sige na nga" hinawakan ko ung panga niya gamit ang isang kamay kasi sa right hand ko hawak ko si Nathan. Sa cheeks ko lang hinahalikan si Luke.

"Okay na? San tayo pupunta?" tanong ko pag kapasok namin sa sasakyan niya. 

"Hmm... Sa mall? Saan mo ba gusto ipasyal si Nathan?" tanong niya habang papalabas na kami ng parking. 

"Sige. Okay lang. " I said as I hug Nathan. Hindi ako na upo sa shotgun sa likod kami ni Nathan parehas, bawal ang bata sa harap. Delikado na. 

~~~~~~~~~~~~

Andito kami sa mall, habang naglalakad kami at nasa stroller si Nathan, hindi ko maiwasan mapa ngiti . Nathan is important to me he is also the one who helps me to moved on to my past relationship, pamangkin siya ni Luke. Si Luke na boy bestfriend ko noon na naging boyfriend ko ngayon. Iniwan muna  si Nathan ng mommy niya dito sa Pinas para magtrabaho sa Australia, si Luke at tita Trina ang nag-alaga sakanya. Kapatid ni Luke ang mommy ni Nathan, si ate Max. Si Nathan inalagaan ko siya kapag pinapapunta ako ni Luke sa bahay nila kaya minsan kapag nagsisimba or namamasyal kami kami ang magkakasama. 1and half yr old pa lang si Luke ngayon. 6 mos siya dito noon 6 mos siya sa Australia kasama ang parents niya. Sobra ang pagkamiss ko sakanya. Sobra

"hey, you want ice cream?" tanong ni Luke

"Okay, thanks " sagot ko at umalis na siya para bumili ng ice cream umupo muna ako sa bench at kinulit si Nathan. Naalala ko may sasabihin pala si Luke. 

"Tulala ka ata?" sabay abot ng ice cream.

"Ahh, naalala ko may sasabihin ka sakin. Ano ba 'yon?" tanong ko 

"Ahh 'yun ba?" biglang naging seryoso ang mukha niya bago umupo sa tabi ko 

"Lauren, bumalik na siya. " seryosong sabi niya at unti unti akong kinabahan parang alam ko na kung sino pero pilit kong iniisip na sana hindi siya 'yon.

"Sino? hahaha " medyo sarkastiko ang tawa ko

" Jacob Romero."





Promise, I willTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon