Chapter Twenty One

443 21 7
                                    

Chapter Twenty One

Right after nyang manganak kay Hermes, sa Isla Verde na sila namalagi ng anak. They agreed to close the Isla Silva.

Mabilis lumipas ang mga araw, pagkatapos syang puntahan ni Stephen sa hospital. Wala naman itong sinabi na kung ano sa kanya. Kinamusta lang sya at walang binanggit na kung ano tungkol kay Ivan. Nag-focus sya pag aalaga sa anak nya at sinantabi nalang muna ang pagiging Prosecutor. She was just on a break because she wanted to witness Hermes growth.

Tatlong taon agad ang lumipas. She can't believe that Hermes can walked now. He can talk now, meet new people around them. Nahilig din ang anak sa dagat dahil lumaki itong iyon ang nabubungadan lagi.

"Ayaw mo pa bang magtrabaho uli? Lumalaki na si Hermes." Ani Maru sa screen.

"Kaya ko pa bang maging prosecutor?"

"Of course."

Kay Patricia nya pinagkatiwala ang anak para bumalik ng Manila. It was too risky for her to bring Hermes. Ayaw na nyang makasalubong man lang si Ivan sa kahit saang sulok ng lugar. Ayaw na nyang bigyan ang sarili nya ng pag asa dito. Tama nang nag iwan ito ng souvenir na kamukha pa.

"Pasensya ka na."

"Walang problema."

"Kapag naman nandito si Pepper, sa kanya mo nalang ipaalaga."

Lumuhod sya sa tapat ng anak at pinisil ang pisngi.

"Magwork lang si Mommy ha. Babalik ako kapag weekends."

Tumango tango si Hermes at niyakap sya sa leegan. Pinupog nya ng halik ang anak na natawa nalang din. Masaya pa ito noong sumakay sya sa bangka pero nang nakalayo na, umiyak na ito at nagsimulang habulin sya. Tatlong taon nya itong katabi, ngayong kailangan nyang magtrabaho para sa kanilang dalawa ay kailangan nya ding tatagan ang sarili nya.

Sa bahay sya ni Pepper magstay pansamantala habang naghahanap sya ng convenient na condo or apartment. Iyong magiging comportable si Hermes kapag inuwi nya dito.

Pero duda syang sasama pa iyon dito sa Manila, masyado nang napamahal si Hermes sa dagat.

"Hi! Hindi ka nagpasabi!"

"Ayokong maka-abala." Pumasok sya at naupo sa sofa. "Asan si Lui?"

"Nasa school. Nasa italy naman si Zero."

She nodded.

"I cooked beb. Baka gutom ka."

"Lagay ko muna iyong gamit ko sa kwarto."

"Alright, feel at home." Ani Pepper at binalikan na ang ginagawa sa laptop.

Umakyat sya sa taas at nilapitan ang magiging kwarto nya. Malapit sa kwarto ni Lui kaya nilapag nya doon ang regalo nya dito. Then she fixed her things inside her room and change her clothes to a more comfortable one.

Bumaba na din agad sya dahil kumalam na ang sikmura nya.

"Ahh.."

Kumunot agad ang noo nya sa narinig. Pepper just moaned.

"Sex on a call?" Aniya.

"Putik!" Nagulat pa si Pepper. "Ikaw kasi."

Paniguradong si Zero iyon. Napailing nalang sya at dumiretso sa kusina. Umupo sa island counter at nagsimula nang kumain. Kalaunan ay pumasok si Pepper sa kusina na dala ang laptop.

"Tapos na?"

"Yes. Mainggit ka please."

"Kadiri ha." Aniya.

Island Series: Chelsea De SilvaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon