Chapter Fifteen

459 19 6
                                    

Chapter Fifteen

Hindi mapakali si Chelsea bigla. Pero hindi naman sya nakakaramdam ng takot. Kinakabahan lang sya. Nanatili sya sa sofa doon at hinilot ang sentido nya.

Her phone rang again.

"Hello?"

[Stephen is in danger, Chelsea!] Hesterikal na sigaw ni Pepper. [I think he was being ambush!]

"Kumalma ka. Asan na?"

[Dadalhin na namin sa hospital. Are you okay there?]

Sa narinig kay Pepper, sinilip nya ang kwarto kung saan nakahiga si Ivan ngayon.

"I'm okay, Pepper. Update mo ko kay Stephen."

[Okay. Take care.]

Sunod na tumawag sa kanya si Allen, he's asking if she could join them in their dinner later. Tumanggi syempre si Chelsea, hindi nya pa din gusto si Aliana dahil sa ginawa nitong pagsampal sa kanya.

Naligo nalang sya at lumabas. Nabanggit ni Loralaine na may palengke dito kaya naisip nyang mamalengke nalang muna. Bumili din sya ng mga pain relievers at naglakad na pauwi sa Isla Silva.

She almost jumped upon seeing Ivan sitting on the sofa.

"Ayos ka na ba?"

He shooked his head and opened his eyes. Nagtama ang mata nilang dalawa.

"Mahina ka pa din, kailangan mong kumain."

Nanatili lang na nakatitig si Ivan sa kanya. Her heart sunk a bit but she choose to ignore them. Lumihis sya sa kusina at nagluto ng gulay na may sabaw. Nang matapos, magdidilim na sa labas ngayon.

"You can eat now."

Tumayo si Ivan pero kaagad na muntik nang matumba. Hindi sanay si Chelsea na ganito kahina si Ivan, kilala nya itong malakas.

She had no choice but to help him. Natigilan pa saglit si Ivan pero naramdaman nyang yumakap ito sa baywang nya. Lumakad sila sa kusina at inalalayan itong umupo.

Pareho silang tahimik na kumain, Chelsea can't help thinking and staring at Ivan. Mabagal itong kumain kaya nang matapos sya na ang nagligpit.

"Chelsea," tawag nito.

Pinigilan nya ang puso nyang mag react dahil doon. It was so stupid.

"Thank you." Anito.

Hindi sya sumagot. Hinugasan nya ang pinggan at nakita na dahan dahang naglakad si Ivan palabas ng kusina.

Pepper called again to update about Stephen's condition.

He's unconcious but stable. Huminto sya sa may bukana ng kusina.

"Walang lead kung sino ang may gawa?"

[Wala. But someone said that Stephen is not alone.] Ani Pepper. [He's with someone.]

"Sino?"

[Wag kang mabibigla ha. It was Ivan Sison, pareho silang target ng kung sino.]

Marami pang sinabi si Pepper pero napako na ang tingin ni Chelsea kay Ivan na nakasandal sa sofa ngayon pagkatapos makaupo. Her mind was clouded again with questions.

Anong koneksyon ni Ivan kay Stephen?

[Kaya mag ingat ka, Chelsea. I'll ask Stephen what's his connection to Ivan.]

Tumango sya kahit na hindi naman kita ni Pepper iyon. Then the call ended. Halos matumba sya nang mahagip ang pagtitig ni Ivan sa kanya.

"Something happen?"

Island Series: Chelsea De SilvaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon