CHAPTER 3 - Hindi ka karapat dapat maging isang sandoval.

175 6 0
                                    

ASTRIA'S POV

" Thank you po manong." Bati ko kay manong jose na family driver namin pagkababa ko ng kotse.

"Walang anuman astria mag iingat ka palagi." Aniya niya sa akin na nagpangiti sakin at tumango.

Pagkaalis ni manong jose ay huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng university.

Yes, papasok na ako it's been a month and 3 weeks since my parents grounded me and this is gonna be the second time na pagpasok ako ule after ko magrounded.

And it's been 3 weeks since hindi ako pinapatahimik ng sinabi ni kuya axel.

"Argh astria please stop think about it. Hindi ka anak sa labas okay?" Sambit ko na lamang sa sarili ko at marahang sinampal ang sarili ko habang naglalakad sa corridor.

"Oo tama, hindi ako anak sa labas." Aniya ko uli sa sarili ko at napatigil ako ng may tumawag sakin.

"Hey loser!" May apat na babaeng lumapit saakin.

Sila sophia lang pala at ang mga alipores niya na akala mo clown sa sobrang kapal ng mga make up.

"Wala akong oras makipag away sainyo sophia okay." Akmang aalis na sana ako ng hinila ni sophia ang buhok ko.

"Aray! Sophia bitawan mo ko!" Sambit ko at pilit na hinihila ang buhok ko sa pagkakahawak niya pero tiningnan niya lang ako ng masama.

"Kinakausap pa kita kaya wag mo akong tatalikuran you freak!" Galit na galit na sabi niya sa akin.

"Please sophia not now okay?" Pwersa kong hinila ang buhok ko sakanya at nabitawan nya naman yun, inayos ko ang buhok ko at bored ko silang tiningnan.

"Kung wala kang magawa subukan mong ayusin yang kilay mong hindi pantay." Narinig ko ang mga bulungan ng mga ibang estudyante na nanonood saamin kaya lalong sumama ang tingin niya sakin.

"How dare you!" Napahawak ako sa pisngi ko ng sampalin niya ako at hinila niya uli yung buhok ko at hinila niya ako papalapit sakanya.

"Kahit nga pamilya mo walang pake sayo eh so.. i can do whatever i want to you astria walang pipigil sakin at magbabawal dahil maski pamilya mo ay walang pake sayo." Sambit niya na hindi ko na kinagulat dahil tama naman siya.

"Hindi porket isa kang sandoval matatakot na ako sayo astria." Aniya niya uli kaya walang gana ko siyang tiningnan at pwersang tinanggal yung kamay nya sa buhok ko at nabitawan nya naman to kaya lang medyk napalakas ata dahil napaupo siya.

"What the??! How dare you to do that to me!!" Hindi kona siya inintindi pa at tinalikuran na sila hindi pa ako nakakalayo ay may humila na naman ng buhok ko.

"Hindi pa tayo tapos astria!!"

"Ano ba! Tigilan mo na ako sophia!" Pinaharap niya ako sakanya at sinampal ng dalawang beses, ang sakit nun ah.

Hindi pa ako nakakamove on sa pagkaka sampal niya sakin ay tinulak nya ako ng malakas kaya napaupo ako at saka pinagsisipa nila ako kaya sinasangga ko ng braso ko.

"You freak! How dare you to push me ha?!" Sigaw nya sakin habang patuloy na pinagsisipa ako nakita ko namang pinagtitinginan lang kami ng mga ibang estudyane dito at dumadami na din sila yung iba nakikita ko ang awa sa mga mata nila at ang iba naman ay galit at nangaasar na tila ba natutuwa sa nakikita nila, ni isa walang nagtangkang umawat, ano paba aasahan ko?

"Stop sophia! Wala akong ginagawa sayo! Hindi ko sinasadya yung pagtulak ko sayo so please stop it!" Aniya ko pero patuloy lang sya sa pag sipa sa akin at dahil sa sobrang sakit na ay hindi ko na mapigilang umiyak. Ang sakit tama na.

THE DAY SHE SAID GOODBYE ( UNDER EDITING )Where stories live. Discover now