CHAPTER 16

3 1 0
                                    

"DAHAN-DAHAN naman Kleint masakit na paa ko kakalakad," reklamo nya sa lalaki na kanina pa sya hila-hila ang kamay nya.

"Oh I'm sorry, gusto mo bang kargahin kita?" tanong nito at umakto nang papasanin sya. Agad syang bumitaw at umatras sabay iling sa sinabi nito.

"Baliw ka ba? Pagtitinginan tayo gusto ko lang naman muna ipahinga ang paa ko," napanguso sya at tinuro ang bench sa isang parke kung saan madaming magkakapareha ang naka-tambay sa may fountain.

"Hmm, fine let's rest for a while," inangkla nito ang braso nya sa braso nito at tinungo ang bench na tinuro nya.

"Kleint may itatanong ako," saad nya ng makaupo silang dalawa. Napaharap naman ito sa kanya at nilaro-laro ang kamay nya.

"Ask away," tipid nitong sagot. Nakikita nya ang pamumula ng tainga nito dahil sa lamig ng panahon and she finds it cute.

Ika-tatlong araw na nila sa Paris ngayon at gusto nyang maging malinaw ang lahat bago sila umuwi ng Pilipinas. Tinanong nya kung ayos lang ba talagang manatili sila dito ang sagot naman nito ay 'honeymoon daw' nila iyon. Pero wala namang intimate na nangyayari sa pagitan nila kaya minsan naiinip na sya dahil puro halik lang sa noo ang iginagawad sa kanya. Not that she's complaining but her mind is clouded with thoughts that maybe Kleint is restraining his self because of Lauren.

"T-totoo bang girlfriend mo si Lauren?" tanong nya dito pero iniwas nya ang paningin nya sa lalaki. At dahil sa tanong nya napabuntong-hininga naman si Kleint kaya naman mas kinakabahan sya sa magiging sagot nito.

"Well she's just my friend way back in college, sya yung naging kasama ko nung panahon na nangungulila ako sa'yo,"mababang sagot nito na naghatid ng sakit sa dibdib nya. Hindi nito sinagot ng diretso ang tanong nya kaya naman nahihirapan syang lumunok at sumubok na magtanong muli.

"A-ahh kaya pala so k-kayo ba?" nauutal nyang tanong at tumitig sa mukha ni Kleint habang pinipigilan ang pagseselos na nararamdaman.

"Leigh let's not talk about this okay?" ginagap ang kamay nya pero inilayo nya ito at tumango na lang bilang sagot.

They were silent in a couple of minutes but it was disturb by his phone ringing, and Czarina bit her inner cheek when she see the caller. Agad namang tumayo at sinagot ni Kleint ang tawag at iniwan syang nakatingin lang sa likod ng papalayong lalaki.

She smiled bitterly, oo nga't sya ang asawa at dating nobya nito pero alam nyang nagbabago din ang nararamdaman ng isang tao lalo pa't matagal na silang hindi nagkita ni Kleint at hindi nya din alam kung paano sila nagkahiwalay. Yun pa rin ang gusto nyang malaman, pero sa tuwing pinipilit nyang alalahanin ang mga iyon ay sumasakit ang kanya ulo at kung hindi naman ay nahihilo sya.

Pinilit nyang ngumiti nang papalapit na si Kleint, agad naman sya nitong hinalikan sa noo at nagpaalam na bibilhan lang sya ng makakain. Tumango naman sya bilang tugon at tinanaw ang paglayo nito sa kanya. Alam nyang sa susunod na pagtanaw nyang papalayo ito sa kanya ay hindi na ito babalik.

Paunti-unting lumalabo ang paningin nya ng may nag-abot sa kanya ng panyo, "use this," ani ng lalaking may katangakaran mapula ang mga labi at mababakas ang lungkot sa mga mata nito.

Hindi nya din batid kung anong lahi ang lalaki dahil matangos ang ilong, maitim ang buhok na may kahabaan kaya natatabunan ang kulay asul nitong mga mata.

"T-thank you,"nahihiya nyang sagot dito sabay kuha ng panyo na inabot nito sa kanya. Akala nya ay aalis na ito pero umupo ito sa tabi nya at inakbayan sya nito.

"Cry all you want don't mind me," diretso lang itong nakatingin sa harapan nila habang nakaakbay ang kaliwang braso nito sa kanya.

"I-i'm fine," she stuttered as she tried to push back the stranger. Naiilang sya sa pagdikit ng katawan nito sa kanya although hindi naman ito bastos dahil marahan lang na tinatapik ang balikat nya na parang isang kaibigang nakikiramay.

"By the way I'm Shawn," lumayo ito ng bahagya at iniuma ang kanang kamay. Tinanggap naman nya ang kamay nito at nagpakilala.

"Czarina, what a beautiful name,"he said. Czarina just smile a little to show respect and she thought that Shawn will leave her after that but he just sat comfortably beside her.

"So what makes a beautiful woman cry in the midst of crowd?"pang-uusisa nito. May pagka-chismoso din pala ang mga taga-paris.

"I'm not crying it's just a dust irritates my eyes," nahihiyang sabi nya alangan naman sabihin nya agad ang dahilan. Feeling close naman kasi talaga ang lalaki at kung ano-ano pa ang itinanong sa kanya. Pinipilit nya na lang sagutin ito dahil wala naman itong ibang action na nakakabastos at hindi sya nababagot dahil sa pagiging open nito.

"Nag-iisa ka lang ba? I mean are you alone or are you with someone?" tanong na naman nito pero this time napatingin na sya dito. Agad nyang pinalo ang balikat nito na nagpalaki naman ng mata ng huli.

"Hey! What's that for?" maang nitong tanong sa kanya.

"Ikaw! Marunong ka naman palang magtagalog english-english ka pa kainis," reklamo nya dito. Napahalakhak naman ito hawak ang tyan at tinapik-tapik ang balikat nya.

"Akala ko naman kasi hindi ka pinoy," natatawa pa rin nitong sabi. Umingos sya at sinamaan ito ng tingin. Hindi rin nagtagal ay sabay silang napatawa at nakapagpalagayang loob nya na ito.

"You seemed fond of your new friend, care to introduce me to him hon?"ang malamig na boses ang nagpatigil sa kanilang tawanan. Bakas naman ang gulat sa mukha ni Shawn nang makita ang madilim na mukha ni Kleint na nakatingin sa kanila.

Kleint clenched his jaw and sarcastically grinned at Shawn as he took step towards them. She hardly swallow the lump on her throat as she bite her inner cheeks. She nervously smile as she stood up and approach him.

"K-kleint," hindi nya alam bakit sya nauutal habang nakaharang sa harapan ng asawa. Bakit nga ba sya nauutal at kinakabahan kung wala naman syang ginagawang masama? Tama, kalma ka lang Czarina Leigh wala ka namang ginawang mali. Pero nang umangat ang mata nya at makasalubong ang mata ni Kleint ay nanlambot sya. Wala syang makitang ngiti sa mukha nito dahil sa kakaibang tingin na ipinapakita nito.

"He's my friend, Shawn meet Kleint my—" naputol ang sanang sasabihin nya nang agad sumagot si Kleint.

"Her husband so back off," anito sabay hila sa braso nya para umalis. Lumingon na lang sya kay Shawn at nangusap ng 'sorry' tumango naman ito at nag-wave pa ng kamay bilang paalam.

At dahil hila-hila sya ni Kleint ay ramdam nya ang gigil sa pagkakahawak nito sa braso nya. Kaya naman buong lakas nya itong kinalas sabay hinto sa paglalakad. Kleint unbelievably look at her as he scratched his nape.

If looks could kill, maybe she's dead. Dahil sa paraan ng pagtitig ng asawa nya ay tila masamang panahon na nagbabadyang bumulabog.

"Marunong ka na palang lumandi ngayon," he flatly said while gritting his teeth. The rage is visible just by looking at his veins. Nakikinita nya rin ang pagpipigil ng kamao nitong nakakuyom habang hawak ang isang paper bag. She chose not to answer to that statement and just turn around to walk away but he speak again which make her furious.

"If you want to be a whore suit for yourself pero ako dapat ang makauna sayang naman ang nautang mong pera sa pamilya ko kung 'di mo babayaran," pang-iinsulto nito. Agad na lumagutok ang magkabilang sampal sa pisngi nito na sya ang may gawa.

At dahil sa lakas ng sampal nya ay masakit ang kamay nya at nagmarka iyon sa mukha nito, he scoffed and laugh as he throw a glance at her.

He didn't talk and he just timidly looking at her with a blank expression but his eyes screams the anger.

"Maybe it's the best thing if I didn't remember our past, mas pipiliin ko pang malubog sa utang kaysa balikan ka." she spitted those words which she didn't realize that if pierce thoroughly on Kleint's heart.

Indelibly Indebted (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon