04 • Monoceros Suite

11 2 0
                                    

GENESIS

Laking gulat ko nang makita ang isang pamilyar na pulang maleta sa paanan ng kama. Nakatayo si Alexei sa tabi ng maleta habang may sinusulat sa clinic records ko na nasa kanyang mga kamay. "Is that...?" I asked Alexei, pertaining to the suitcase. I rubbed my eyes, as the morning sunlight showered the room.

"Is this your suitcase at home with most-- if not all --of your clothes inside? Girl, yes!" he replied, snapping the folder (where my clinic records are placed) shut. "Schoolmaster Nelson decided to visit your home and the ten Avatars before you in order to explain the sudden disappearances of their children. Syempre hindi niya sasabihin 'yung totoo-- 'yung tungkol sa mga hellhounds, at mga diyos. Ginamit niya 'yung usual na dahilan: natanggap sa prestihiyosong boarding school ang mga anak nila."

Tumawa ako. "Hindi ko pa nga tapos 'yung tanong, may sagot ka nanaman. Kaya mo ba talagang mag-basa ng isip ng iba?"

Nginitian lamang ako ni Alexei, at hindi ako sinagot. Kinuha niya ang tray na ginamit niya kahapon, at inilagay ito sa harapan ko. May kinuha itong kahon na may pulang takip na nakapatong sa bedside table. Pinatong niya ito sa tray, at binuksan. Sa loob nito, kinuha niya ang isang bilog na pie.

"It's peach pie. Lagi ko 'yan ginagawa kapag may nadi-discharge ako dito sa clinic," sabi niya habang hinihiwa sa walong slices ang pie sa harapan ko. Kinuha ko ang tinidor sa gilid, at agad na itinusok ito sa isang hiwa ng pice.

"Kung laging may ganito kada punta ko sa clinic, baka magiging suki mo ako dito," pabiro kong sabi kay Alexei. Yesterday was my first time eating peaches, but I'm pleasantly surprised that I ended up liking them more today.

Kumuha rin ng tinidor si Alexei, at umupo sa tabi ko. "Hindi mo naman kailangang masaktan o mawalan ng malay para pumunta dito sa clinic. You can just visit me whenever you feel like it."

"You mean like... like friends?" Nanlaki ang mata niya sa akin habang naka-bukas ang kanyang bibig at kita ko ang crust ng peach pie sa loob nito.

"Uhmmm... mali ba ang pag-assume ko na magkaibigan na tayo?"

"No! No! In fact, I'm happy that I found... found a friend!" I quickly told him, avoiding a change of atmosphere between us. "Isa pa lang kasi ang naging kaibigan ko sa buong buhay ko. 'Yung ibang tao kasi ginagawa katatawanan ang kakaiba kong mata."

"People often makes fun of something different. Pero hindi ibig-sabihin noon ay mali ang pagiging iba o kakaiba kaysa sa kanila," sabi niya. "What most people call weird, others call unique."

I smiled at what he said. "Thank you, Alexei. I-I will always remember that."

"Walang anuman, Genesis. Alam mo ba noong bata pa ako-- bago pa man ako pinadala dito ng mga magulang ko --kilala na ako bilang magaling na tagapag-payo," pagmamayabang niya habang kumukuha ulit ng isang slice.

Isang slice na lang ang natira, at nagkatitigan kami ni Alexei habang mahigpit ang pagkakahawak sa kanya-kanyang tinidor. Itutusok ko sana ang tinidor ko sa peach pie nang biglang dumating si Rosannah. "Uhmm... nakakaistorbo ba ako?"

Mukhang kagagaling lang sa klase si Rosannah base sa kanyang kasalukuyang suot (puting blouse, pulang vest, at maroon na palda), at ng isang makapal na libro na naka-ipit sa kanyang braso.

"Not at all, Rosannah. May isa pang slice ng peach pie dito kung gusto mo," sabi ni Alexei na agad tumayo mula sa kinauupuan niya.

"Thank you, but I'm on a diet. Plus, I think Genesis loves peaches," Rosannah politely declined. She walked towards my suitcase and pulled up the handle. "Ubusin mo na 'yan, at magbihis. Ako 'yung naatasan na ihatid ka sa dormitoryo mo."

Divine SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon