11 • Curse & Wound

6 2 0
                                    

GENESIS

Remembering what happened in my previous school desensitized and prepared me for the gruesome scenery in front of me. Parang may dumaan na buhawi sa first floor gawa ng nagtutumbahang bookshelves at libro na naka-kalat sa paligid. Sa gitna ng kaguluhan, nakahandusay ang walang buhay na katawan ni Bruce. Ang mga pahina ng libro na nasa paligid niya ay kulay pula mula sa dugo na umaagos mula sa kanyang katawan.

"Looks like Freddy Krueger killed him," komento ko nang nakita ang malalaki at malalalima na kalmot sa kanyang dibdib. Tinignan ako ni Yule. "A Nightmare on Elm Street. Hindi mo pa ba 'yon napapanuod?"

Umiling si Yule habang naglalakad kami sa gilid at nilalaktawan ang mga nagkalat na upuan. "I don't really watch movies," tugon ni Yule. Tumigil kami sa paglalakad nang may tumayong Ganas o ang mga espirito na may ulo ng elephante sa aming harapan para tigilan kami. Naka-suot sila ng damit na pang-librarian.

"Hindi kayo pwede dito! Isa itong ongoing investigation at ang presensiya niyo rito ay maaring maka-apekto sa crime scene!" sigaw niya sa amin habang tinutulak kami pabalik, tig-isang kamay ang naka-hawak sa amin ni Yule.

"Kaya nga kami andito! Alam namin kung sino ang may gawa nito," sabi ko sa kanya. Tumigil ang Ganas sa pagtulak sa amin pero bakas pa rin sa kanyang mga mata na hindi niya kami pinaniniwalaan. Mabuti na lamang at nakita kami ni Rosannah.

"Genesis? Yule? Anong ginagawa niyo rito?" tawag ni Rosannah habang naka-tayo sa may second floor. Pagkakita niya sa amin, pumunta siya ng hagdan at bumaba. Hinintay ng Ganas na dumating siya bago niya kami pakawalan. "Thank you, Ellie. I'll take it from here."

Sinundan ko sa tingin ang Ganas. Nang makasiguro ako na malayo na ito, sinabi na namin ni Yule kay Rosannah ang nalalaman namin. Sinimulan ko muna sa pagpapaliwang tungkol sa nangyari sa oneirium at sa countdown mark na nasa braso nina Bruce, Titania, at Yule. Sinundan nama ito ni Yule sa pagkekwento kung anong nangyari sa panaginip niya.

Rosannah furrowed her eyebrows and crossed her arms while listening to Yule. "'Di ba hindi nananaginip ang mga Avatars ng death gods?"

Tumango si Yule. "Ang suspetya ko, dahil isang nilalang si Draugr ng Dreamscape, may kakayahan siyang magbigay ng panaginip. Tsaka, malakas ang koneksyon niya kay Morrigan dahil isang Avatar nito ang nag-taboy sa kanya sa kadiliman."

"If what you're saying is correct and an Avatar of Morrigan exiled this Draugr, then that means there are no known means to kill it," Rosannah said, and Yule nodded at what she said. Tumingin si Rosannah sa may pintuan, at napansin niya na kumakapal lalo ang mga tao. "'Wag tayo dito mag-usap."

Sinundan namin siya sa paglalakad. "Ellie, I need you to call Zerafina Zurich and Clayton Canterbury. Have the student council do some damage control," utos ni Rosannah sa Ganas na tumulak sa amin ni Yule kanina.

Ibinaba ni Ellie ang mga librong kanyang hawak. "Ano naman ang gagawin mo, Rosannah?" tanong nito kay Rosannah. "Err... Just in case na tanungin ako nina Zerafina."

Binuksan ni Rosannah ang pintuan ng Audiovisual Room bago niya sagutin ang tanong ibinato sa kanya ni Ellie. "Sabihin mo sa kanila na ginagawa ko ang trabaho ko bilang presidente ng disciplinary committee."

Pumasok na kaming tatlo sa loob. Nilock naman ni Rosannah ang pintuan pagkapasok namin, at naglakad papunta sa laptop sa tabi ng malaking telebisyon. Nawala ang static ng telebisyon at napalitan ng isang screen na makikita mo sa desktop ng isang computer.

Umupo naman kami ni Yule sa may harapan, the exact same spot where I watched the orientation video with Mrs. Faulkner.

"Hindi ko alam na ikaw na pala ang president ng disciplinary committee," Yule said. He noticed me staring at him, dumbfounded because I need context to fully comprehend Rosannah and Ellie's conversation. "Just like there are 2 schoolmasters, there are also 2 leading organizations in Delos Academy: the student council and the disciplinary committee. Schoolmaster Nelson is the adviser of the student council. Ang trabaho nila siguraduhin na nasusunod ang mga programa ng Delos Academy gaya ng mga seminars kung paano gamitin ang Aura o mga festivals ng mga napiling diyos."

Divine SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon