Chapter 6

7 1 0
                                    

"Ano?!"

Ang OA talaga ng bruha. Kinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari 'don sa Mall.

"Bakit mo sinabunutan? Sinuntok mo sana!" sabi niya at iminuwestra ang kanyang mga kamao at sumusuntok sa hangin. "Oh tapos? Anong nangyari?" patuloy niyang tanong  at humarap talaga sa'kin.

Umupo siya sa mismong armchair ko! Tsk!

Sinabi ko nga sa kanya ang lahat simula 'nong pagsugod 'nong Joana at 'yong pagtanggol at paggamot ni George. Isinama ko na rin sa kwento ko ang paghatid ni George sa'kin sa apartment.

"Taena ka Dzae!" mura niya at sinabunutan ako. "Inunahan mo pa ang ibang bruha! Ako!"

Ha?

"Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

Umayos siya ng tayo at pinagkrus ang mga kamay sa dibdib. Hala ka! Anong gagawin niya?

"Ngayon mo sabihing hindi mo siya gusto."

"Ano?!Gusto?"

Sinong gusto ko?

"Gusto mo na si George!" sabi niya at nagpapalakpak na parang nanalo sa lotto.

Tangina!!!

Anong sabi niya? Gusto ko na si George? Yung bakla?

"At dahil sa kwento mo, I can say may gusto rin si George sayo! Shit! I can't imagine you having a relationship with someone—"

"Teka nga!" putol ko. "Wala akong sinabing gusto ko siya. Naulol ka na ba?"

"OMG! Ibabalita ko na ito sa ibang bruha!" tili niya at patakbong bumalik sa kanyang desk at nagsimulang magpindot sa phone.

"HOY! GAGA!" tawag ko. "Anong gagawin mo?"

Hindi na niya ako pinansin. Kinuha ko ang cellphone dahil sa sunod-sunod na tunog ni Messenger. At 'yon, pinagpyestahan na nila ako. Ako na 'yong topic.

Pornviewer 2: Hoy mga malalandi! 📣 May balita ako sa inyo. Daliiiiiiii

Pornviewer 1: What?

Porn Selector: Ano?

Porn Moderator: Wala pa ba kayong exam? Anong balita yan?

Pornmaster: Scandal ba yan?

Napairap ako. Basta balita o kahit anong chismis handang-handa ang mga tae. Tsk!

At ako? Magkakagusto sa baklang 'yon? Impossible.

Pornviewer 2: Our pornstar here, gusto na niya si George! 👀👀

Pornstar? Ako ba yung tinutukoy niya?

Tiningnan ko ang nickname ko sa group chat at nakitang ako nga. Ako yung pornstar! Tangina!

⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄

Pornviewer 1: Did you mean, our Belley ghorl here likes our ultimate crush?! 😱

Porn Moderator: Really?

Porn Selector: Pano nangyari? Diba sinabi niyang hindi siya pumapatol sa isang bakla? 🤨

I typed. "Wag kayong maniwala diyan sa bruha. Hindi ko sinabing may gusto ako 'don sa bakla. WALA!"

Pornmaster: Dahil kaibigan kita pornstar, I gave you now the privilege to own his length. Good luck! ✨

Porn Moderator: Hoy Sari! Yung pustahan natin. Panalo ako! Yung isang sasakyan mo akin na!

The Sealed Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon