Chapter 17

9 1 0
                                    

Pag-aaral na ang inaatupag ko ngayon kaysa pag-inom ng beer at pagtambay sa Black Sapphire kapag walang pasok.

I'm in my room right now, reading my notes.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari kagabi.

Yes, I admit. I'm jealous. Nagseselos ako sa maarteng Venice na yun.

Naiintindihan ko naman yung kalagayan namin ni George. Nababawasan yung oras namin para sa isa't-isa dahil sa perehas kaming nag-aaral.

"Hoy Belley! Hindi ka pa rin ba kakain?" katok ni Tita sa labas.

Hindi ko na mabilang kung kailang tawag na niya ito.

It's now eight. Supposed to be dinner na pero hanggang ngayon wala akong ganang kumain.

"Hindi ako gutom Tita!" sigaw ko.

Padabog kong sinara ang librong binabasa ko ngayon. Kahit anong ulit ko, hindi ko pa rin maintindihan lahat. Litse!

Inis akong tumayo sa aking study table at tumungo sa veranda. Dahil sa nandito lang ako sa bahay, I'm just wearing my bra and a pajama.

Pagkabukas ko sa sliding door bumungad sa'kin ang preskong hangin at samo't-saring ilaw mula sa aking harap.

I can see SMIS with lights meters away and I'm sure there are night classes.

Wala naman akong ginagawa mula nung pagkagising ko ngunit bakit ang tamlay ko?

Buong maghapon akong nasa loob ng kwarto walang ginagawa.

I'm watching the view in front when I heard knocks again.

Hindi ko na yun pinansin dahil sigurado akong si Tita na naman yun. Hindi ko naman nilock yung pinto pero bakit hindi siya pumapasok? Takot siguro yung mga kuripot sa kulay itim noh?

My room was covered by black and gray designs. Mula sa kama, sofa pati na rin cabinet. Yung mat, study table, at book shelves ko lang ang naiiba. I love black, though.

A kiss on my cheek surprised me.

Mabilis akong lumingon and was dazzled by his handsome face.

"B-Babe," I said stuttering.

Our faces are just few inches away. Because of our position, I can clearly see how dashing he is right now. His thick eyebrows and eyelashes which makes his eyes more expressive. His pointed nose and reddish lips.

Shit! Bakit nawala bigla yung tamlay ko pagkakita sa kanya?

"Why are you here?" I tried my best to act normal kahit na sa totoo lang ay nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa mga titig niya. "It's Thursday you're supposed to be in the school...w-with Venice."

Fuck! Does it sound like a jealous one?

Tumaas ang kanyang kilay at nagbaba ng tingin sa aking suot.

His jaw tightened.

Iniwan niya ako sa veranda at pumasok sa loob.

Napakapit ako sa railings dahil para akong matutumba sa seryoso niyang mga titig kanina.

Warm hands touched my shoulders.

Alam kong siya yun.

Pinaharap niya ako.

Nakatiim-bagang siya habang sinusuotan niya ako ng pang-itaas na damit. I was moved by his action.

He's so sweet.

I stayed silent hanggang sa natapos siya sa pagdadamit sa'kin. Tatalikod na sana ako pero agad niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig. Napasandal na ako sa railings. I couldn't move because he's trapping me.

The Sealed Promise [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon