Prolouge

23 0 0
                                    

Alas dose ng tanghali kanina ang dismissal namin sa school at hanggang ngayon alas dose na ng madaling araw e gising pa ako sa harap ng monitor na katitigan ko sa loob ng halos dose oras. Hindi ko rin pansin ang paparating na pasko. Kung nakakapagsalita lang tong salamin ko sa mata at ang LCD screen ng PC ko e kanina pa to nagrereklamo.

Sa unang shift sa eskwelahan ako nabilang kaya half day lagi ang pasok ko. Ganto sa Manila e dami kasing estudyante kaya nakukulangan sa mga schools.

Sa katunayan katatapos ko lang gawin yung mga requirements para sa signage ng mid year clearance na requirements din sa realese ng report cards. Lahat nga ng saken puro computerize. Nakakapagod kaya kung hindi. Sa computer subject pa lang limang copoun bond yung nagamit ko sa kakatype ng tungkol sa Updating a Friend's Record(Update.Java), Deleting a Friend's Record(Delete.Java), at yung mga code pa nun na sobrang hahaba. Sa Analytic Mathematics naman nakalustay ako ng kinseng copoun bond para lang sa Unit IV lessons I hanggang IX. At iba pang subjects na kung ano ano na lang ang pinapaproject.

At ngayon nagiScan na lang ako ng ieexam namin sa 3rd Periodical Exams. Wala akong textbooks ng school. Ganto yun, hinahanap ko ang website ng publisher ng libro tapos hahanapin ko naman yung particular textbook na pinublish nila tsaka ko isesave sa "library" ng PC ko. Minsan naman kapag wala no choice ako, bibili ako ng sariling libro. Ayaw ko bumili ng textbooks e. Tsaka di ko na yan magagamit next school year. Lalo na't graduating student ako. Madami naman akong makukuhaan sa internet ng kailangan ko sa assignments, kung di naman sa mga general references ko sa mga bookshelves ko.

Scanning lang inagawa ko. Halos naman kasi lahat ng nilelesson samin e alam ko na. Panong di ko malalaman e simula pagkabata kahit anong libro ang mga nababasa ko kahit di pa sapat edad ko sa ganung mga libro. Inuulit ulit ko pa. Kaya ayun more than for a high school student ang utak ko.

Marami namang nagsasabing ang galing ko daw sa recitation, quizes, exams, surprise quizes, at kung anu ano pang academic-related thingies. Wala ehh, siyempre tutal marami naman akong nalalalaman kaya naman kapag recitation at quizes sumasagot ako ng tama. Di naman ako tanga para sagutan ng mali kahit alam ko ang sagot. Dagdag pa yan sa grades. Paborito ko pa nga yung Math e.

Minsan naman kapag nabobored ako sa school, ginagawa kong libangan yung mga IQ tests, crossword puzzles, word hunts na mga libro na minsan nabibili ko sa mga bookstores. Minsan naman naglalaro ng Rubick's cube na nabubuo oo rin lang naman ng madalian.

Medyo challanging din sa mga teachers ko kasi minsan nacocorrect ko sila sa nilelesson nila. Minsan nagdedebatehan pa kami. Pero ayos lang daw yun astig nga daw e. Hahaha. Ganun ba yun?

Pero tahimik ako tas halos walang imik sa school. Halos lagi. Sadyang ganun lang ako. Pero hindi naman ako palaiwas sa mga gustong makipagkaibigan. Siyempre open naman ako. Ako lang ang hindi nakikipagkaibigan. Wala lang. Hindi ko yun priority. Haha.

When Love Ruined EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon