Prologue

16 0 0
                                    

"There is no God."


"God is not true."


"I hate myself."


"I hate my life."


"I want to die."


Naniniwala ka ba sa Panignoon? Sa God's will? Sa blessings niya? Masaya ka ba sa buhay mo ngayon? Kuntento ka na ba? PINAPAHALAGAHAN MO BA ANG BUHAY MO?


Ang daming tanong no? Pero, ito last na. KAMUSTA KA NA BA? Palawakin natin yung tanong na, kamusta.


Kamusta? Kamusta na mga kaibigan mo? Kamusta na yung friendship relationships mo? Kamusta na yung family mo? Kamusta na yung puso mo? Kamusta ka na ba?


Maraming tao ang nangangailangan ng tanong na yan. Dahil marami na ring tao sa panahong to na feeling nila nag-iisa nalang sila. Marami rin ang naghihintay na matanong sila, kasi umaasa silang may nag-aalala sa kanila. Meron naman yung naghihintay ng taong magtatanong niyan sa kanila kasi gusto nilang makaramdam ng pagmamahal. Gusto nilang malamang, may nagmamahal sa kanila at hindi sila nag-iisa. Ang totoo naman, never silang naging mag-isa. Never nawalan ng nagmamahal sa kanila kasi laging nanjan lang si God.


May iba't-iba tayong relihiyon. Dahil may iba't-iba tayong paniniwala. At hindi rin lahat ng tao ay naniniwala sa Panginoon. Totoo yan. May mga taong laging nagtatanong kay God ng "Bakit?" "Bakit mo ginawa yun?" Bakit ganto ganyan. Lagi mo siyang kinikwestyon sa mga bagay na hindi umaayon sa kagustuhan mo. Na nagiging dahilan ng paglayo ng loob mo at pagbabago ng paniniwala mo tungkol sa Panginoon.


Nagiging rason yun para lagi mo siyang hanapan ng patunay na kung totoo ba siya. Kahit ilang beses na niyang napatunayan sa iyo. Ngunit, nagbubulagbulagan ka o hindi kaya'y hindi mo nakita dahil ang atensyon mo ay nakatuon lang sa mga problema mo.


PAANO MO SIYA MAKIKILALA?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BLESSINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon