"UNA"

15 0 0
                                    


Kainis naman bakit kasi ang bilis lagi matapos ng summer vacation, yan tuloy nandito nanaman ako sa harap ng math equation nato, hayst! Kainis Wala akong masagot! Magisip kaaaa Gaabbbb!

"Ms. Zuares ang tagal mo naman yata diyan? Balak mo bang mabulok sa kinatatayuan mo?"

Nagtawanan ang buong klase sa sinabing iyon ng teacher ko. Kaya ito muling nadagdagan ang inis ko sa mga numerong nasa harap ko isama mo narin ang mayabang teacher na nagsabi sakin ngayon. Kung bakit naman kasi siya nanaman teacher ko. Kainis malas!

"Wala akong masagot"

Binaba ko ang marker na hawak ko at humarap kay Mrs. Villas na kunot noong nakatingin sa akin at nakataas ang isang kilay. Tila isang dragon na handang bumuga ng apoy para sunugin ako. Hmp! Asa naman akong magpapasunog.

"Hanggang ngayon matapang kaparing pasaway ka!"

Tumaas din ang isang kilay ko sakanya, at sa maniwala ka man o hindi kusa lang nangyare yun. Mukha tuloy akong matapang pero ang totoo kinakabahan at namamawis na ang dalawa kong talampakan.

"Pasensya na, Wala akong maintindihan kesa naman tumayo po ako diyan hanggang mabulok ako Diba po?"

Lalong humigpit ang hawak ng teacher ko sa kanyang libro. Halatang gusto akong batuhin o hampasin ng hawak niya pero alam ko at alam niya hindi pwede iyon. Hayst! Kung alam mo lang Mrs. Villas kahit ako nagulat sa sinabi ko.

"Lumabas ka! Ms. Zuares! And bring all of your stuff outside! Dating gawi kung ayaw mong mapatawag nanaman ang parents mo! GET OUT!"

At tulad ng nangyare last year nasa labas nanaman ako ng room at nagsusulat sa papel na magtitino na ako.

"Leche kang bata ka Wala kanang natututunan palagi! Bwiset!"

Bumuntong hininga nalang ako matapos marinig ang huli niyang sinabi. At hindi paman ako nakakatatlong sulat sa yellow pad ko tinatamad na agad akong ipagpatuloy iyon. Kaya naman yumuko nalang ako sa lamesa ko at tumingin sa malawak na field na natatanaw sa aming building.

Kapagod naman~~

"Nandiyan ka nanaman? First day ng school pinalabas kana. Hanep"

Napapikit ako sa biglang nagsalita. Kainis talaga bakit kasi kilala ako kahit anong anggulo ako naka pwesto. Matang kwago talaga ang peste nato.

"E bat kaba nangingialam? Maglakad kanalang at wag kanang magsalita bwiset kang kwago ka"

"Abuh! Sinong kwago Gabrielle Zuares? Kapal ng mukha ha! Hindi mo ba alam na sobrang pogi ko sikat pako, bulag kaba?"

Walang gana akong nagangat ng ulo at nag unat ng katawan at inaantok na tiningnan si Izeus. Yabang talaga ng tarantado nato.

"Umalis kana Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo, Wala akong panahon sayo hays kainis!"

"Class dismiss"

Bago pa makasagot si Izeus naguunahan ng makalabas ang mga kaklase ko sa room namin pero agad ding huminto ng makita si Izeus na nakangiting peke sa akin. Parang mongoloid

"Ipasa mo agad yan sakin this afternoon kung hindi alam mo na ang mangyayare"

Umirap lang ako sa kanya at agad din naman siyang tumalikod saakin at umalis. Kahit kailan puro talaga problema ang matandang yun.

"Omayyyggoood! Ako ba hanap mo Izeus?"

"Gusto mo ba ako maging girlfriend Zeus?"

"Omayyyggoood ang pogi niya!"

"Hindi ako makapaniwalang nandito siya! "

Walang ganang tinitingnan ko lang ang mga kaklase kong patuloy na nagtatanong kay Izeus sa mga walang kwentang bagay. Pasikat talaga ang kumag na to palibhasa gwapo.

FIRST Where stories live. Discover now