"Good evening people"Masigla akong bumati ng makarating sa dining room namin. Nakita ko namang ngumiti agad si mama na kasalukuyang may hawak ng dinner namin ngayon. At as usual missing in action nanaman si papa, paniguradong nasa farm nanaman ang tambay non.
"Good evening anak mabuti naman at masaya ang araw mo? How's your day mahal?" Excited na tanong ni mama saakin. Kaagad na sumama yata ang sikmura ko sa tanong na masaya ang araw mo haynako kung alam mo lang ma!
"Medyo masaya na Hindi? Parang ganon po" Hindi naman kasi talaga ako sigurado kung masaya ba o hindi. Noong umaga kasi masaya at excited akong papasok pero noong mga sumunod na kabanata ng buhay ko ngayon Hindi na.
"Ganoon ba? E maayos naman ba mga kaklase mo? Last year Mona sa highschool baby! Gagraduate kana! I'm so exited for you r next journey mahal!" Ngumiti nalang ako ng pilit kay mama. Mabuti pa itong nanay ko excited samantalang ako Hindi. Paano mukhang palagi nalang akong mapapa trouble ni hindi konga alam kung gragraduate ba ako na walang problemang dala e hayst.
"Nandito nako!" Pareho kaming napatingin sa kakarating lang na si kuya. Kaagad naman itong yumakap at humalik kay mama habang ako sinamaan lang niya ng tingin. Eh bakit? Sinong tinakot niya!
"Sakto ang dating mo kumain na tayo" masayang sabi ni mama saamin kaya agad na kaming kumain at nag pray. Usually ganito na ang set up namin dito sa bahay simula ng magka isip ako. Palaging Wala si papa dahil nasa Baguio ito at nagaasikaso ng farm namin doon. Samantalang si mama inaasikaso ang mga businesses namin dito sa manila pero kahit na masyado silang busy sinisigurado naman ni mama na makasama kami sa umaga at gabi sa hapag kainan. Samantalang si papa tuwing weekend bumabawi.
"Pasalamat ka at hindi kita sinumbong kay mama kanina" walang emosyong sabi ni kuya habang umaakyat kami ng hagdan papuntang room namin. Sumimangot lang ako bilang tugon sa sinabi nito. "Ano ba kasing ginawa mo?" Sunod na tanong niya.
"Wala, sinagot ko lang naman yung dapat niyang malaman " pag sasabi ko ng totoo, kasalanan ko bang magalit ang teacher nayun sakin?
"Gab, look? Teacher yun dapat sagutin mo ng maayos, alam ko naman na nakakainis minsan yung iba pero dapat ikaw ang mas umunawa dahil paano tayo matututo kung wala sila right?" Panenermong saad ni kuya, malalim naman akong napa buntong hininga sakanya at pinag cross ang dalawang kamay sa aking dibdib na humarap sakanya.
"look kuya? Wala akong ginawa sakanya na nakakabastos, totoo namang hindi ko kayang sagutan yung pinapasagutan niya, hindi ko naman alam na mababastusan siya" Pagsasabi ko ng totoo, ako panga ang nag mukhang hunghang sa klase kanina. Sa isip isip ko.
Napabuntong hininga nalang si kuy, bakas ang pagsukong expression ng mukha saakin. "Fine! Fine! Basta tandaan mo lang na graduating kana, kaya dapat magingat k-" naputol ang iba nitong sasabihin ng may biglang magsalita ilang agwat lang ang pagitan saamin ni kuya.
"Malaki nayang kapatid mo Gabe gurang nayan para sa sermon" at nagsalita ang hindi gurang. Bakit ba bigla bigla nalang pumapasok ang abnoy nato sa bahay namin?
"Isa kapa ang tagal mo bilisan mo kanina kola gustong matapos ang ginagawa ko, at huwag mong kunsintihin ang batang yan " kaagad namang bumaling ang paningin ko kay kuya sa huling sinabi nito saakin.
"A-at sinong b-bata!!" Nauutal ko pang tugon. Bwiset talaga! Tumawa lang si kuya at tuluyan ng umalis papuntang kwarto nito.
"O, kainin mo pangit mong mag blush" Napatingin naman ako kaagad sa iniabot nitong paper bag saakin. Mukhang pagkain ang laman nun. "Para saan naman to?"
Takang tanong ko kay Max, habang ang mukha nito ay walang pake para bang bored na bored sa mukha ko. Ano panga ba ang aasahan kong emosyon sa taong to?