Chapter 16

5K 97 3
                                    

Pagsapit ng umaga ay nagising siya nang maramdaman ang mainit na bagay sa kaniyang tabi. Dahan-dahan siyang dumilat at tiningnan ito at napasinghap nang makita si Gregor na natutulog habang yakap siya, nakadantay ang hita nito sa gitna ng kaniyang hita habang ang isang braso nito ay nakayapos sa baywang niya at ang kabila ay nasa ilalim ng kaniyang ulo na nagsisilbing unan.

Mabagal siyang lumayo at buong pag-iingat na inangat ang braso nito upang alisin pero agad niyang nabitawan nang bigla itong gumalaw at mahinang dumaing.

She gasped sharply when he wrapped his arm tighter around her already exposed waist dahil umangat iyon pataas sa kaniyang dibdib.

"D-Damn." bulong niya at mariing pumikit.

Naalala niyang nanood silang dalawa at nagpasya ang lalaking matulog sa kaniyang bahay pero hindi niya inaasahang tatabi pala ito. Sana ay hindi nalang siya naunang natulog kagabi para alam niya kung saan matutulog ang lalake.

Hindi 'yong magugulat nalang siya ng gano'n!

Nang masigurado niyang malalim na ang tulog ni Gregor ay sinubukan na naman niyang alisin ang hita nitong nakadantay sa kaniya, no'ng una niyang subok ay gumalaw ito ngunit nakahinga siya ng maluwag nang maalis 'yon kahit nahirapan siya dahil sa bigat nito.

Isinunod naman niya ang braso nito at nang mahawi niya ay mabilis siyang bumangon at bumaba mula sa kama. Inayos ang kaniyang itsura at pinagmasdan ang lalake na mahimbing pa ring natutulog.

He's still wearing his clothes from last night.

Should I buy clothes for him?

Ilang sandali ay kinuha niya ang kaniyang cellphone na nasa bedside table at tinawagan si Daisy.

"Good morning, Miss Azari." magalang na bungad nito sa kaniya.

Walang ingay siyang pumasok sa banyo at isinara upang hindi magising ang lalake.

"Good morning, Daisy. Where are you right now?" she asked directly.

"Kararating ko lang po sa restaurant. May kailangan po ba kayong ipagawa?"

"Can you do me a favor?"

"Oo naman po,"

"C-Can you buy me a..." she bit forefinger, nagdadalawang isip kung sasabihin ba niya o hindi. "Clothes for men?"

Natahimik ang kabilang linya dahil sa kaniyang sinabi pero nagsalita rin naman agad ang babae. "Pang-lalaking damit po, Miss?"

Tumango siya kahit hindi nito kita. "Yes."

"Anong klasing damit po, Miss? Color at size na rin po."

Napaisip siya. "A black t-shirts, puwedeng v-neck or long sleeves. Any pants na rin, as long as it's black, white or gray." aniya.

Iyon kasi ang napapansin niyang laging kulay ng suot ng lalake.

"About the size," inaninag niya mula sa labas ang lalake kahit imposible naman niyang makita. "H-He's six feet tall kaya h-hindi ko alam ang exact size niya." lutang niyang anas.

"Six feet tall? Sige po, Miss. I'll be there in thirty minutes po." agad na payag ni Daisy sa kaniyang hinihiling na pabor.

Pagkatapos ng tawag ay napahilamos siya.

"Anong six feet tall? Tanga mo, Azari." asik niya sa sarili.

Gregor is really tall, napansin na niya 'yon noong una niyang masilayan ito. Sumang-ayon naman ang pagiging masculine ng katawan nito kaya bagay sa lalake ang pagiging matangkad.

Thank goodness that I am 5'7 or else I'll look like a damn dwarf.

Naghilamos siya at nagsipilyo muna, pinunasan ang kaniyang mukha bago lumabas ng banyo. Lumitaw ang ngiti sa kaniya labi nang makitang hindi pa rin gumigising ang lalake.

Vengeance Seized Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon