Chapter 32

6.2K 149 25
                                    

"Iiwan ko po muna si Calli rito sa bahay dahil papasok ako sa restaurant ngayong araw. Nag-text kasi si Uncle na kailangan kong kausapin ang staffs lalo na si Daisy para malaman nilang nakabalik na ako."

She stated while combing Calli's hair.

"Hindi ba nai-anunsyo ni Chris ang tungkol sa bagay na 'yan?" tanong ni Sally nang makalapit sa kaniya at nilahad ang hair ties.

Tinanggap niya ito at itinali ang buhok ng anak. "Nasabi na po niya kaya kailangan kong pumunta para alam nilang simula ngayong araw ay ako na ulit ang magha-handle sa restaurant. Baka kasi magtaka sila kung bigla nalang ako sisipot do'n."

"Oh, sige. Ako na ang bahala sa apo ko."

"Salamat po, Nanang Sally. Uuwi naman po ako ng maaga."

"Walang problema."

Pinatayo niya ang anak paalis sa vanity mirror at pinaharap sa kaniya, yumuko siya upang makita ito ng maayos. "Calli, I want you to behave, okay? Momma is going to work today so I'll leave you with Nanang Sally for the meantime and I'll be back soon. Don't be scared, she's very kind. She'll take care of you."

"Okay, Momma."

"Wala bang bawal na pagkain sa kaniya, anak?" Sally asked.

She stood up properly and pulled down the hem of her nude-colored skinny pencil mini dress that has crisscrossed lace on the left thigh before she finally looked at her.

"Wala naman po pero hindi ko po siya masiyadong pinapakain ng matatamis."

"Mas mabuti na rin dahil nakakasira ng ipin."

"Kaya nga po."

"But I always brush my teeth, Momma." Calli interrupted with her pouted lips.

"I know, baby. But cavities can spread fast in your teeth even if you brush it thrice a day. The small pieces of sweets left in your mouth can turn into cavities. Do you you still want it?"

Mabilis itong umiling. "I want my teeth complete and white, Momma."

"Good," she chuckled. Ibinalik niya ang tingin sa matandang babae. "Aalis na po ako, 'Nang. Kung may kailangan po kayo sabihan niyo nalang ako, na-save ko naman ang number ko sa cellphone niyo kagabi kaya puwede niyo akong tawagan kahit anong oras."

"Oh, siya. Humayo ka na at baka ma-traffic ka pa sa daan."

"Sige po," she looked down at Calli. "Aalis na ako, remember everything I said. Okay?"

"Opo." she nodded.

Yumuko siya at hinalikan ang buhok nito.

"I love you."

"I love you too, Momma. Take care po."

"I will."

Paglabas niya ng mansiyon ay agad niyang nakita si Nikko na nakangiti habang nakatayo sa tabi ng kaniyang sasakyan.

"Magandang umaga po, Ma'am Azari." masigla nitong bati.

She can't help but to smile back, na-miss niya ang presensya ng mga taong kasama niya noon, ibinigay nito ang susi na kinuha naman niya.

"Good morning din, Nikko."

Pinagbuksan siya nito ng pintuan sa driver seat kaya lumapit siya at tumayo sa tabi ng lalake.

"Oo nga pala, I haven't seen Wendy mula kahapon. Nasaan siya?" tanong niya nang matantong hindi nga niya nasilayan ang mukha ng babae.

"Ah, si Wendy po? Naging sobrang busy po 'yon sa klase niya lalo na ngayong graduating student na siya."

Vengeance Seized Soul (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon