Kabanata 32

44 6 19
                                    

This chapter is dedicated to @mareekasa along with her story You are my Home

"P--pasensya nga pala kanina, nabigla lang ako sa sinabi mo. Okay ka lang ba?" Binasag ni Shieldon ang katahimikan sa pagitan namin.

Nakagat ko na lang ang labi ko at mabilis lang siyang sinulyapan. "Oo, okay lang, pasensiya na din."

Pero nahagip pa ng mata ko ang bahagya niyang pagngisi bago ko muling itinuon ang tingin sa labas.

"Ang pula ng mukha mo. At saka paano mo pala naisip ang bagay na 'yon ha?" tanong niya habang medyo natatawa pa.

Kaya muli ko na namang ipinikit ang mga mata ko habang ngumingiwi. Para akong maiiyak sa sobrang kahihiyan at gusto ko din sanang tuktukan ang ulo ko ng mga oras na iyon.

"Pwede bang h'wag na nating pag-usapan 'yon." Hindi ko napigilang mapailing. "Resulta lang siguro ito ng pagkapuyat ko kagabi, hehe."

"Ah, pasensya na. Hindi ko kasi mapigilang hindi ka isipin kagabi."

"Grabe! Pakiramdam ko para akong isang saranggola na pumailanlang paitaas at banayad na inililipad ng malamig at malamyos na hangin." At may mumunting ngiti na namutawi sa labi ko.

ILANG ORAS PA ang lumipas ay lulan na kami ng isang bangkang de motor. Sa palagay ko ay marami pang pwedeng sumakay dito pero bakit parang kami lang iyong pasahero?

Natigilan na lang ako sa pag-iisip nang maramdaman na may kung anong tela ang bumalot sa aking likuran.

Napalingon ako, inalis pala ni Shieldon ang kaniyang coat at ibinalot iyon sa likuran ko.

"Malamig ang hangin, baka sipunin ka. Wala ka bang panali sa buhok mo?" biglang tanong nito.

Napansin niya siguro ang panay-panay kong paghagod sa buhok ko at ang paghawak ko doon paipit sa kanang leeg ko.

"Ah--oo, meron ata dito sa bulsa ng bag ko." Sabay dukot ko doon sa isang itim na hair tie.

Akma ko na sana iyong ipupuyod sa buhok ko ng bigla iyong kunin ni Shieldon sa kamay ko. Napalingon pa ako sa kaniya pero marahan niyang ibinaling ang ulo ko sa harapan.

"H'wag kang malikot, ako na lang magtatali ng buhok mo."

Marahan niyang hinagod ang buhok ko at ang mga hiblang nakayukyok sa mukha ko ay kaniyang inipit sa tenga ko at inipon ang mga iyon sa may bandang batok ko at saka dahan-dahang tinalian ang buhok ko.

Ramdam ko ang mainit niyang balat na dumadampi sa may batok ko na nagbigay muli sa'kin ng kaunting kiliti.

Pagkatapos ay lumipat siya ng pwesto at umupo sa harapan ko at may dinukot siya sa bulsa no'ng coat.

Nakita ko ang isang sunglass sa mga kamay niya na unti-unti naman niyang inilagay sa mata ko. Tamang-tama ito dahil malapit na akong maiyak sa hanging dumadampi sa mga mata ko.

"Wow! You look gorgeous!" sabi pa niya pagkatapos mailagay iyong salamin sa mata ko saka malapad na ngumiti at kinuha niya rin iyong salamin na nakasabit sa may ulunan niya at inilagay na rin sa mata niya.

"Salamat." Ang tangi ko na lang nasabi.

Natouch ako sa ginawa niya, feeling ko tuloy safe na safe ako sa lahat ng anumang panganib dito sa mundo basta kasama ko siya.

Nginitian ko siya at nagkatitigan kami kahit na parehong natatakpan ng sunglasses ang mga mata namin, alam kong pinagmamasdan namin pareho ang isa't-isa.

Malapad din itong nakangiti sa'kin at ramdam ko sa mga ngiti niyang iyon ang totoong kasiyahan.

Kung wala akong sunglass ngayon, baka kanina pa akong nakayuko at hindi kayanin ang mga titig nitong nakakatunaw at nakakalambot ng puso.

Deepest Love Of AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon