7.∞Engraved∞

23 3 0
                                    

Hindi makalimutan ni Kat-kat ang nangyari sa kanila kahapon

Lalo na yung kiss...

"Waahh!!! Nawala na yung first kiss ko!"

Nagdadabog si Kat-kat ng pabalik-balik mula sa kanan hanggang kaliwa na akala mo ay pinatayan at hindi matanggap ito

"Waaahhhh!!!"

Naglulumpasay sa sahig na parang baliw

Sinalampak niya ang katawan sa kama na parang bang nasestress sa nangyari

Tumayo siya at pumunta sa harap ng salamin

"Kahapon pa yun Katherine!"

Sabi niya

"E kahit na kahapon pa yun, hindi ko parin makalimutan!"

"Kahapon pa yun diba? Tsaka bakit big deal yung kiss sayo?"

"First kiss ko yun noh?!"

"Hello? It was just an accident! Tsaka, hindi naman yun counted!"

Nagising si Kat-kat sa kanyang kabaliwan, eh paano ba naman? Kinakausap ang sarili sa harap ng salamin

"Waaahhh!!! Para kang luka diyan Katherine!!! Anong mukha ang ihaharap mo sa kanila? Sa kanya mamaya- teka, anong oras na pala?"

Tiningnan niya ang wall clock

6 o'clock na?!

Hala!!!

Kumaripas pababa si Kat-kat ng makasalubong niya si Nanay Meding

"Nay, punta muna akong park ah? Bye!"

Bago pa makasagot si Nanay Meding ay tumakbo na palayo si Kat-kat

'Ganon ba ka tagal ako naging baliw at hindi ko na pansin ang oras?'

Tanong niya sa sarili habang tumatakbo

Ng makarating siya sa park ay hinahanap ng mata niya ang mga kaibigan niya, ngunit wala ang mga ito pero may nakita siyang pamilyar na anino sa puno kung saan ginanap ang 'kasal' at unang pagkikita nila ni Dan-dan

Lumapit siya sa puno at unti-unting naaninag ang mukha

"Dan-dan?"

Napaharap ang batang nakaupo sa kanya at si Dan-dan nga iyon

Napatakbo si Dan-dan sa kanya at niyakap ito na ikinabigla ni Kat-kat

"A-ah..."

Hindi alam ni Kat-kat kung ano ang sasabihin niya

Nang bumalik sa katinu-an si Dan-dan ay napabitaw si siya sa pagkayakap niya

"S-sorry, na b-bigla l-lang kasi ako, hehe"

Napakamot nalang ng ulo si Dan-dan dahil sa kahihiyan

"Ahh, teka, san yung iba? Bat ikaw nalang ang nandito? Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Anong oras na-"

"Hep! Tama na muna yang mga tanong mo, hina ang kalaban and to answer your questions, umuwi na yung iba, ako nalang ang nandito dahil hinintay kita, nagpaalam naman ako kina mama, tsaka 6:15... ano? Satisfied? Hahaha! Alam mo! Ang cute mong mag-alala"

Piningot niya ang dalawa pisngi ni Kat-kat

"Aray!! Mashaki- aww!"

"Haha!"

Get you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon