Muli, nagkita ang dalawa
"Kat, sama ka sa bahay "
Tila nagulat si Kat-kat sa sinabi ni Dan-dan
"H-ha?"
Hindi maka paniwala si Kat-kat sa sinabi ni Dan-dan
"Punta ka nga sa bahay, tara na!"
Hindi pa naka sagot si Kat-kat ay hinila na siya papunta sa bahay nila Dan-dan
'Wow! Ang laki ng bahay!'
Sabi niya sa isip
Pagpasok nila sa bahay ni Dan-dan ay...
"Good afternoon master Ken"
Bati ng mga kasamabahay, at driver ng pamilya nila
"Good afternoon din po"
Bati pa balik ni Dan-dan
'Master Ken? Sino yun?'
Pagtatakang tanong ni Kat-kat sa kanyang sarili...
"Ako yun, halika, pakilala kita sa kanila"
'Mind reader ba to?'
"Mga ate, kuya, si--"
Naputol ang sasabihin ni Dan-dan dahil kay Kat-kat
"Ako nga pala si Lene"
'Lene' ang tawag sa kanya ng mga kasambahay sa kanila o 'Senyorita Lene' maliban sa kanyang Nanay Meding
"Good afternoon master Lene"
Sabi ng mga trabahador
"Ah, huwag na po yung 'master'--"
"Pabayaan mo na sila, ganyan din ako nun, pero nasanay na"
Pabulong na sabi ni Kat-kat kay Dan-dan
"Mga ate at kuya, pwede na kayong umalis"
Pagkasabi nun ay umalis ang mga trabahador sa harap nila at
"Anaaaaaakkkkk!!!"
Sigaw ng isang babaeng matinig ang boses na tila naka-lunok ng megaphone na mula sa ikalawang palapag ng bahay nila
Nappatabon naman si Kat-kat ng kanyang tenga habang natatawa sa reaksyon ni Dan-dan, it was priceless!-_-
"Kat, pasensya kana sa nanay ko ah? Ganyan talaga siya, umagang-umaga, mala-machine ang bunganga--aray!"
Daing pa ni Dan-dan nanh batukan siya nang nanay niya
"Anong mala-machine gun ang sinasabi mo sa magandan batang ito? Ikaw na bata ka"
Sabay pingot ng nanay niya ang tenga niya kaya't napatawa si Kat-kat
"Aray--! Ma--aray!"
"Kung ano ang sinasabi mo"
Sabay bitaw ng tenga niya namumula
"Ma naman eh, nakakahiya kaya"
"May hiya kapa palang natira?"
"Naman ma"
Napatawa nalang si Kat-kat sa inasala ng mag-ina sa unahan niya na kung mag-usap ay parang magbarkada lang
"Tss.. nakung bata ka! Magkakawrinkles ako ng maaga dahil sayo! Teka nga, pakilala mo sa akin ang napakagandang batang ito"
Tila yata may pinagmanahan si Dan-dan sa pagiging bolero niya
"Ma, si Kat-kat nga pala"
Pagpapakilala ni Dan-dan kay Kat-kat sa mama niya
"Hello po"
"Hello rin Kat-kat, napaka gandang bata mo naman, tawagin mo nalang akong Tita Carol"
"Ah, salamat po tita Carol"
Nahihiyang sabi ni Kat-kat sa ina ni Dan-dan
*KREEEKKK*
May narinig silang pagbukas ng pintuan
"Papa!"
Tumakbo si Dan-dan at niyakap ang isang lalaki na naka Americana
"Raylan, napa aga ka"
Sabi ni Carol sabay halik sa pisngi ng asawa
"Syempre namiss ko kayo"
Sabay nagfist bump ang mag-ama
Napabaling ang tingin ni Raylan sa batang nakatayo sa gilid
"Oh, sino naman ang napaka-gandang batang ito?"
'Nasa dugo talaga nila ang bolero'
Sabi ni Kat-kat sa kanyang isip
"Raylan, si Kat-kat, Kat-kat ang papa ni Ken, si tito Raylan mo"
"Hello po!"
"Hello Kat-kat"
Pagbati ng dalawa sa isa't-isa
"Osya, may hinanda akong meryenda, mga anak sunod na kayo ha?"
Sabi ni Carol sa dalawang bata na nauna na si Carol at Raylan sa kainan nila
Nilibot ni Kat-kat ang tingin niya...
May napansin siyang isang bagay
"Dan, diba picture yun natin?"
Turo niya sa nakasabit na frame sa dingding na bahay
"Ah.."
Napakamot na lang ng ulo si Dan-dan sa kahihiyan
Nagtingin rin si Kat-kat sa pang mga litrato. Napansin niyang marami silang family picture napuno ng saya sa kanilang mga labi
'Buti pa pamilya ni Dan-dan, masaya, eh akin?'
Napatungo si Kat-kat habang pinipigilan ang pagtulo ng kanyang luha
"Kat, kain na tayo"
Yaya ni Dan-dan kaya sumunod ito sa kanya
Habang kumakain sila
"Kat, san ang mga magulang mo?"
Biglang tanong ni Carol
"Umm..."
Umiling nalang si Kat-kat
"Wala na sila?"
Tanong ni Raylan
"Hindi po... Wala po lagi sila dito. Umuuwi lang sila pag may mga occasion"
Kahit bata pa si Kat-kat, ramadam niyo ang pangungulila sa mga magulang niya
Namumuo na ang mga luha sa mga mata niya
Naramdaman niyang inangat ang kanyang mukha
"Ano ka ba Kat, huwag kang malungkot ok? Dibale, kami muna ang gawin mong mga magulang habang wala ang mga magulang mo"
Ngumiti si Kat-kat sa sinabi ni Carol sa kanya
Niyakap siya nito at sumunod din si Raylan at Dan-dan sa pagyakap
Nung mga panahong iyon, ay naramdaman ni Kat-kat ang magkaroon ng pamilya
__________
This is not yet the main plot of the story kaya po sorry kung sabaw..
Keep reading po! Comments and votes are very much appreciated