8

1 0 0
                                    

2022-July

Dear Pag-ibig,

Pitong taon na ang nakaraan noong huli akong sumulat sa'yo. 2022 na ngayon.

Andaming nangyari. Mga pangyayaring hindi ko akalain at inasahan.

Pag-ibig, tama nga siguro ang iba na hindi ka dapat hinahanap. Bigla ka na nga lang dumarating, madalas di mo na namamalayan.

Pag-ibig, masakit pa rin pag inaalala ko.

Napalapit ako sayo at tayo ay naging magkaibigan. Hindi sa magka-ibigan pero ilang beses ka nagparamdam pero ako si manhid, winaglit lang ang iyong paramdam. Umibig ka ng iba, Pag-ibig. Kaya bilang kaibigan nanatili ako sa yong tabi.

2 taon ang lumipas noong una tayong nagkakilala. Isa ka na sa piling tao na naging angkla ko sa realidad ng buhay. Damayan. Kaibigan. Constant.

At noong handa na akong harapin ang aking nararamdaman, naipangako mo na ang sarili mo sa iba, Pag-ibig.

Hindi pala tayo para sa isa't isa, Pag-ibig.

Masakit.

Nasaktan,

Ana

P.S. Pag-ibig, handa na ba kitang harapin muli?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon