Bakit may mga panahon na iniisip kita? Tulad ngayon. Ikaw lang ung iniisip ko. Iniisip ko kung bakit ko pinakawalan ang isang tulad mo. Tanga ko no? Its almost 3years na pero ito ako mukhang tanga lang. Umaasa. Umiiyak. Na sana pinahalagahan kita. Sorry ha. Kasi nung lumayo ka, doon ko sya narealize. Nasa huli nga ang pagsisisi. Naniniwala nako.
E bakit may mga panahon na parang wala lang sakin ikaw. Pero ngayon, umiiyak ako dahil sayo. Di ko alam kung bakit pero di naman naging tayo. Tanga ko e. Sobraaaaaaaaaang duwag ko kasi. Natatakot ako na malaman mo.
Natatakot ako na subukan.
Natatakot ako maaaktan.
Natatakot ako na pagtaksilan.
Natatakot ako na di ka makuntento sakin.
Natatakot ako na di ako sapat sayo.
Oo. NATATAKOT AKO. Nadala ako ng takot na yan. Kaya eto ako ngayon luhaan. Nagsisisi. Wala naaa. Andito na. Wala ng balikan. Dipa naiimbento ung time machine e kaya magdusa ako. Sobrang dami kong kinakakatakutan kasi sa sobrang dami kong napanuod at nasubaybayan na buhay ng tao. Siguro nagplaying safe lang ako kaya lumayo ka. Di ko naman sinasadya na saktan ang damdamin mo. Pero di ko talaga maovercome itong takot ko. Sobrang baba na tuloy ng tingin ko sa sarili ko. Kasi kung titignan mo ang sarili ko. Palangiti, masayahin, goodvibes palagi, mahilig magjoke kahit korni pero may mga bagay akong kinatatakutan at kahinaan. Wala akong lakas ng loob na gawin ang mga bagay bagay na napapanuod ko sa pelikula kaya sorry. Depende naman kasi sa writer yun kung paano niya gustong tapusin ang istoryang ginawa nya. Its either a happy one or a tragic one. Pero in true life, si God ang writer ng bawat nating istorya kaya dapat never nating kwestyunin si God sa mga bagay bagay na sa tingin mo ay nalugmok ka at aakalain mong di kana makakatayo pero ito pala ung way para maging mabuti kang tao. Kaya maybe not now pero I think that time goes by na makakamove on din ako at ikaw. Kaya smile and wait for that moment.
BINABASA MO ANG
Time will heal all the pain
Короткий рассказMaybe its not the time but it will be someday.