Chapter 5

4 1 0
                                    

"Bakit ka pa ba nandito? Anong Akala mo sa'kin, heart to get? No, kuya ah" Diretsahang Saad ko. Nag papaumhin Naman itong tumingin saakin

"Hindi naman po Ms... Kanina pa kasi akong nakikita na mga lalaki na tumitingin sa hita mo..." Napatigil Naman Ako sa sinabi niya. Kanina pa ba Ako nababastos? Gosh!

"Anong connect?" Mataray ko paring Saad. Nag kamot Naman ito Ng ulo

"Narinig ko Kasi Sila na nag uusap na kesyo daw Wala Kang boyfriend, kaya it-try daw nila na anuhin ka.." Binasa ko Naman Ang ibabang labi ko dahil sa narinig. Tanginang mga lalaki 'to

"Dahil ba sa suot ko?" Tanong ko at tinignan siya. Agad itong umiling. Naka suot lang Kasi Ako ng white skirt at kulay baby blue na v-nech cropped sweater.

"H-hindi ah! Mata at utak na nila Ang problema Hindi Ang suot mo! Hindi kasalanan Ang kasuotan para lang mabastos.." Namula naman Ang pisngi niya Ng Makita niya na nakatitig Ako sakanya. Napangiti Ako Ng bahagya sa sinabi niya.

"Fine, pwede mo na 'kong kausapin" Napahawak Naman Ako sa bibig ko para pigilan Ang tawa dahil mukha na siyang tomato, pulang pula Ang kayang mukha. Morena siya at halatang nag g-gym din ito. Matangos rin ang ilong niya, Ang mga Mata niya namang kulay kayumanggi. Bumaba Naman Ang tingin ko sa labi niya na halos mahiya hiya Ang aking labi dahil sa dry jto. He has kissable sexy smooth cupid's lips. What was his name? What was the girl screaming in the bed? Napa iling nalang Ako dahil sa naiisip. Itigil mo Ang kalaswaan sa isip mo Eloise

"Okay ka lang? Kanina ko pa napapansin na naka tingin ka sa labi ko" Napalunok nalang Ako sa sinabi niya. Ano ba kasing nasa isip ko? Syempre Wala!

"ah wala" Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa mga taong
nag lalakad. Ramdam ko parin ang titig niya saakin. Tigilan mo 'yan pakiusap, mabilis akong ma-attach

"A-anong pangalan mo?" Pag sasalita ko sa kalagitnaan ng katahimikan

"Francis lang po Ma'am!" Natawa nalang ako dahil sa pag bigkas niya. Nag mukha akong masungit na teacher

"Drop the po Mr. Francis lang po Ma'am" Pabiro kong Saad sakanya. Tumikhim naman Ako ng Hindi ko siyang narinig na tumawa. Second hand embarrassment....

"Hala..." Tumingin Ako sakanya dahil sa biglaan niyang bigkas. May gulat sa mukha Neto, na para bang naka kita Ng multo. Naka turo rin Ang isang daliri niya saakin.

"Tumawa ka!" Hindi makapaniwalang Saad niya. Napalaki nalang Ako Ng Mata Nung tumayo siya lumapit sa ibang tao na tumawa na'ko

"Hoy! Tigil mo 'yan!" Suway ko sakanya at lumapit para hilain siya pabalik sa inuupuan namin. Walang hiya kulang nalang mag pa-fiesta

"Tumawa ka..." Hindi parin makapaniwalang Saad niya. Tumango lang Ako sakanya

"Hindi naman ako cold girl na mysterious" Biro ko uli. Ngumiti lang ito. Mag sasalita pa sana siya kaso may bumato sakanya ng isang... Ice candy? Oo, isang ice candy

"Sino ka?! Lubayan mo si Eloise ko!" Nanlaki nalang ang Mata Kong tumingin sa nag salita at bumato Kay Francis. Si Hester, may hawak hawak na isang plastic na puno ng ice candy. Patakbo Naman akong pumunta sakanya para pigilan siya sa balak niya

"H-hester.. Hindi siya masamang tao!" Kinuha ko Ang kamay niya ngunit masama niya Kong tinignan. Huminto ito at humarap saakin

"Tigilan mo ko Eloise! Dinadaan ka lang niyan sa ganyan, tapos ano? May masamang balak Pala!" Umiling nalang Ako. Huli na Ang lahat sinasabunutan niya na si Francis, marami na ring tao ang nakikinood. Nakakahiya

""Sorry" Pag hingi ko ng paumanhin Kay Francis. May hawak na itong yelo na dinadampi niya sa panga at ulo niya, may tissue na rin sa ilong niya.

"Okay lang" Ngumiti ito pero nauwi rin sa ngiwi. Lumapit Ako sa tabi niya at kinuha Ang yelong hawak niya at Ako na mismo Ang nag dampi

"Ako n-na.." Ngumiti Ako sakanya.

"nu-uh, Ako na" Hinawakan ko pa Ang panga niya dahil Todo iwas siya tuwing dinadampi ko Ang yelo. Ilang dampi pa Ang ginawa ko bago Ako makaramdam Ng awkwardness. Parehas kaming Natigil at nag tinginan. Gusto Kong umiwas sa titig niya ngunit tuwing sinusubukan Kong umiwas ay Lalo lang akong napapatingin dito.

"Moment niyo?" Parehas nman kaming napaiwas ng tingin. Binalik ko na ang yelo sa kanya at nag lakad papunta Kay Hester na ngayon ay naka Tayo habang naka pameywang na ito.

"Mag sorry ka" Bulong ko sakanya pag dating ko sa harap niya. Inirapan niya lang ako. Matigas nga Pala Ang ulo Ng isang 'to

"Mag so-sorry ka o Hindi ko ibibigay number Ng pinsan ko?" Nanlaki Ang Mata niyang napatingin saakin. Nilabas ko Ang cellphone ko at pinakita sakanya Ang number Ng pinsan ko

"Ay! Sabi ko nga, ito na ito na" Sinundan ko Naman ito Ng tingin. Pumunta siya sa harap ni Francis at narinig ko siyang humingi Ng paumanhin. Napailing nalang Ako sa sinagit ni Hester pag tapos sabihin ni Francis na "okay lang"

"ok lang pala siya te eh" Napa buga nalang Ako Ng hangin dahil sa sinabi ni Hester pag balik sa harapan ko. Wala na Kong ibang choice kaya binigay ko nalang yung number. Bumalik na ko sa pwesto ni Francis

"Possessive much kaibigan mo ah" Maliit na ngiti lang Ang naibigay ko sakanya

"Mas bata Kasi Ako sakanya Ng 6 months" Tango tango Naman Ang ginawa niya

"August ka?" Gulat ko siyang tinignan. Tumawa lang siya sa reaksyon ko at tinuro ang wrist ko. Tumingin naman Ako dito. Halos masampal ko naman Ang sarili ko dahil may maliit na tattoo Ako na poppy flower sa pulsuhan ko.

"hmm... Yes" Mahina Kong Saad.

"Scorpio" Tumango Ako sakanya. Not compatible

"Hester! Babes Eloise!" Sabay sabay Naman kaming napatingin sa tumatakbo na si Remi papunta sa direksyon namin. Mabilis niyang nilagpasan si Hester na nag hihintay para yakapin siya. Dumiretso ito saakin at mabilis akong niyakap

"Okay lang ba Ang aking babes?" Tumango nalang Ako dito at pilit timatanggal ang kamay niyang nakapulopot saakin

"O-oo, alis" Hindi comportableng Saad ko. Tinanggal niya Naman kaagad ang kamay niya.

"Sino 'to?" Mahinang bulong niya habang na ka tingin Kay Francis

"Siya iyon..." Nagets niya Naman Ang sinasabi ko at hinarap niya agad si Francis para mag sorry. Nag tataka akong sinulyapan ni Francis

"Ay! Remi si Francis, Francis si Remi" Nag shake hands Naman Ang dalawa. Ilang minuto pa ang naka lipas bago kami mag paalam sa isa't Isa

End

Napangiti nalang Ako sa kawalan Ng maalala ko iyon. Mga panahong Akala Kong maayos pa. Tumayo nalang Ako Mula sa pagkakahiga sa sahig at naisipan nalang na linisin Ang mga kalat. Sinimulan ko Ng walisan Ang mga bubog na nagkalat.


EloiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon