"Eloise? Are you okay? Saan ka? Gusto mo puntahana ka namin?" Sunod sunod na tanong ni Hester.
"Huwag na, okay lang Ako" hindi, hindi ako okay. Binaba ko kaagad Ang tawag pag tapos Kong sabihin iyon. Tinaas ko nalang ang tingin ko dahil nag sisilabasan nanaman Ang mga luha ko.
Kasal... Kasal Ang una Kong naisip. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko para tawagan siya. Ilang ring palang ay sinagot niya na. Huminga Muna Ako Ng malalim bago mag salita
"H-hon asan ka?" Pinunasan ko naman ang luhang tumulo.
"Office, why?" Saad niya ngunit may narinig akong haling-hing Ng isang babae. Prinoseso ko Muna sa utak ko ang narinig. Hindi, Hindi to totoo
"Hon?... A-asaan ka?.." Pumikit Ako at kinukumbinsi Ang sarili na nasa office lang siya. Hindi niya magagawa ito. Walang sumagot. Katahimikan Ang namutawi. Dinilat ko Ang Mata ko at tinignan Ang screen, naka on pa rin ito
"Hon?" Lalong nag sihulugan ang mga luha ko. Napa hawak nalang Ako sa aking labi para pigilan ang pag hikbi ko. Karma.na ba 'to sakin? Ito na ba Ang parusa ko? Parehas lang ba kaming hindi tapat sa Isa't Isa?
"I'm sorry..." Pag tapos niyang sabihin yon ay pinatay niya na Ang tawag. At sa pag kakataong ito Hindi ko na pinigilan ang mga luhang gustong bumaba. Hindi ko aakalaing na gagawin ko ang kinakatakot ko na gawin saakin. Pero nag Loko rin siya!
Tatapusin na dapat namin ni Francis Ang lahat bukas. Maling Mali Ang desisyon na ito, sana ay ako na ang umiwas. Iyong taong nag papasaya Kay Mama ay kinukuha ko. Ako na mismo ang nanakit Kay Mama na dapat ay hindi. Ako dapat Ang nag mamahal, Hindi Ang nananakit
Hindi ko pwedeng sabihin na Hindi ko 'to sinasadya dahil sa una palang ay desisyon Ko na ito, pinilit kong Hindi maging tapat. Hiniga ko Ang sarili ko sa kama at Lalong umiyak
Tumingin Ako sa kisame ng maramdaman ko na wala ng lumalabas na luha. Pano ako napunta sa puntong ito? Bakit sa lahat Ng desisyon ko, ito pa iyong pinili ko? Si Francis lang yung taong nakakapagpasaya sakin, bukod sa kaibigan ko. Simpleng ngiti niya lang ay mapapangiti ka na rin. Gusto ko lang Naman sumaya eh, pero hindi ko naman alam na magiging ganto sa dulo
Mapakla akong natawa dahil sa bagong naisip tungkol Kay Vince (fiance). Magpapakasal kami ng hindi ko pa na-m-meet Ang parents niya? Ang lagi niya lang na sinasabi ay sa sunod. Ayaw niya ba o may tinatago pa siyang iba?
"Punyeta" Malutong kong mura. Gabi na pala kaya naisipan kong wag munang umiyak ngayon kasi sayang ang skin care ko. Nag half bath Muna Ako at Hindi na naisip Ang mga nangyari ngayon.
Lumabas muna ako para mag pahangin. U-unti nalang ang mga taong nasa labas. Huminto Naman Ako sa isang karinderya. Sakto ay gutom na rin Ako kaya Wala na Kong choice kung Hindi kumain dito
"Adobo po Isa tas isang sisig, tas dalawang kanin po" Kumilos Naman din kaagad yung babae. Nag hanap Muna Ako Ng upuan na malapit sa labas at umupo na. Kakaupo ko palang ay nilagay na agad ni ate Ang order ko. Nag pasalamat nalang Ako at nag umpisa nang kumain
"Magkano po?" Sinimulan Naman ni ate Ang mag compute sa mga inorder ko
"105 po lahat" Nakangiti itong humarap sakin. Kinuha ko Naman Ang wallet ko at nag bayad na. Bumalik na ko dahil u-unti nalang ang tao na nakikita ko. May nakita Naman akong bukas na tindahan at bumili Ako Ng ice cream
Bumuga Ako Ng hangin bago ko kinain Ang ice cream na hawak ko. Nag lakad na ko Ng tuluyan. Nag iisip kung Ano nang gagawin ko bukas, sa sunod na araw? Hindi pwedeng mag mukmok lang Ako sa kwarto dahil Hindi lang din Naman Ako Ang nasasaktan
Ilang araw makalipas
"Baliw" Saad ko sa sarili ko dahill Anong araw na at Hindi pa rin Ako nag papakita sakanila. Nag plano pa Ako tas Hindi ko rin naman Pala gagawin.
Nag kukulong sa kwarto, habang iyong fianc- ex fiance ko Naman nag send Ng letter na itigil na daw namin, Ang gagawin niya nalang daw ay Sila nalang Nung girl niya yung ikakasal para daw Hindi sayang. Ngudngod ko pa pag mumukha niyong mga animal kayo eh! Nasasaktan Ako dito tas siya Naman na nag cheat din parang walang nangyari? Sapukin ko kaya ulo nun!
"gurl kaya mo 'to!" Pag papalakas ko sa sarili ko. Tumayo na ko sa kama ko kaso dumaosdos uli Ako pabalik sa kama. Hindi ko pa pala kaya. Ano Naman kasing mukha ang ihaharap ko sakanila? Okay sana kung apat Ang mukha ko eh.
Gusto ko uling umiyak kaso naalala ko masyado palang mahal yung skin care ko. Sabi ko Kasi 7 years ago self love ako eh, kung sana Hindi Ako malandi Nung araw na yun edi sana Hindi Ako masasakatan, walang masasakatan. Punyeta
"Oh ano? Masakit Diba? Landi mo kasing putangina ka eh" Gigil na kausap ko sa sarili ko. Nababaliw na nga ata ako. Iiyak na ba 'ko? Ang sagot ay hindi.
Sinong tanga naman kasing gagawa ng desisyon ta's masasaktan? Edi Ako!
Sinampal ko nalang Ang sarili ko para matauhan. Napangiwi Naman Ako dahil mukhang nasobrahan Ang lakas. Deserve. pero mas deserve pag nasapok ko rin ulo ni Vince, hindi pwedeng ako lang masasaktan dito 'no!
Lakas loob akong tumayo. Sapagkakataong ito ay hindi ko nalang inisip ang higaan ko. Inamoy ko Naman Ang sarili ko. Medjo may amoy na. Ang Sabi broke bakit naging unhygienic naman na ata?
Ilang beses akong napangiwi sa sarili ko habang nakatingin na sa salamin hindi mo mawari kung tao pa ba 'to o hindi na eh. Sabak sabak pa kasi sa relasyon, Ayan tuloy iiyak lang sa huli
Wala akong nagawa kung hindi maligo nalang. Binuksan ko na Ang shower. Unang dampi palang Ng tubig ay napa iwas na ko. Ang lamig ng tubig parang siya. Mahina ko namang binatukan Ang sarili dahil sa kalokohang naisip
"Broken Ako hindi baliw" Iiling iling Kong Saad sa sarili ko