Preview
Robbie Lopez
December 24, 2007
Hark! The herald angels sing
Glory to the new-born king
Peace on earth and mercy mild
God and sinners reconciled
Joyful all ye nations rise
Join the triumph of the skies
With angelic host proclaim
Christ is born in Bethlehem
Hark! The herald angels sing
Glory to the new-born kingHail the heaven-born Prince of Peace!
Hail the Sun of Righteousness!
Light and life to all He brings
Risen with healing in His wings
Mild He lays His glory by
Born that man no more may die
Born to raise the sons of earth
Born to give them second birth
Hark! The herald angels sing
Glory to the new-born kingHark! The herald angels sing
Glory to the new-born king
Peace on earth and mercy mild
God and sinners reconciled
Joyful all ye nations rise
Join the triumph of the skies
With angelic host proclaim
Christ is born in Bethlehem
Hark! The herald angels sing
Glory to the new-born king
Glory to the new-born kingNakatitig lang ako sa pagsayaw ng mga ilaw mula sa christmas lights na nakasabit sa malaking christmas tree na nakatayo sa living room ng aming bahay.
Kasabay ng pagtitig ko sa nakakawiling pagkislap ng mga ilaw ay ang pag-awit naman ng mga choir mula sa nakabukas na tv.
Nanonood kasi si Lola ng tv habang nahbuburda ng tela na nakahiligan na niyang gawin.
Sa edad ko na lima ay wala pa akong masyadong alam sa mga nangyayari sa paligid ko. Basta ang alam ko lang ay isang tulog na lang at pasko na.
Nakatambay ako sa sala ng bahay namin kasama ni Lola. Hindi kasi ako pinapapunta sa kusina dahil busy sina Mama sa pagluluto ng mga ihahanda para bukas.
Nakadapa lang ako sa mahabang sofa habang nakatitig sa christmas tree.
"Robbie, magbihis ka na apo. Magsisimba na tayo mag-aalas otso na." paalala ni Lola.
Alas-nueve ang simula ng misa sa plaza at ako palagi ang isinasama niya sa tuwing magsisimba siya ng gabi.
Mabilis akong napaupo nang marinig ko ang pagbukas ng main door saka pumasok doon si Kuya John.
Natataranta ako na tumayo saka ako tumakbo palapit sa kanya. "Kuya!" masiglang sigaw ko sa pangalan niya.
Nakangiti naman niya akong sinalubong. Yumakap ako kay Kuya John. Niyakap din niya ako bago ako kinarga. Pagkatapos ay hinalikan niya ako ng tatlong beses mula sa leeg hanggang sa bilugan ko na pisngi.
"Kumusta na tong makulit kong kapatid ha? Hmm! Namiss kita." sabi niya saka niya ako mas nilambing pa kaya humagikgik ako nang tawa dahil nakikiliti ako sa ginagawa niyang paghalik sa leeg ko.
"Naku! Binola mo na naman ang kapatid mo. Bihisan mo na yan at isasama ko siya na magsimba. Magsimba ka rin para mabawasan ang mga kasalanan mo." sabi ni Lola.
Natawa si Kuya saka siya sumagot kay Lola. "Lola naman, baka maniwala sayo tong si Robbie." sabi niya saka siya bumaling sa akin. "Huwag kang maniwala kay Lola, mabait si Kuya diba?"
Tumango ako saka ko siya niyakap.
"May pasalubong ako sa baby brother ko." masiglang sabi niya saka niya kinuha mula sa bulsa niya ang isang supot ng chocolate.
Tuwang-tuwa ako nang inabot niya sa akin iyon. Kaya mas lalo kong minahal ang Kuya ko dahil sa tuwing umuuwi siya ay hindi siya pumapalya sa pagbibigay ng candy at tsokolate sa akin.
"Naku, masisira ang ngipin ng batang 'yan binigyan mo na naman ng tsokolate." sermon ni Lola.
"Hayaan mo na 'La. Yan na nga lang ang kaligayahan ng bata eh. Saka di naman pasaway tong kapatid ko. Mabait nga to kaya mahal na mahal ko eh." sabi ni Kuya saka niya ako hinele na parang baby.
Ilang sandali pa ay ibinaba na niya ako saka siya bumulong sa tenga ko. "Magbihis ka na. Baka magalit na naman si Lola mag-transform siya at maging dragon." sabi niya.
Humalakhak ako dahil sa biro niya. "Shhhh! Quiet ka lang baka magalit ang dragon." sabi niya.
Tumawa na naman ako saka na niya ako inakay papasok sa silid namin ni Lola. Si Kuya John na rin ang nagbihis sa akin at hinaharot din niya ako habang nilalagyan ng baby powder ang katawan ko.
Nang maisuot na niya sa akin ang t-shirt ko ay kinuha niya ang bote ng pabango ko saka niya ako winisikan.
Nilanghap pa niya ako saka siya nagsalita. "Bango na ng baby brother ko. Sige na pumunta ka na kay Lola baka mainip na yun." sabi niya.
Mabilis akong tumakbo palabas sana ng silid pero tinawag niya ako.
"Hep! Hep! Hep! May nakalimutan ka yata." sabi niya.
Mabilis akong tumakbo pabalik sa kama saka ko siya binigyan ng isang malutong na kiss sa pisngi niya.
Nang matapos niyang guluhin ang buhok ko ay tumakbo na ako palabas ng kwarto saka ko na pinuntahan si Lola.