(2) Riot

568 121 16
                                    

Chapter 2

Kyle Alonzo

August 28, 2007

Ilang araw mula nang makalabas ako sa ospital ay napag-alaman ko na ang nagmamay-ari ng katawan na kinaroroonan ko ngayon ay si Kyle Alonzo.

Hindi lang doon natatapos ang mga kakaibang nangyayari sa akin dahil bumalik ang panahon fifteen years mula sa araw na naaksidente ako.

Nagising ako sa katawan ng ibang tao at nasa taong 2007 ako ngayon. Kaparehomg taon kung kailan napatay ni Justin si Kuya John.

Naninibago ako sa paligid ko. Nasa isang lugar ako kung saan wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa paligid ko.

Basta ang alam ko lang ay ako na ngayon si Kyle at nagpanggap na lamang ako sa mga magulang niya na wala akong natatandaan.

Nakalabas na rin ako sa ospital at kasalukuyan akong nagpapahinga sa bahay ng mga Alonzo.

Sabi ni Tita Arlene, mama ni Kyle ay nakausap na daw niya ang dean sa school nina Kyle.

Sabi niya ay pwede na raw akong pumasok sa school bukas. At dahil nga ako na si Kyle sa panahon na ito ay wala akong choice kundi pasukan ang mga klase niya.

Tutulungan naman daw ako ng school na makapag-adjust dahil nasabi na rin ni Tita Arlene sa kanila ang tungkol sa kalagayan ko.

Naisip ko rin na kailangan ko nga na pasukan ang mga iyon. Bukod sa naiinip ako dito sa bahay ay baka sa school ko mahanap ang sagot sa mga tanong sa isip ko.

Bakit ako napunta sa katawan ni Kyle at bakit ako nagbalik sa panahong ito?

Kung tutuusin ay sigurado ako na buhay na ako sa panahon na ito. Year 2002 ako ipinanganak kaya sa panahon na ito ay five years old na ako.

Kailangan kong mahanap ang sarili ko. Kailangan kong makumpirma kung nag-eexist ba sa panahon na ito ang five years old na Robbie Lopez.

Mabilis akong bumangon mula sa kama saka ako lumabas ng bahay. Nasa trabaho ang parents ni Kyle at mula nang umuwi kami dito sa bahay at halos mga maid na lang ang nakikita ko.

Sabi nila ay ganito daw talaga ang buhay ni Kyle. Nag-leave lang daw ng ilang araw sa trabaho si Tita Arlene nang maaksidente si Kyle.

Hindi naman nakakapagtaka na workaholic ang parents niya dahil sa nakikita ko ay mayaman sila.

Napakalaki ng bahay nila at kung ibabase ko sa panahon na kinaroroonan ko ang mga kagamitan nila ay masasabi ko na high-tech ang mga ito.

Hindi ko kabisado ang lugar dito sa Carmen dahil ilang buwan mula nang mailibing si Kuya John ay isinama na ako nina Mama sa Maynila at doon na kami tumira.

Pero sigurado ako na malapit lang dito sa bahay nina Kyle ang bahay namin dahil nakita ko na dinaanan namin ang plaza nung araw na umuwi kami galing ospital.

Pagkalabas ko sa gate ay napahinto ako sa paghakbang nang makita ko ang isang pamilyar na mukha na kasalukuyang naglalakad papalapit sa kinatatayuan ko.

Napahinto rin siya sa paghakbang ngunit hindi maialis sa akin ang titig niya.

"Kyle," may pag-aalalang sambit niya.

Bumilis ang tibok ng dibdib ko. Hindi ko inasahan na mangyayari ito. Hindi ko inasahan na magkikita kami ni Justin nang ganito kabilis.

"Justin," wala sa loob na sambit ko habang nakatitig ako sa kanya.

Basketball shorts at jersey lang ang suot niya. Naka-rubber shoes siya at may nakasukbit na malaking bag sa balikat niya.

"Kyle," masiglang tawag niya. Ibinaba niya sa gilid ng daan ang bag niya saka siya nagmamadali na naglakad palapit sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yesterday Once More (Christmas Special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon