Mission Impossible

5 0 0
                                    





Mabilis kong pinuntahan si Kaye nung napahinto ito at naninikip ang dibdib.

"Kaye! Wait lang tatawagin ko sila mama" kabadong sabi ko.

Pero pinigilan ako nito "Wag na, Please. I'm fine" Sapo parin nito ang dibdib.

"Hindi ka okay! Sandali lang gigisi-"


"Saffy! Okay lang ako. Kunin mo nalang yung maliit na garapon sa bag ko" Nakatingin lang ako sakanya at namamasa parin ang mata ko mula kanina "Please" sabi pa nito.


Ginawa ko ang sinabi niya. Binigay dito ang garapon. Bumaba naman ako at kumuha ng tubig "You're not fine at all"Gusto ko sana siya sumbatan dahil alam kong umalis ito at pumunta kay Zach.


Bukod sa pinagalitan ako ni mama dahil nagpaulan ako, naalala ko nanaman ang ginawa saakin ni Hell tapos malalaman ko pang umalis siya papunta kay Zach. Tapos ngayon alam kong pinamukha nanaman ni Sucker na walang siyang kwenta sa paningin ko dahil pinangtakip butas pa sa date niyang bigo si Kaye.


Kala ko nanalo ako ngayong araw pero mukhang puro karma ang balik sakin. Hindi ko mapigilang maluha. Puro kahihiyan at sablay na pagkakataon.


Pinaupo ko siya sa kama. Hinubad ko ang gamit niyang heels at kumuha ng basang bimpo. Pinunasan ko ang mukha niyang pawis.


"Wag kana umiyak. I'm fine" pinunasan nito ang luha ko.

Hindi ako nagsalita. Parang sasabog pakiramdam ko at baka may masabi pa akong 'di dapat niya malaman.


"Shhh. Para kang bata dyan. Na over fatigue lang ako. Vitamins lang 'tong iniinom ko" Tumatawa pa nitong sabi.


Hindi parin ako umiimik "May problema ba?" Umiling ako sakanya.


Pagkatapos ko siyang punasan. Hinawi hawi ko naman ang buhok niya. "Sleep kana"

"Salamat Saffy"

Maya't maya nakatulog na ito. Pinatay ko na ang ilaw at lumapit dito.

Naiisip ko ang ginawa saakin ni Wilhelmina. Hindi ko akalain na magagawa niya 'yon saakin. Hindi akalain na aabot sa punto na ganoon. Normal lang ba dito na gawin yung mga gano'ng bagay?


Parang akong lalagnatin sa ginawa niya. Naalala ko parin yung mukha niya malapit saakin....

Arghh! No! Hindi ko dapat iniisip 'yon wala iyun sa plano.

Nag iinit ang pakiramdam ko. Parang gusto ko matuloy yung kanina--

No no no!

Yung lambot at init ng kamay niya ay ramdam ko parin.





















Buong araw ng linggo kong binantayan si Kaye, nagbilin pang wag ko sabihin kila mama na muntik na siya himatayin.

Tinanong ko sila mama and papa anong status ng kalusugan niya. Sabi nila hindi naman nila nakitaan ito ng problema.


Hindi ko mapapunta si Kaye sa clinic. Mukhang natatakot itong malaman ko kung anong ma diagnose na sakit niya kaya kahit anong pilit ko. Ayaw parin nito.


Nasasaktan ako dahil gusto ko malaman anong lagay niya pero nandoon yung gusto kong hindi nito iniisip ang sakit nito.


Isa lang ang paraan ko. Kundi kunin ang health record nito sa University nila. Bukas, Monday, pupunta ako sa school clinic nila.













Seducing You (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon