Crazy Love XIV

48 5 0
                                    


Araw na ng play, last day na ng celebration namin sa foundation day.

"Mirror mirror on the wall who's that fairest of them all?"

Unang line ko pag tungtong ko ng stage,

"Snow White will die"  witch, ka role ko.

"Ay teka bakit nag sisi-alisan kayo?" rinig kong sigaw ni Teacher Gaile sa mga audience.

Nakita ko rin na umaalis na mga audience eh kaka simula pa lang namin. Pero hindi ko na pinansin dahil may hinahanap mga mata ko, hindi siguro siya nanood.

Hindi na ako nakapag focus sa line nung witch basta kinuha ko nalang yung apple na inaabot niya saakin, at pinapakain niya ito saakin, pag kagat ko doon ay kunwari akong nahimatay at nahiga sa bed.

"Job Well Done"

Sigaw ni Teacher Gaile at nagpalakpakan naman ang lahat pero naagaw ng atensyon ko iyong nasa lamesa.

"Para kay Snow White"

Ayan ang nakasulat sa papel na may kasamang apple.

"Sus kanino naman galing yang" sabi ng katabi kong si Cath.

"Siguro kay Matt"

"Kinikilig ka nanaman" may pa tili pang sabi ni Aye.

"Weh masyado ka namang assuming" pagkokontra naman nung kasama namin sa play.

Nasa cafeteria na kami at may nakita akong kasama ni Matt, bagong kaibigan ata kasi ngayon ko lang nakita.

Nagulat ako ng makita ko ang nasa screen, making tv ito na naka display sa cafeteria.
Nakita ko yung performance namin kanina na Snow White and the Seven Dwarfs. Nahihiya ako buti nalang hindi ako ganon ka sikat dito sa school.

"Kanina pa ata yan, pina play ni Teacher Gaile" bulong saamin ni Aye.

Hinila ko sila malayo sa screen, nagkasalubong kami ni Matt kasa yung kaibigan niya.

"Teka, diba si Snow White 'yan?"  tanong nung lalaki kay Matt.

"Oo"

"Ang cute talaga ni Snow White, May boyfriend na ba siya?"

"Parang wala, pero huwag mo nang balaking ligawan"

"Huh, bakit naman"

"Eh parang masyado pa siyang bata"

Ginawa pa akong bata-.-

"Hay fifth grade nga hinihingian ko na ng number eh" 

Natawa nalang ako sa usapan nilang dalawa.

Mag isa nalang ako ngayon sa bleachers, si Aye ngayon ang awarding nila kasi 2nd place siya sa pag m-make up, si Cath naman nasa bf niya.

"Yasssss"

Muntik na akong mabilaukan sa nginunguya kong potato stick nang tawagin ako ni Teacher Gaile.

"B-bakit po?"

"Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng Yass na super perfect"

Nan t-trip ba siya?

"Naisip ko kung pwedeng sa district sports day ikaw ang mag represent bilang drum major ng school"

Nagulat ako, wala naman akong karanasan sa mga ganiyang bagay at isa pa wala akong hilig.

"Ah ako po? hindi ko po kaya yan"

"Wala na kasi akong naiisip na pwedeng gumawa non, ikaw nalang talaga"

"P-pero two weeks nalang po ang natitira, baka po hindi ko magawa"

At wala na nga akong nagawa.

"Ganito ang paghawak ang pag bato,  pataas, tignan niyong mabuti ang baton, okay?" pag uumpisani Teacher Gaile.

"Pag bagsak ng baton, hawakan mo ng mabuti tapos tuloy ang martsa, ganon lang hindi na mahirap"

"Gawin niyo po Teacher Gaile" wala sa sariling sabi ko sabay abot sakaniya nung baton.

"May sarili akong baton, kaya mo na yan"

"Okay ikaw muna Yass, kung handa kana ihagis na ang baton"

Sabi nito at agad ko namang hinagis pataas ang baton. Ngunit nag si takbuhan ang mga kasama ko dahil palpak ang pagkahagis ko at anumang oras ay pwede silang mataamaan hahaha. sabing hindi ako marunong eh.

Lumipas ang mga araw, todo practice pa rin ako. Ako lang mag isa dahil sinabi saakin ni Aye na ibigay ko raw lahat ng makakaya ko, gawin ko ang best ko para mahanap ako ng taong mahal ko. Ang corny. Umaasa pa rin ako.

"Tumabi po kayooooo"

Sigaw ko ng makita kong babagsak ang baton sa may gawi nila Teacher Gaile at Sir Principal, naglalakad sila malapit kung saan ako nag eensayo.

Muntik ko na silang matamaan.

"Sorry po" nahihiyang sabi ko at nagtago sa likod ng puno sa may field.

"Siya ba yung sinasabi mong drum major ng school natin sa darating na sports day?" rinig kong tanong ng principal

"Ah oo siya nga po, sir"

"Paano pag pumalpak siya?"

"Ah hindi po nagkamali lang siya kanina pero gumagaling naman na siya"

"Gustong palitan mo siya kung hindi, ikaw ang mananagot"

"Sir 1week nalang po ang natitira at hindi na kakayaning makahanap pa ng iba"

Patutunayan ko sakanila na hindi ako talunan.

Araw na ng last practice, nasa kabilang linya kaming mga drum & lyre at mga soccer players naman ay nasa kabila, kasali si Matt.
Pinapanood ko lang sila nang biglang dumating si Matt para saluhin ang Penalty Kick, kaso hindi niya ito na ipasok sa net.
Kitang kita ko sa mukha niya ang pag kalungkot. Napabuntong hininga nalang ako.

"Hindi na ipasok ng tatay niya ang penalty kick, nagmana lang yan"

"Hala sayang naman"

bulong bulungan nila.

Tumingin ulit ako sa gawi nila at parang titira na ulit si Matt. Ang alam ko walang second chance ang Penalty Kick?

Kinakabahan ako, natahimik ang buong nanonood.

Pero sa magandang pagkakataon, naipasok ni Matt sa net ang bola. Anglakas ng hiyawan.

"Woahhh ang galing"

"Sabi na eh kaya niya yan"

"Gooo Matt"

Nakita ko rin papa niya na nanonood, anglaki ng ngiti.
Sobrang saya ko, pati pagtibok ng puso ko sobrang saya.

Nakatitig lang ako sakaniya ng nakangiti at hindi ko namamalayang nakangiti na rin siya saakin mula sa hindi kalayuang agwat namin.
Nagkaroon ako ng lakas ng loob. Nagkaroon ako ng inspirasyon at motivation para magawa ko at maitama ko ang pagiging major sa drum.

Natapos ang sports day, dumating mga parents ko, ang daming nag cheer saakin. angdaming humanga. Marami ring nag bigay ng regalo saakin after ng performance.
Nakakatuwa, tumatalon puso ko sa tuwa.

"Yass, halika dali" tawag saakin nila Aye at Cath.

Pagtingin ko sa pintuan, nakita ko si Matt na paparating, may dalang puting rosas.

"Naks parang mag jowa yarn HAHAHAHA" hirit ni Aye.

Agad naman nila akong tinulak sa labas, magkaharap na kami ngayon. Namumula ako sa kilig.
Sa sobrang tuwa ko, ako na ang kumuha ng rosas sa kamay niya.

"Galing sa kaibigan ko" sagot nito.

Biglang kumirot puso ko. Buong akala ko galing sakaniya, umasa nanaman ako.

Nawala ang ngiti sa aking mga mukha, anglungkot.
Iniwan niya akong nakatulala, bigla nalang siyang tumalikod.






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crazy Little Thing Called Love (On-Going)Where stories live. Discover now