Crazy Love II

152 44 0
                                    

Bumaba na ako at nag- aantay si kuya nang dumating and dalawa kong kaibigan.

"Ano let's go?" kuya .

"Tara" sabay sabay kami.

At sabay sabay kaming pumasok sa kotse as usual si kuya na rin ang nag drive, tahimik kami habang nasa byahe papuntang mall, ako na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Guys" sabi ko at agad naman silang napatingin saakin.

"Ililipat na pala ako nina mommy at daddy ng school" sabi ko with sad voice.

"What? Iiwan mo na kami?" gulat na sabi nina Ayesha at Cath.

"Gustuhin ko man na huwag na lang lumipat, pero wala e" sagot ko.

At kita kong mangiyak ngiyak na si Ayesha , ramdam ko naman sila na ayaw nila na magkahiwahiwalay kami, ako din naman ayoko din malayo sa mga kaibigan ko , kasi since first year high school magkaibigan na talaga kami.

"Diba kuya?" baling ko kay kuya.

"Oo lilipat na lil sis ko" sabi ni kuya sa mga kaibigan ko.

"Hays, ano kaya kung lipat na din kami!?" sabi ni Cath .
At agad naman akong natuwa.

"Oo nga what do you think yass?" si Ayesha.

"Good idea, para 'di na tayo magkahiwahiwalay" sabi ko ng sobrang saya.

"Sasabihin ko kay mommy" sabi ni Cath na nakasandal sa balikat ng boyfriend nya.

"Ako rin, 'di pwedeng kayo lang, I will tell my parents about this" ani Ayesha.

"We're here" sabi ni kuya.

Pumasok kami sa mall at sabi ko na manood na lang muna kami ng sine, nasa sinehan na kami, mula pagpasok ay magkaholding hands pa rin ang mag nobyo/nobya na sina Cath at Kiel.
Kainggit naman kailan kaya ako hahahaha

Agad namang natapos ang movie na pinanood namin, bilis ng oras. Pagkatapos non nag shopping kami binilhan ako ni kuya ng dress, wala naman akong magagawa dahil ayaw na ayaw ni kuya ng tinatanggihan siya lalo na pag ako yung tumanggi.

Bumili rin si Kiel ng couple shirt para sakanila ni Cath.
How it's corny,right? HAHAHA

Habang si Ayesha naman isang set ng make up ang binili nya, mahilig kasi yon sa cosmetics e

Nag alok naman si kiel na kumain muna kami dahil gabi nadin nang matapos kami.

"Sige tara" sabi ko kasi nakakaramdan narin ako ng gutom.

"Saan niyo gustong kumain?" tanong nito.

"Sa restaurant na lang malapit dito" sabi naman ni kuya.

"Okay tara na gutom na'ko e"sabi ko sakanila.

"Gutom na rin ako" ani ayesha.

Umalis na kami sa mall at pumunta sa pinakamalapit na restaurant, halatang gutom na kaming lahat.

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Pagkatapos naming kumain nakapag decide kami na umuwi na lang. Kaya naman hinatid na ni kuya si Ayesha, hindi ko alam bakit bumaba rin si kuya pag dating sa bahay nila Ayesha at hatalang nag uusap ang dalawa, ang pagkakaalam ko naman e hindi sila close. Sumunod naman si Cath at Kiel. Then afterwards dumiretso na rin kami sa bahay ni kuya at nilapag sa sofa ang mga pinamili namin.

"I'm so tired" sabi ko.

"Pahinga kana"sabi saakin ni kuya.

"Uhmm, ikaw din kuya" sabi ko sabay beso sa kanya.

Crazy Little Thing Called Love (On-Going)Where stories live. Discover now